[Vince's pov] "Bakit ka pumunta ng mansyon?" tanong ko kay Maya Yumuko siya at nanatiling tahimik. "Maya, paano kung maghinala sila? Masisira ang plano ko!" "wala naman nakakilala sa akin" sagot niya "si Freya..." seryosong sabi ko "namukhaan ka niya" Kita ko ang pagmutla ng mukha niya. "geez! Maswerte tayo at hindi niya naisip kung sino ka talaga" Bumukas ang pinto at pumasok ang isa pang babae. "what's with the commotion?" kunot noong sabi niya "nag-aaway ba kayo?" Tinignan ko siya ng masama. May lahi talaga ng kabute ang babaeng ito. Bigla bigla na lang sumusulpot. "sinasabi ko sa inyo...sumunod kayo sa ating kasunduan" sabi ko at tinignan sila ng masama "geez! Ikaw kaya muna ang sumunod sa kasunduan" sabi ng babae at tumabi kay Maya saka humalikipkip sa akin "ayoko naman ha

