Chapter 24 | Chances Are

2283 Words
Chapter 24 | Chances Are Hiro's POV My heart aches upon seeing the two of them that close. 'Yong pakiramdam na sana ay sa 'kin siya nakangiti, ako 'yong kinakausap, sinasamahan at hinahawakan niya sa braso. Naikuyom ko na lang ang kamao. Pero bago pa man ako makagawa ng isang bagay na alam kong pagsisisihan ko sa huli ay napagdesisyunan ko na lang din na umalis. Ni hindi ko na masyadong inintindi pa si Nicole no'ng punahin niya ko. She looked so frustrated. But I don't have time to explain right now. All I want is to be alone and away from all of them. Dali-dali akong tumakbo paalis. Walang ideya sa kung saan ba ko dapat na pumunta. Takbo rito, takbo roon. Lakad rito, lakad roon ang ginawa ko. May mga nakakabangga ko pero sila pa ang humihingi ng paumanhin sa 'kin, kahit na ako naman ang may kasalanan. Ang iba naman ay todo yuko pa habang nahingi ng dispensa. "Hi, Prince Hiro! Want some fun?" Napahinto lang ako sa paglalakad nang may bigla na lang sumulpot na matangkad na babae sa tabi ko. I gave her a bored look. Hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ang kabuuan niya. Pero maganda sana siya kung hindi lang niya ginawang coloring book ang mukha niya. Ngunit kahit gano'n, kung sa ibang pagkakataon lang sana niya ko tinanong ay baka nasagot ko na siya ng diretsahang oo. Ang malas lang niya dahil wala ko sa mood makipaglandian ngayon. "I'm sorry. But I still have some things to do." I didn't bother to wait for her response and started to walk away again. I thought I have already accepted it. I thought I can already overcome my emotions. Because I'm Hiro Collins. The guy who always gets what he wants and can have any girl in just a snap of a finger. But now the reality was finally slapping me really hard. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung paano humantong sa ganito ang lahat. Kung paanong ang isang katulad ko na hindi marunong magseryoso ay nakakaramdam ng ganito. Kung paanong nagkakaganito ako ng dahil lang sa isang babae. Muli akong napatigil sa paglalakad nang may bigla na lang humawak sa braso ko. I was about to attack who it might be, when I suddenly got stunned the moment I saw Reiri. "What are you doing here?" walang gana kong tanong sa kanya. Agad ko namang binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Ni hindi ko man lang namalayan na nandito na pala ko sa isang bahgi ng kagubatan. She shook her head. "Sa tingin mo ba ay habang-buhay mong matatakbuhan ang reyalidad?" seryosong sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Napakunot noo na lang ako nang dahil sa tanong niya. Wala kong ideya sa kung ano ba ang sinasabi niya. "What do you mean?" Imposible naman kasing tungkol kina Mikan at Kira ang tinutukoy niya. Because I'm confident that no one knows about my feelings for her. She looked at me in disbelief, as if I was some kind of an innocent man that asked a stupid question. "Oh please, Hiro. We both know what I mean. You know what, I am still wondering how a playboy like you, fell for a girl. A human girl to be exact. I never thought that you're capable to feel such thing. Pareho kayo ni Kuya." napatawa siya ng malakas pero halata namang pilit lang yun. Baliw talaga kahit kelan. Gulat na napamaang ako sa kanya. "How..." napalunok ako. "How did you..." hindi ko na nagawa pang tapusin ang sasabihin ko nang bigla na naman siyang magsalita. "How did I know about it?" she shrugged. "Sa totoo lang ay hinala ko palang naman 'yon. Pero ngayon ay napatotohanan ko na base na rin sa reaksyon mo." Nakangiti siya sa 'kin pero iba ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Sadness and pain. Parang ibang Reiri ang kaharap ko ngayon. I lean my back on one of the trees here and buried my hands in my pocket. Naguguluhan akong nakatingin sa kanya kung paanong nagkaroon siya ng ideya tungkol sa bagay na 'yon. "Paano ka naman nagkaroon ng hinala? Hindi naman pwedeng bigla na lang sumagi sa isipan mo ang gano'n kung wala ka namang pinagbasehan, 'di ba?" I asked suspiciously. Napakurap siya. Tila hindi niya inaasahan ang naging tanong ko sa kanya. "Well?" Mariin ko siyang tinitigan. Ilang segundong katahimikan pa ang dumaan, bago siya tumikhim at nagsimulang magsalita. "It's actually based on my observations," halos pabulong niyang