alas dose na at nakatitig lang sa kisame si gail, iniisip nya kung bakit ba sya pumayag sa dare na yun...dahil sa isang libo
sumimangot sya nang sobra dahil iniisip nya kung bakit kasi ganun ang dare ng lalaki na iyon.. oo maraming bading sa iskwelahan nila pero normal lang naman yun para sakaniya... pinikit nya saglit ang mga mata nya at di inasahan na makakatulog na pala
nagising sya sa alarm nya, kunot noo nya iyong pinatay at tumayo na para mag bihis dahil papasok pa sya sa iskwelahan.
"gising na ang prinsesa" bati ng nanay nito... ngumiti lang sya dito, ganito talaga ang tawag sakaniya ng nanay nya, pero para sa iba insulto raw ito.
matapos maligo ay kumuha nalang sya ng pandesal na nasa lamesa at uminom ng tubig saka umalis na rin kaagad. Nakasalubong nya si zane na pangiti ngiti habang naglalakad, nang makita sya ni zane ay inakbayan sya nito
"ano sinong jojowain mo sa mga yun? andami ba di ka makapili" humagalpak ng tawa si zane "may suggest ako kung sino" naglakad lang sya ng normal habang nakikinig sa sinasabi ng kaklase. "Si feil" napahinto sya dito at sinimangutan
"bakit sya?" hindi mapigilan ni gail ang pagtanong nito....hindi sya pinansin ni zane at diretso lang na naglakad.. mapapadali kaya kung si feil ang guguluhin nito dahil sa dare ni zane?
"ano teh sino jojowain mo? ano ikaw manliligaw, iw ha" umagang umaga nag bubunganga nanaman si liz ng mga hinanakit nya sa buhay nya kesyo ang aga raw sya ginising ng magulang nya porque sinabi nyang may test sila ngayon. "Anong oras na akong natulog tapos gigisingin ako ng ganun grabe ang bastos"
"sabaok ginigising" kumakain ng lollipop si andrea habang nakatingin sa daan.
ang aga pa para sa lollipop.
bandang huli ay napagisipan ni gail na si feil nalang talaga ang tanungin, mabait naman ito kahit papaano kaya wala naman sigurong problema
umakyat sya ulit sa rooftop pagkatapos magexam, inaasahan nyang nandun si feil at tama nga sya
"napapadalas ka dito bakla ha dahil ba nandito ako?" nakahiga parin ito sa sahig akala mo walang dumi na nasa lapag, umupo sya sa harap nito
"pumapatol ka ba sa babae?" kaswal na tanong ni gail, naglalabas sya ng notebook at balak na basahin ang notes nya para sa susunod na exam "ask lang"
"depende" bumalik sa pagkakahiga si feil at tumingin sa langit. "bakit, shoshotain mo ba ako?" tumawa ito, ibang iba ang ugali nito pag kasama ang mga kaibigan, dumadampi ang hangin sa balat ni feil.... makikita mo rin ang matangos nitong ilong at magandang mukha
"pwede ba?" napatayo nang mabilis si feil at diretsong tumingin kay gail, tinitignan kung nag bibiro ba ito.. tinitigan din sya ni gail sa mata para sabihing seryoso ito.. "dare lang"
"ang tanda mo na para sundin ang dare dare na yan jusmiyo ka teh" nagkibit balikat lang sya.. "ano mapapala mo dyan?"
"isang libo" binalik na nya sa bag nya ang notebook dahil di na pumapasok sa utak nya ang nasa notebook nya.
"e ako ano mapapala ko dyan?" alam ni feil na may mapapala sya, hindi sya siguro kung bakla ba sya dahil wala pa rin naman syang nagugustuhang lalaki sa madaling salita hindi pa sya sigurado.
"hati tayo sa isang libo" natawa ang pareho, alam ni gail na mayaman si feil halos lahat naman ata dito sa iskwelahan nila
"triplehin ko pa yan" ngumiti lang si gail, iniisip nya na sana sya rin kayang triplehin ang isang libo... nandito lang naman sya sa paaralan na to dahil sa nanay nya... nagaaral sya sa paaralan na to dahil....
hindi natuloy ang pagiisip ni gail ng may biglang pumasok sa rooftop, kaklaseng lalaki ni feil.
"hi gail, dito ka rin pala" tumabi ito kay feil at kaswal lang na ngumiti. "kanina kapa nag hihintay dito feil? sorry nahirapan ako sa exam" ngumiti ito nang malawak, napakamot pa sa ulo nito
"Hindi naman masyado nandito naman si gail" tumingin saakin si gail at nilakihan ako ng mata kaya tumango ako... crush nya ba to? ampogi rin naman.. "musta exam nyo lei?"
tumayo na ako at aalis na sana nang tawagin ako ni feil, nakakahiya baka nakakaabala pa ako sa bebetime nila.
"payag na ako, gf mo na ako ngayon" humarap ako sakanya at tinaasan sya ng kilay. "ikaw pala gf pala kita, gf mo rin ako ha" tumango ako at umalis na, pagpasok ko sa cr ay kumakabog ang puso ko.
may bf na ako.. so may isang libo na ako no?