Hanna's POV Wala na akong paki alam kahit pa pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid dahil wala akong ka partner. Sanay naman akong ganito, ang mag-isa. Kahit noon na may nag-aaya sa akin para maging partner nila ay tumatanggi ako. Ewan, siguro kasi dito ako mas sanay, ang mag-isa kahit sa anong klase ng okasyon pa 'yan. Nang makarating ako sa loob ng mag-isa ay agad akong pinagtinginan ng mga tao. Halos lahat sila ay nakatingin sa akin, lalo ang mga lalaki na akala mo lalapain na ako ng buo. Yung mga babae naman akala mo nakakita ng isang mortal na kaaway. Ito ang ayoko sa lahat. Atensyon. Tumuloy na lang ako sa paglalakad at hindi na pinansin pa ang mga nakatingin sa akin. Naghanap ako ng lamesa na wala pang nakaupo. Marami pang bakante pero mas gusto ko ang nasa harapan upang mari

