[Yami's pov] Nasa likod ako ni master at ng babaeng nakalingkis sa kanya. Naiinis ako sa nakikita ko pero naiitindihan ko naman ang sitwasyon namin ngayon. Kailangan ko lamang ay mag-intay. "Miss Pres" bati sa akin ng mga estudyanteng nakakasalubong ko Ngiti lamang ang iginaganti ko. (Miss Mayami Guna please proceed to USC office) Paging sa buong campus. *sigh* Alam ko na mangyayari ito. Kailangan ko ng ihanda ang aking tenga sa magiging sermon sa akin. Nakatingin sa akin si master at tila nag-aalala sa akin. Ngumiti na lamang ako para sabihing okay lang. "alis na ko" sabi ko "shoo! Nakakaistorbo ka sa amin" taboy ni Megan sa akin Napairap ako ng palihim kay Megan. Pagbukas ko ng USC office ay tumahimik ang loob. "Miss Pres..." panimula ni Ma'am Mae "please take your seat" Ko

