Chapter 2

1008 Words
Hanna's POV   Ang bait naman ng Diyos sa akin ngayong araw. Halos lahat ata ng kamalasan ibinagsak sa akin.   Ewan ko kung anong meron sa lalakeng to at sa lahat ng oras kailangan kasama ko siya.   Na spot kami ng mga member ng booth ng SCS also known as 'Sweetest Couple Spotted' na magkatitigan kaya nilagyan nila kami ng posas na magkasama. Ilang beses akong nagpaliwanag sa kanila na I'm not staring at him, I'M GLARING KAYA! Pero ayaw nilang maniwala.   Ang bait di ba?   At ang loko mukhang nag i-enjoy pa. Tinaas-baba niya ang kilay niya na akala mo may masamang balak.   "Tumigil ka nga. Mukha kang manyak."   "Grabe ka naman sa’kin. Ang gwapo ko namang manyak kung ganon." Inirapan ko lang siya. Kairita.   Sinabi ko rin na hindi kami couple pero still nilagyan nila kami ng posas na tagisang kamay. The only thing we need to do is to find the key para magkahiwalay kami.   Binigyan nila kami ng clue bago kami iwan dito sa mga upuan namin.   Sa sobrang gulo mukhang sasabog ata ang utak ko.   R M V O S E O E N   Ano bang tingin nila sa amin? Mystery solver?   "Anong nakakatawa diyan?" Iritang tanong ko.   "You don't know the answer in that simple riddle, don't you?" Nakangise pa.   "Kung makapagsalita akala mo talaga alam niya. Sige nga, anong sagot diyan?" Panghahamon ko.   "Sasabihin ko sa isang kundisyon." Tumayo siya at inilagay niya ang isa niyang kamay sa bulsa niya.   "Anong kundisyon naman?" As if susunod ako.   "Kailangan mong sundin ang tatlong kahilingan ko."   "Ano ako genie?!" Napatayo na rin pati ako.   "Ayaw mo? Okay, edi samahan mo ako." Nag-umpisa na siyang maglakad na sinundan ko naman dahil wala akong ibang choice.   "Saan naman tayo pupunta?"   "Sa CR." Literal na lumaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.   "ANO?! NABABALIW KA BA?!" Hindi niya ako nilingon pero na rinig ko ang mahina niyang pagtawa.   "Gagamit ako ng banyo. Hindi ko na kayang pigilin."   "Tumigil-tigil ka sa kalokohan mo Dan dahil mahahampas kita nitong sapatos ko."   "Seryoso kaya ako, naiihi na ako." Nagmadali akong pumunta sa harap niya at harangan siya.   "Hindi pwede! Kung gusto mong magbanyo diyan ka umihi!" Turo ko sa sahig sa harap ko.   "Talaga, pwede?" Natulala ako at napabuka ng bahagya ang bibig ko sa sagot niya.   "Okay, sabi mo ah." Akmang magbubukas na siya ng zipper SA HARAP KO nang pigilan ko siya.   "AAAWWW!" Sa lakas ng sigaw niya siguradong umabot iyon sa main office.   "Ngayon sabihin mo. Naiihi ka pa ba matapos kong pigain yang scrotum mo?"   "H-Hindi na..." Naaawa tuloy ako dahil sa boses niya.   "Good."   "B-Bitawan mo na please..." Mangiyak-ngiyak na siya kaya binitawan ko na.   Pagkabitaw ko agad siyang umupo at namilipit sa sakit habang hawak-hawak ang scrotum niya.   Umupo na rin ako sa sahig. Naaawa tuloy ako sa kaniya. Masakit ba talaga yun?   "Dan..." Kinalabit ko siya ng dalawang beses Pero di siya umiimik. Nakapikit ng mariin ang mga mata niya. "Uy... Gusto mo ba pumunta sa clinic?" Umiling lang siya.   Aisht! Na gu-guilty tuloy ako sa ginawa ko. Feeling ko ang sama-sama ko.   "Dan... Sorry ta-" Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang tumayo. "Ok ka na?" Ngumiti siya tsaka ako kinindatan.   "Masakit pa pero ok na ako." Binigay niya ang kamay niya para makatayo ako.   "Sigurado ka ah."   "Yup. Tsaka na rinig ko naman na yung magic word e."   "Ano na namang magic word yun?" Nag-umpisa na ulit kami maglakad na parang walang nangyari.   "Yung 'sorry' word." Napahampas ako sa noo ko dahil sa ugali niyang pang seven years old.   Tumawa lang siya na halos hindi na makita ang mga eyeballs niya.   Hayss. Bakit ba ang cute mo?   Mabilis natapos ang araw kahit wala naman talaga kaming ginawa bukod sa makisali sa festival kahit pilit lang.   Matapos namin malaman ang clue na itinago nila sa Room Seven na di ko alam dahil nga slow ako at tanga. Agad rin namin crinack ang code. Bali ganito ang nakasulat sa papel na nakita namin.   "Words will show when you at bash the code."   RM GSV GZYOV ZG XSVNRHGIB OZY   Nung una naguluhan talaga kami lalo na ako dahil ayaw kong sumasakit ang utak ko. Tapos hinayaan ko na lang na siya na ang sumagot. Umupo muna kami sa mga upuan doon habang sinasagutan niya yung nasa papel.   Pinanood ko lang siyang magsulat at magbura sa notebook niya ng mga di ko malaman na words. Then I found out na complete package na pala ang mokong na to kahit may pagka-childish siya na aakalain mong sped.   Speaking of complete package, bakit ko nasabi yun? It's because bukod sa gwapo siya, matalino pa, perfect body at may ABS! Mga beshy sa panahon natin ngayon bihira ka nalang makakakita ng lalakeng may 8 paks! s**t!   Nag-init nga ako kanina este ang init kanina habang pinupunasan niya yung katawan niya dahil pawis na pawis na siya dahil nga mainit ang panahon. Ayun inangat niya yung polo niya hanggang kilikili niya tapos kumuha siya ng panyo at ipinang punas sa pawis niyang katawan.   Omeged pengeng kenen bilis! Baka maubos ang ulam sa harap ko.   Sana ako na lang yung panyo. Joke! Nako Hanna masyadong mahalay yang utak mo. Sa sobrang halay hindi mo na napansin na nakangisi na siya sayo dahil ang obvious mo naman kase! Titigan raw ba yung abs ha?!   Namula tuloy ako lalo ng makita ko siyang nakangisi sa akin.   "Oh bakit ka natatawa diyan?" Nabalik ako sa realidad nang bigla akong kausapin ni Dan.   "Ha? Wala. Ano tapos ka na ba?" Pilit kong kinakalimutan yung nangyari kanina pero laging bumabalik sa isip ko.   "Kanina ko pa na-crack ang code. Ikaw lang itong busy kakatitig sa akin." Ito na naman yung ngiti niyang nakakaloko. Feeling ko tuloy ang init ng pisngi ko. "Wait lang, may sakit ka ba? Namumula ka yata." Ngayon ako mas nabigla ng hawakan niya ang pisngi ko. Ewan pero para akong kinuryente at hindi na makagalaw. Ang init ng kamay niya at ang lambot. Mukhang siya pa ata ang may sakit. Hm… Paano kaya pag nagkasakit si Dan tapos ako ang magaalaga sa kaniya?   "Dan huhubarin ko na ang damit mo para mapunasan ko na ang katawan mo at makapagpalit ka na ng damit."   "Ikaw na ang bahala sa akin Hanna. Sayong-sayo lang ako."   Tapos yayakapin niya ako at hahalikan KYYYYYAAAAAA!!!! Nako imagination bakit ang halay mo? WHAHAHA!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD