Lara Mae
Pareho kaming napatigil ni Matteo sa aming paghahabulan ng Dumating ang Mommy nito. Kahit May edad na maganda pa din ito at sopistikada. Mukha din itong masungit.
“ I’m here to find out what Manang told me.. At sa nakikita ko mukang totoo nga” saad ng Mommy ni Matteo habang nakatingin sa aming dalawa. Napayuko ako kasi nakakahiya at inabutan kaming parang mga bata na naghAhabulan. “Ah manang told you about MOO?” Nakangiting Sagot ni Matteo. Kinurot ko ito ng pasimple. Nakakahiya. “Sinong MOO? MOO ba pangalan mo iha?” Tanong ng mommy ni Matteo. Tinignan ko si Matteo na ngayon ay abot tenga ang ngiti. “Hindi niya pangalan ang MOO mom,, she’s Lara Mae.. my only one yun ang ibig sabihin ng MOO..” Sabay halik sa noo ko. Hindi ko alam magiging reaksiyon ko sa ginawa ni Matteo kung kikiligin ba ako o mahihiya sa mommy nito. “Come here MOO I want you to meet my beautiful mother Stella Mondragon.. Mom my one and only love Lara Mae Mendoza” pakilala nito. “Nice to meet you po Mrs. Mondragon.” Nahihiya Kong Sagot eto naman kasi si Matteo OA sa introduction eh.. Nakita kong Ngumiti ang Mommy nito at binuka ang dalawang kamay. “Come here iha Tita or Mommy nalang itawag mo saakin.” Sabay yakap at beso nito. Mabait naman pala muka Lang masungit. “Thank you po Tita.”
“Oh kumain na ba kayo? I’ll treat you guys Lunch Para makapag kwentuhan pA kami ni Lara Mae.” Yaya ng Mommy ni Matteo. Sumama na kami ni Matteo mag lunch sa mommy niya. Dinala kami nito sa Italian restaurant. Ang mommy na din niya ang nag order ng mga pagkain. Mag ka tabi kami ni Matteo Habang nasa harap namin si Tita Stella. “So How you two met?” Umpisa ni Tita Stella Habang nakain kami. Nagtinginan kami ni Matteo. “ ah we met more than a year ago pero pagkatapos akong pag samantalahahn ni Lara Mae tinakbuhan ako mommy.. Hindi ako pinanagutan.” Parang batang sumbong nito sa nanay niya. Kung Wala Lang sa harap namin ang mommy nito na batukan ko na ito. Natawa naman ang mommy niya. “Huwag kang mag alala iha Hindi ako naniniwala diyan baka siya nag samantala saiyo..” Sagot ni Tita Stella. “ ah Totoo po yung sinabi ni Matteo una kaming magkita sa company Party po..yun din po ang last time hindi ko po sinabi na sakanya ako nag tatrabaho kaya after more than a year doon pa Lang niya ako nabuking hahaha” paliwanag ko. “Kaya nga ng makita ko siya ulit Hindi ko na pinakawalan mommy baka takbuhan nanaman ako Eh.” Singit ni mAtteo sabay halik sa kamay ko. “ So what do you do iha sa company ni Matteo?”
“Ahh.. ako po ang HR manager Tita.. I also own a Franchise of J&R coffee shop and eventually I’m planning to start my own advertising company” Sagot ko. Nakita ko Kung papaano kumunot ang noo ni Matteo. Hinawakan nito ang hita ko ng Madiin na parang galit at Wala siyang alam. “Oh wow that’s good iha.. favorite coffee shop ko yang J&R coffee kahit saang bansa ako pumunta yan ang kapeng hinahanap ko,,I also met the owner Jacob he is super nice at Pogi din siya napa ngasawa ni Cassandra yung anak ng bestfriend kong si Soledad.” Ang daldal pala ng mommy ni Matteo. “Mom pinsan Po siya ni Jacob ang May ari ng J&R coffee she knows Cassy Mom.” Singit ni MAtteo. “ oh really wow what a small word” saad ni Tita Stella. Nang Matapos ang lunch namin ay Hindi na sumama pabalik saamin si Tita Stella. Si Matteo naman Wala nanaman kibo hanggang maka sakay kami sa kotse niya. “ Ok ka Lang MOO?” Tanong ko dito. “So when are you planning to tell me about your own coffee shop and your plan to have your own advertising agency?” Seryosong tanong nito. “ Bakit Tinatanong mo ba ako? Wala