Chapter 3 : Heartthrob?
Julian's Pov,
Bakit ganon? Pinag-uusapan nila kami? Baka dahil 'di maayos ang mga itsura namin. Palibhasa mayaman kasi sila.Pero 'yun nga ba ang dahilan? Kami nga ba o ako lang ang pinag-uusapan nila?
***
Second day na namin sa school, baka pag-usapan parin nila kami. Lalo na 'yung mga babae. Parang ngayon lang nakakita ng transferee. Saakin pa halos nakatingin ang lahat ng girls.
Maaga ulit ako nagising, hindi dahil 'di ako nakatulog, kundi ihahanda ko pa yung mga gamit at baon ko. Pinipilit ko kaseng isipin ang mga positive thoughts. Ayoko na kase mag-alala pa.
May dapat ba ako ipag-alala?
Pero nagulat ako ng pagtayo ko wala na doon si Julia sa kama. Naliligo na pala. Mayron na ding mga pagkain sa lamesa na tiyak na luto nya.
Ayos na din ang lahat ng gamit namin na parang maliligo nalang ako sabay alis na. Ano pang gagawin ko dito 'di ba? Parang wala na akong iintindihin. Tingin ko maaga kaming makakaalis.
Minsan mapapakinabangan mo din 'yan si Julia. Masipag 'yan kahit masungit, mabait din yan, mana sa akin haha. Pero alam ko naman na mas mabait ako diyan. Lumakas ba ang hangin?
"Oh, Julian, gising ka na pala magalmusal ka muna para makaligo ka na at makaalis na tayo," Utos nya saakin habang pinapatuyo ang kaniyang buhok.
"Oo na, bakit ba parang madaling madali ka?"tanong ko sa kanya habang sumusubo ng pandesal na may palamang mayo.
"Wala lang, excited na ako pumasok uli eh, kase may mga kaibigan na ako," Sabi nya saakin sa masiglang tono ng boses.
"Buti ka pa may kaibigan na,"Malungot na sabi ko. Hindi ako gano'n kagaling sa larangan ng pakikipag-kaibigan. Introvert kasi ako. Phlegmatic.
"Bakit? Ikaw wala ka pa bang kaibigan sa school?"Nagtatakang tanong nya.
Umiling ako. "Wala pa, sa tingin ko walang magkakagustong kaibiganin ako,"Sabi ko sa kanya. Syempre mag-iinarte ako. Para lang ewan 'di ba?
"Ang drama mo, eh bakit mo naman nasabi 'yun,"tanong nya saakin.
"Kase lahat ng babae nakatingin saakin na parang ngayon lang nakakita ng lalakeng transferee,"sagot ko sa kanya habang nagkakamot ng ulo.
Para syang napaisip bigla at umupo sa tabi ko. Tumawa siya. "'Yun ba? Sabi saakin nila Jenny at Kristin kahapon. Crush ka daw nila, nagulat nga ako eh,"natatawang sabi ni Julia saakin.
"Ha?"nagtatakang tanong ko at biglang tumayo.
"Oo, ayaw mo maniwala,"nakangiting sabi nya. Niloloko nanaman ako ng kakambal kong bwiset. Nakakairita ang ganiyang ngiti niya e.
"Sige na, oo nalang. . .maliligo na ako,"sabi ko sa kanya habang nililigpit ang mga pinagkainan ko.
Napangiti nalang sya. "Kinikilig naman pwet mo,"tawang tawang sabi nya. Hindi ko nalang sya pinansin. At pumasok sa banyo para maligo.
Nagising na pala sila mama at lola.
"Mama, alam mo ba si Julian, heartthrob 'yan sa school?"sabi ni Julia kay Mama. s**t! Nakakabwiset talaga ang bunganga ni Julia. Why do I need to care? Napangisi ako. Wala naman akong dapat ipag-alala. She's just teasing me.
"Talaga? Ganyan ang lahi natin,magaganda at mapopogi,"nakangiting sabi ni mama habang nagtitimpla ng kape. Lahat ng pinaguusapan nila habang naliligo ako ay naririnig ko.
Sana pala soundproof ang CR namin.
"Julian, bilisan mo na maligo!"sigaw ni Julia kaya narinig ko. Maingay kaya ang bunganga no'n, parang nagwawalang tigre.
"Tapos na,"sabay labas ng banyo.
"Oh, bilisan nyo na at baka mahuli pa kayo sa klase nyo," utos ni lola habang hinahalo ang kape nya.
"Ito na po,"sabi ko habang nakahawak sa bag ko at sinukbit pagkatapos kong suklay ng buhok.
"Mauna na po kami,"sabi ni Julia sabay nagmano kami.
"Magiingat kayo,"paalala saamin ni mama.
"Opo!"sabi namin ni Julia.
***
Pagpasok ulit namin sa school lahat ng estudyanteng babae nakatingin saakin at nagbubulungan. Hindi ko nalang sila pinansin at naglakad sa likod ni Julia ng nakatungo. Sometimes, I hate being me. I hate being introvert.
Pagpasok namin halos lima palang ang nasa classroom. Nandoon na din si ma'am. Maya-maya isang guro ang pumasok at may tinanong kay ma'am.
"Sino dito ang marunong magbasketball?"tanong ni Ma'am sa aming mga estudyante nya.
"'Diba Julian magaling ka magbasketball? Naalala mo n'ong kasama mo si papa na lumaban ng basketball? Nanalo kayo dahil sayo?"sabi ni Julia saakin. "Ma'am si Julian po!"sigaw ni Julia. Tumahimik ang lahat at tumingin saakin. Feeling ko tuloy may kasalanan ako.
