Hanna's POV Dumiretso muna ako sa locker upang kunin ang mga gamit na kailangan ko at iwan ang hindi. Isasara ko na sana ang locker ko nang may humampas ng malakas sa saraduhan nito, dahilan para tumama ito sa ulo ko at maumpog ako sa katabing locker. Agad akong natumba at nahilo. Hawak ko pa rin ang masakit kong kanang bahagi ng ulo at hindi pa rin nakakatayo sa pagkakatumba. Pati ang kanang mata ko ay hindi ko maidilat dahil sa sobrang sakit nang pagkakatama nito sa locker. Nakarinig ako ng mga tawanan sa paligid. "Bagay 'yan sayo, malandi ka kasi!" "Ihampas niyo pa, kulang pa 'yan!" "Oo nga, feeling maganda pasabay-sabay pa kay Dan." "b***h!" Rinig na rinig ko ang mga sigawan sa paligid ko. Hindi ko alam kung para ba sa akin iyon kaya unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Mar