nga akong matandaan na naging interesado ka na kilalanin ako eh.. puro nalang landi ang alam mong Gawin saakin” masungit Kong sagot. Hindi ito kumibo at nagmaneho na tapos ay may tinawagan ito. “ cancel all my appointments today pati ang trabaho ni Ms. Mendoza paggawa mo muna sa assistant niya” dinig kong Utos nito. Napa tingin ako dito. “Matteo!! You can’t do that ang dami ko ng tambak na trabaho” reklamo ko dito. “ Yes I can and I Just did” Sagot nito. “Saan ba tayo pupunta? Ganyan ka nalang palagi nag dedesisyon ng Hindi muna ako tinatanong..” walang gana kong Sagot dito. Wala kaming kibuan nakatanaw Lang ako sa bintana habang naka pangalumbaba. Naramdaman ko nalang hinawakan nito ang kamay ko ngunit Hinila ko ito palayo sa kamay niya. Sa isat kalahating Oras na byahe namin Hindi ako kumibo ito naman pasulyap sulyap Lang hanggang sa bumungad saakin ang malawak na Farm. Ang daming ibat ibang puno dito. Nakita ko ang mga trabahador dito na kumakaway kay Matteo Ganoon din naman si Matteo. Nang makarating sa dulo ay tanaw na tanaw ang malaki at makalumang disenyo ng bahay. Napangiti ako kasi ang presko sa Lugar yung malayo sa Ingay ng siyudad nakaka relax. “ saiyo din ito Matteo?” Tanong ko. Nakita kong napangiti ito. “ OO MOO saakin din ito.” Maiksing sagot nito. Nang makapag park kami ay agad akong pinagbuksan ng pintuan nito at Inalalayan bumaba ng sasakyan. Sinalubong ito ng mga trabahador dito. “Sir Matteo buti ho napasyal kayo.. MadAmi ho kaming aning mga bunga.”
“Ganoon po ba naku tamang tama kasama ko ang magiging misis ko ilibot natin siya at patikimin natin ng mga bunga natin dito”Sagot ni Matteo. Inirapan ko ito dahil feeling niya madadaan ako nito sa bunga ng puno niya. “Naku bossing mukang LQ kayo ni Misis ha. Kailangan yan suyuin mo boss” Asar ng isa sa mga trabahador doon. “ hayyy.. nako Manong Hindi ho marunong manuyo yang amo niyo!!” Singit ko.
“Walang problema mam kaming bahala tuturuan po namin” nakangising Sagot ni Manong. Si Matteo naman tatawa tawa. PumAsok na kami sa loob ng bahay at naging aligaga ang mga kasambahay nito sa pag luluto. Nag presinta akong Tumulong sa pag hahanda ng mga sahog habang si Matteo ay kasama na nila Manong nag lilibot sa farm. “ ah manang matagal na po kayo dito?” Tanong ko habang nag hihimay ng sitaw. “ OO iha.. Hindi naman si Matteo talaga ang unang May Ari ng farm na ito.. Sinanla ito ng dating May ari na nalulong sa sugal. Tinubos ni Matteo dahil naawa saamin na mawawalan ng trabaho. Mabait yang bata na yan. Kaya yung mga sinasabi nila tungkol sa kanya sa Tv malayong malayo sa Matteo na kilala namin.” Bida ni Manang. “Hindi ho ba totoo na babaero si Matteo? Pang ilan na ho ba ako sa dinala niya dito” biro Kong tanong. Tinignan ako ni manang at Ngumiti. “Pangalawa ka pa Lang iha” Sagot nito. “Shocks pangalawa nanaman ako.. yung ex niya siguro yung una”
“Bakit ka natahimik iha?” Tanong ni Manang. “Ah Wala ho May naalala Lang.. yung una ho ba eh yung ex ni Matteo na ng iwan sakanya?” Usisa ko. “ Oo iha naikwento na pala saiyo ni Matteo si Kimberly?” So Kimberly pala pangalan. “Ah Hindi naman po lahat ayaw po kasing pag usapan ni Matteo Eh” Sagot ko
“Sige iha ikwekwento ko saiyo ang nalalaman ko.” Na excite ako kasi gusto ko talagang makilala pa si Matteo. “Mga bata palang sila Malapit na sila sa isat isa.. satin satin nalang ito ha ang Daddy ni Kimberly ang dating May ari nitong farm sinalba ni Matteo ito dahil bukod sa napalapit na siya saamin ay dito din lumaki si Kimberly.” NakAramdam ako ng. Kirot sa puso dahil minahal niya talaga yung ex niya ng sobra.