"Ikaw Julian? Marunong ka magbasketball?"tanong ni Ma'am saakin. Ano bang meron bakit tinatanong?
"O-Opo,"nauutal na sabi ko kay ma'am.
"Talaga? Okay Mrs. Guanto sya na po ang napili ko,"sabi ni Ma'am sa isa pang guro. Umalis na ang isang guro, na parang masaya. Anong masaya do'n?
"Julian, ikaw na ang itetrain nila ma'am Guanto para sa sportfest natin, kapag nanalo kayo lalaban kayo sa regional at pwedeng makarating kayo sa international,"masayang sabi ni ma'am.
". . . At pwede ka pang mabigyan ng scholarship,"dagdag pa niya.
Nanlaki ang mata ko at napatingin ako kay Julia na nakangiti. "Oh 'diba, malaking tulong na iyon kay mama,"sabi ni Julia. Mukhang dapat ko na itong tanggapin. Sana matulungan ako ng basketball para mabawasan ang pagiging introvert ko.
"Mamayang hapon ang simula ng practice nyo,"sabi ni Ma'am Kacey. Nagulat ulit ako sa sinabi nya, mamaya na agad? Wala bang orientation lang muna?
Ilang saglit lang napuno na ulit ang classroom namin, meaning magsisimula na ang klase.
"Si Julian ang sasali sa sportfest ng basketball,"balita nya sa mga kaklase ko. Nakakahiya, ngayon lang namension ng malakas ang name ko sa loob ng room ko. "S'ya ang pambato natin sa basketball,"dagdag pa ni ma'am.
Pumalakpak ang mga kaklase ko at may nagsabi pa nga ng "Kaya mo yan Julian!"
Mas lalo akong nahiya. Ano bang meron bakit ako nahihiya? Hays. Mukhang ayos lang naman sa mga kaklase ko na ako ang maglalaro ng basketball. Wala nalang sisihan.
***
"Okay class manonood tayo sa training ni Julian sa basketball, pero walang magulo,"sabi ni Ma'am. Nakangiti siya at nagaayos na ng mga gamit niya. Uwian na kase.
Hala, ang dami ng manonood saakin?
Hindi ako sanay na binibigyan ng ganitong atensyon. Pakiramdam ko tuloy ang daming sumusuporta saakin. Bago palang ako dito pero parang ang tagal ko na sa inaasta ng mga kaklase ko.
Pumunta kami sa court, kung saan ako magpapractice. Ang laki ng court, kulay orange ang mga pader at may Ministry Academy na nakasulat sa sahig ng court. Pumito na ang coach meaning magsisimula na training namin.
Nagsimulang magtilian ang mga babae at nagsigawan "Go Julian,Go Julian!" Mas lalo tuloy akong nahihiya. Practice lang 'to pero bakit parang may laban kung umasta sila? Kinakabahan tuloy ako na baka mamaya madapa ako at pagtawanan nila.
Kinakabahan ako kase baka 'di ko kayanin ang mga kalaban ko. Well training palang naman. Pinaglaro muna kami ng coach namin para daw alam nya kung sino ang babaguhin at tatanggalin nya.
Pinasa saakin ang bola at tinira ko ito sa tres, swerte ko at nashoot ko iyon nagtilian lang ang mga babae at sinabi ni Julia, "Kakambal ko 'yan!"
Ang saya pala kapag maraming sumusuporta sayo. Naging masipag ako mag shoot at nagtala ako ng 35 points sa laro.
Sa huli, nanalo parin ang grupo ko. Masayang-masaya ang mga kaklase ko. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong saya, nakipag-apir sa akin ang mga kaklase ko.
"Good job Julian,"sabi nila. Kahit traning palang ang saya-saya na nila. Feeling ko ang united ng section na pinasukan namin.
"Julian!"tawag sa akin ni Coach.
"Tawag ka ni Ma'am Guanto,"sabi ni Julia saakin. Sumunod naman ako kagad kay Coach.
"Bakit po?"tanong ko.
"Magaling ang ipinakita mo, bilib ako sayo, pumunta ka sa room ko bukas ng uwian may ibibigay ako sayo,"sabi n'ya saakin. Nginitian ko sya at tsaka sya umalis. Bumalik ako sa mga kaklase ko.
"Ano daw 'yon?"tanong ni Julia saakin.
"May ireregalo daw sya, ganon ba talaga 'yon?"tanong ko sa mga kaklase ko.
"Oo ganon si Ma'am Guanto sa mga tinuturuan nya, kapag nagustuhan nya ang pinakita ng estudyante nya, may gantimpala sya,"sabi ng isa kong kaklase.
"Pero masama syang magalit kapag 'di nya nagustuhan ang pinakita ng estudyante nya,"dagdag ni Jenny.
"Ah, okay. Tara na"sabi ko kay Julia.
"Sige guys, Mauna na kami"sabi nila Jenny.
"Kami rin,"sabi ng iba pa.
"Ingat kayo at salamat,"sabi ko sa kanila habang kinukuha ko ang bag ko. Umuwi kami ni Julia ng masaya, at doon kinuwento namin ang nangyari sa buong araw namin sa school.
Minsan, masaya rin pala na mas maraming sumusuporta sayo, akala mo minsan mapapahiya ka. Pero parte lang pala 'yon ng pagsasanay mo na dapat mong tandaan.
I think this day minus my Introvert Level.