"Tulong!" "Patawad!" "Arghhh!" "Maawa kayo sa amin!" Pabalibag kong binuksan ang pintuan ng aking silid at nakita si Alada na pinapahirapan ang isang kaluluwa. "Ksara, bakit bumalik ka agad? tapos na ba ang misyon mo?" Tanong niya ng makita niya ako, hindi ko siya pinansin. Sa halip ay humiga ako sa aking kama at masamang tinignan ang isang kaluluwa na kanina pa sunod ng sunod sa akin, agad siyang natakot at kumaripas ng takbo. "Bakit parang bad trip ka?" Tanong ulit ni Alada, sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa siya at kinuha ang mata ng kaluluwang pinapahirapan niya saka lumapit sa akin at nilahad ang hawak niyang mata. "Oh." Sabi niya, inirapan ko lang siya at sinimulang ibalik ang tunay kong anyo. "Mukhang hindi pa tapos ang misyon mo pero nandito ka na at bumalik sa pagigin