“Huwag kang mag selos iha matagal na silang Wala ikaw na ang mahal ni Matteo.” Sambit ni Manang Ngumiti Lang ako ng tipid. “ tuloy mo Lang manang ang kwento mo” bago pa maituloy nito ay dumating na sila Matteo. “Ah mam Tara ho sa bukid May kubo ho doon at nag Handa kami ng maraming prutas Habang inaantay natin maluto ang hapunan.” Yaya ni Manong. Sumama na ako sa kanila at kay lapad ng ngiti ko ng narating namin ang kubo sa bukid ang Ganda ang sariwa ng hangin. Meron din nakahapag na ibat ibang prutas sa Lamesa. May fresh buko juice din. Agad Kong tinikman ang kaimito dahil paborito ko ito. “Hmmmm sarap ang tamis” Tuwang tuwa akong tinitikman ang mga prutas habang si Matteo ay nakatingin saakin at naka ngiti. Mayamaya naman ay dumating na sila Manang dala ang hapunan. May pinakbet pritong isda sinigang na hipon. May mangga at bagoong din. “ manang tatabA ho ako pag dito ako lagi sa farm sarap niyo mag Luto” puri ko dito. “Kahit tumaba ka Ikaw pa din ang my only one” banat naman ni Matteo. “Ayiiiiiihhhh.. yun oh iba talaga si bossing” tukso saamin ng mga trabahador. Ako naman pabebe pinipigilan ang kilig. “Alam niyo ba mam na magaling sumayaw si bossing? Dancer yan?” Napatingin ako Kay Matteo na ngayon ay nakain gamit ang kamay.
“Talaga ho ba? Hindi ko alam Hindi naman ho kasi nagkwekwento yang amo niyo” pasaring ko dito. “Ayyyy Bakit naman ganoon bossing kaya pala galit si Mrs eh.. sampolan mo ng hataw mo bossing baka mawala ang galit.” Tukso muli nila Manong.
“Mamaya na kumakain pA tayo eh” Sagot naman nito. Na curious tuloy ako marunong nga kaya itong sumayaw o puro kalokohan Lang ito.
Matapos namin mag hapunan ay busog na busog ako. Pakiramdam ko puputok na ang aking tiyan sa laki. Nang maligpit ang pinag kainan namin ay naglapag naman ng alak ang mga ito. “Oh bossing lambanog time na” Yaya ni Manong. Ang isa naman ay nag labas ng gitara at nag simulang kumanta habang ang mga kalalakihan ay tumatagay. Magkatabi kami ni Matteo pero tipid ang aming mga salita sa isat isa. “ MOO dinala kita dito para makilala mo pA ako” bulong nito. Natuwa naman ako dahil eto pala ang dahilan Bakit niya ako dinala dito. “Bossing sayawan mo na si Mrs mo Pakitaan mo ng moves mo” kantiyawan ng mga trabahador nito. Si Matteo naman ay napakamot ng ulo. Nagpatugtog naman ng kanta ang isa sa mga trabahador. “Sige bossing simulan namin sumunod ka ha national anthem namin to mam pagnandito si bossing Hindi pwedeng Hindi namin sayawin ito.
Dying inside to hold you by Darren Espanto(please play the song)
Tumayo na nga isa isa ang mga tranahador nito at nagsimulang sumayaw ng tumugtog ang kanta.
It's turning out just another day
I took a shower and I went on my way
I stopped there as usual
Had a coffee and pie
When I turned to leave
I couldn't believe my eyes
Nakakatuwa kasi ang galing nila sumayaw sabay sabay pa pati si Manong humahataw.
Standing there I didn't know what to say
Without one touch we stood there face to face
Nang Malapit na sa chorus hinila na nila si Matteo at sumabay na ngang sumayaw Sakanila.
And I was dying inside to hold you
I couldn't believe what I felt for you
Dying inside, I was dying inside
But I couldn't bring myself to touch you
“Shocks ang galing pala sumayaw ng Matteo ko.. lakas maka dagdag ng pogi points” kagat kagat ko ang labi ko upang pigilan ang Kilig.
You said hello then you asked my name
I didn't know if I should go all the way
Inside I felt my life have really changed
I knew that it would never be the same
Habang nasayaw ito ay nakangiti at nakatingin ito saakin. “Diyos ko Lord Bakit nag ka cart wheel ang puso ko ngayon sa kilig”
Standing there I didn't know what to say
First time looked away when I whispered your name
And I was dying inside to hold you
I couldn't believe what I felt for you
Dying inside, I was dying inside
But I couldn't bring myself to touch you
Nang matapos itong sumayaw ay nagpalakpakan kaming mga babae.
“MOO galing mo pala sumayaw lalo kang pumogi sa paningin ko kanina” kinikilig kong saad. Nakita ko itong napakagat ng labi na tila pinipigilan ang Kilig. “ Ikaw palang ang nag iisang babaeng sinayawan ko MOO.. I love you”.. Seryoso nitong sambit.
“I love you too My Matteo” sabay halik ko sa labi niya.
“Ayiiiihhhhhhh bati na sila!!!! Yun oh!!!! Kantiyawan ng mga trabahador saamin.