sabi pero rinig ko naman. Napatango na lang ako. "I didn't know that you're that observant. Sa 'tin kasing anim ay tanging si Vincent lang ang mahilig mag-obserba sa paligid-ligid at kilos ng bawat isa. Kaya hindi na ko magtataka kung siya man ang makapansin sa 'kin. But it never occurs to me that it will be definitely you." Tiningnan ko siya nang may pagdududa. "Hindi ko alam na napapansin mo rin pala ang bawat kilos ko. Pero bakit naman kaya? Hindi kaya may lihim kang pagtingin sa 'kin?" pagbibiro ko para mabawasan naman ang tensyon sa paligid. Hindi kasi ako sanay ng nag-uusap kami ng ganito. Dahil kung hindi nag-aasaran ay nagsisigawan naman kaming dalawa. Napangisi na lang ako nang bigla siyang matigilan. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Well, it looks like I'm going to win our argument this time. "Wag ka ngang assuming diyan! Hindi ko pinapansin ang bawat kilos mo! Nagkakataon lang na ako ang nakakakita sa tuwing nakatingin ka sa kanya kaya ko naisip ang bagay na 'yon. Mas lalo namang wala kong pagtingin sa 'yo dahil kinaiinisan ko ang mga playboy na katulad mo!" Nagulat na lang ako nang bigla siyang sumigaw. "Talaga? Eh, bakit parang defensive ka ata?" Sinamaan niya ko ng tingin at mas lalo lang akong napangisi. Pero nagulat na lang ako nang unti-unting sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. "Hindi ka ba titigil o sasabihin ko sa kanila ang lihim mong pagtingin kay Mikan? Knowing Kuya, you'll be dead." That made my mouth shut. Biglang dumoble ang kabang nararamdaman ko. "No way." Sunod-sunod akong napailing sa kanya. She stuck her tongue out. "Yes way! I gotta go. Paniguradong magugulat silang lahat sa sasabihin ko." She's about to turn her back, but I immediately stop her. "Rei, please don't." I pleaded. Hindi na nila kailangan pang malaman ang tungkol do'n. It will just make the situation worst. Inilagay niya ang hintuturo sa ilalim ng baba niya at tumingin sa itaas na para bang nag-iisip. Damn this annoying spoiled brat girl! Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng pwedeng makaalam ng sikreto ko ay siya pa! "Okay," she said afterwards. "Talaga?" paniniguro ko pa sa kanya. Tumango naman siya. "Thanks Rei!" "Yeah. But in one condition." She crossed her arms. Lihim akong napamura. Of course it's with a condition. Bakit ba hindi ko man lang naisip agad 'yon? "What condition?" Sinisiguro kong ngayon ko lang palalampasin ang babaeng 'to. She smiled so sweetly and a glint of excitement flashed in her eyes. Hindi maganda ang pakiramdam ko dahil do'n. Mukhang hindi ko magugustuhan ang maririnig ko. "Be my slave for one month." My jaw dropped. ----- Reiri's POV "Damn it! Damn it! f**k!" Napangisi na lang ako habang pinagmamasdan si Hiro na kasalukuyang naglilinis sa labas ng mansyon. "'Yong kitchen naman ang isunod mo pagkatapos mo riyan, hah." I giggled. Sinamaan niya ko ng tingin, habang mahigpit na nakahawak sa walis. Sa totoo lang ay hindi na ko magtataka kung masira niya ulit 'yan. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilan na ba 'yan sa mga nagamit niya, eh. "May araw ka rin sa 'kin, Rei! Makakaganti rin ako sa 'yo!" nanggigigil niyang sigaw. I just rolled my eyes at his rants. Kailan ba naman siya nakaganti sa 'kin? Simula ng mahulog ang loob mo sa kanya ng wala man lang siyang ginagawa. Bulong ng isang bahagi ng isip ko. Napailing na lang ako. "Whatever. Bilisan mo na nga lang diyan at marami ka pang gagawin." Kinuha ko 'yong libro sa tabi ko at nagsimula ng magbasa. My heart is beating so fast right now and I need to calm it down. Kung bakit naman kasi palagi 'tong nagwawala sa tuwing malapit lang si Hiro? This is really bad. Kung tutuusin ay madali lang naman ang mga inuutos ko sa kanya. He doesn't have a super speed for nothing. Baka nga wala pang limang minuto ay linis na agad niya ang lahat. But of course, I don't allow him to use his ability. Para mahirapan naman siya kahit kaunti. Besides, I just really want to piss him off. Pinalinisan ko rin sa kanya ang lahat ng kwarto rito sa mansyon at ang sala kanina. Ngayon naman ay ang kabuuan ng labas at ang iba pang parte sa loob mamaya. Kung pwede nga lang sana na pati 'yong kwarto namin sa dormitory building ay ipalinis ko rin sa kanya ay ginawa ko na. Pero bihira naman kaming mamalagi ro'n kaya palalampasin ko na lang 'yon. "Damn! I can't believe that I'm actually doing this thing!" Panay lang ang salita niya magmula pa kanina. Bilib nga ko sa kanya at hindi pa siya napapagod sa kamumura at kadadakdak, eh. Lumipas pa ang ilang minuto at nananatili lang akong nakatitig sa librong hawak ko, pero wala naman akong maintindihan na kahit ano rito. Ni hindi man lang ako umusad sa pagbabasa. Napabuntong hininga na lang ako. Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko pa rin 'yong nangyari kanina. Kitang-kita ko kasi sa mga mata niya ang selos. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang mahigpit na pagkuyom niya ng kamao. Kilala ko si Hiro bilang kalmado at chill lang. 'Yong tipong walang problema sa buhay. Kaya nakakalungkot na nakakainis na nag-iiba siya pagdating kay Mikan. Sa totoo lang ay naiinis din ako sa sarili ko dahil nakakaramdam ako ng yamot kay Mikan. Wala naman talaga kong problema sa kanya. Isa pa ay kaibigan siya ni Ate Nicky. Kaya itinuring na rin namin siyang kaibigan. But I just can't really help it. Napaangat ako ng tingin. Sakto namang nakatalikod siya sa direksyon ko. Malaya ko tuloy napagmasdan ang likod niya. Sabagay, hanggang do'n lang naman ang kaya kong gawin. Ang pagmasdan siya kapag hindi siya nakatingin o ang titigan siya mula sa malayo. Tinitiis ang sakit sa tuwing may kasama siyang iba't ibang babae, lalo na sa tuwing nakatingin naman siya kay Mikan. How I wish that it was me he's looking at. "Nakakatulala talaga 'yong kagwapuhan at kakisigan ko, no? Are you enjoying the view?" Napakurap ako nang bigla siyang nagsalita. Nagulat pa ko nang makitang nakaharap na pala siya sa 'kin. He's wiggling his eyebrows at me! Gano'n ba kalalim ang iniisip ko at ni hindi ko man lang namalayan na nakaharap at nakatingin na pala siya sa 'kin? How stupid of me! "Wag ka ngang feeling! Paano naman ako mag-e-enjoy kung makita ko pa lang 'yong panget mong pagmumukha ay nasisira na ang araw ko? Diyan ka na nga! Dalian mo riyan at marami ka pang gagawin!" Padabog akong tumayo at dali-daling pumasok sa loob. Pagkapasok ay napapikit na lang ako at napasandal sa likod ng pinto. Pilit kong pinapakalma ang kanina ko pa nagwawala na puso. What the hell did that guy do to me? Bakit ba ko nagkakaganito? Nanatili pa ko sa gano'ng posisyon hanggang sa... "Are you okay?" "Ay, kabayo ka!" I almost jump in surprise when he suddenly appears beside me. "Bakit ba bigla-bigla ka na lang—" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang sa paglingon ko ay sobrang lapit na pala ng mukha niya sa 'kin! We stared at each other for I don't know how long. Basta ang alam ko lang ay hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko. One wrong move and I'm dead. I'm sure of that. Tila bigla namang tumigil ang oras nang unti-unti niyang ilapit ang mukha niya sa 'kin. Dinig na dinig ko na ang malakas na pagtibok ng puso ko at natatakot ako na baka marinig din niya 'yon. Is he going to... "Ouch! Why did you do that?" I glared at him. Agad rin akong napalayo sa kanya at hinaplos 'yong noo kong pinitik niya. Pitik lang 'yon pero pakiramdam ko ay nasuntok ako. "You know what, you're really acting weird this day and it creeps me out already," he said confused. "Anyway, I'm already done outside. I'll just go to the kitchen." Paalis na sana siya nang bigla siyang lumingon sa 'kin. "Siguraduhin mo lang na isang buwan lang ang lahat ng 'to. Dahil kung hindi." Umigting ang kanyang panga. "Oo na. May isang salita naman ako." I rolled my eyes. Nakakairita na. Ilang beses na kasi niyang siniguro sa 'kin ang tungkol do'n kanina. "Isang buwan lang. Isang buwan lang." I heard him chanting as he turned his back to me. Tahimik ko lang siyang tinanaw hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Kung pwede ko lang sana makita agad ang mangyayari sa 'min sa hinaharap. Sa kung ano ba ang kahahantungan namin. Kaya lang ay biglaan naman lagi ang mga visions ko. Isa pa, sa pagkakaalam ko ay tanging mga babala at pangitain lang naman ang makikita ko. I sighed. May sarili rin akong dahilan kung bakit ganito ang hiningi kong kondisyon sa kanya. One month. I only have one month to have the chance for him to notice me, to be with me and most of all... To love me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD