Hanna's POV Ka-text ko pa rin si Dan. Hindi ko na alam kung ano na ba itong nararamdaman ko, paghanga na nag-level up at naging infatuation dahil sa mga naganap kanina? Hayss, hindi ko na alam kung ano pa ang mangyayari sa akin pagnag-level up pa ito ng tuluyan. - To Dan Sure, beside classsmate naman kita, di'ba? Muli kong ibinaba ang phone ko sa mesa at nagsalin ng tubig at uminom. Hindi ko pa halos nakakalahati ang pagkain ko dahil sa lalaking ito. Muli kong kinuha ang kutsara ko at sa pagkakataong ito hindi ko na talaga na pigilan ang inis ko ng muling mag vibrate ang phone ko. - From Dan Yeah hehehe :) - - To Dan Uso maghinay ng two minutes bago mag reply. Pasubuin mo naman ako ng pagkain bago ka mag reply! Hindi porque may gusto ako sayo ay hindi na ako maiinis ah.. Sent.

