Chapter 15 | Vision

3200 Words
Chapter 15 | Vision Kira's POV ''Ano na kaya ang pinag-uusapan nila sa loob? Ang daya naman kasi ni Kuya, eh.'' Miley stomped her foot like a child. ''Relax. Just trust Kyle on this.'' I smiled, then patted her head like what I always do. Kumunot naman ang noo ko nang bigla siyang humakbang paatras at napaiwas ng tingin. ''Problem?'' ''Uhh... N-Nothing," alanganin niyang sagot. I was about to ask her again, but she immediately turned her back at me. Nagalit ba siya nang dahil sa ginawa ko? Eh, samantalang madalas ko namang gawin 'yon sa kanya. Nagkibit-balikat na lang ako bago napatingin sa pintong pinasukan ni Kyle kanina. Nandito na kami ngayon sa palasyo at naghihintay sa labas ng bulwagan. Gusto muna kasi ni Kyle na makausap ang mga magulang nila ng masinsinan kaya pinaghintay na lang muna niya kami rito. Napasandal na lang ako sa isa sa mga pillar dito at inabala ang sarili ko sa pag-iisip. Hindi ko kasi maiwasan ang makaramdam ng pag-aalala kay Kyle dahil tahimik at seryoso lang siya magmula no'ng nanggaling siya kay Nicole hanggang sa pagpunta namin dito. Hindi kaya nag-away silang dalawa ng magpaalam siya para pumunta rito? O baka naman pinagtalunan pa nila 'yong hindi pagsagot ni Kyle sa mga tawag at text niya? Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi naman gano'n kababaw na tao si Nicole. I'm sure that she understands. Pero ano na naman kaya ang problema ng bestfriend ko? Pareho lang silang magkapatid, eh. Bigla-bigla na lang nagagalit at naiinis sa hindi malamang kadahilanan. ''Rei! Anong nangyayari sa 'yo?'' Napaangat ako ng tingin nang bigla ko na lang silang narinig na nagsisigawan. Then there I saw Reiri sitting on the floor with her eyes closed. Agad namin siyang dinaluhan at inalalayan na makatayo. ''Rei! Tell me what's the matter?'' nag-aalalang tanong ni Vince. Madalas na wala siyang pakielam sa kung ano ang mga nangyayari sa paligid niya. Pero pagdating sa kapatid niya ay roon lumalabas ang emosyon niya. Hindi umimik si Rei habang nananatili lang siyang nakapikit at nakahawak ang kaliwa niyang kamay sa ulo niya. She looked like concentrating on something. ''I think it will be better if we keep quiet,'' suhestiyon ko sa kanila. Agad naman silang sumunod. Ewan ko ba. Pero iba kasi ang pakiramdam ko. Ilang minuto pa ang lumipas bago unti-unting dumilat ang kanyang mga mata. Her face looked so bothered and afraid. ''H-Hindi ko alam kung kailan. P-Pero mapapahamak siya. We need to protect her!'' she stuttered. Naguguluhan kaming napatitig sa kanya. ''Are you on drugs, Reiri? Kung anu-ano na naman kasing sinasabi mo riyan,'' Hiro teased her. Tiningnan naman siya ni Vince ng masama. Namumula na ang mga mata niya. I swear, it's a bad sign. Dahil sa isang iglap ay nakita na lang namin si Hiro na tumilapon sa pillar na sinasandalan ko kanina. ''Kung wala kang magandang sasabihin tungkol sa kapatid ko ay mas mabuting manahimik ka na lang.'' Reiri held his arm while I tapped his shoulder to calm him down. Nagkakaganyan lang naman siya sa tuwing nag-aalala siya sa kapatid niya. Pero hindi rin ito ang panahon para magkagulo kami. Hiro bowed his head. ''I'm sorry. I'm just trying to ease the tension. I didn't mean anything on that.'' Unti-unti namang bumalik sa rati ang kulay ng mga mata ni Vince. Napakamot ito sa batok at tumango. ''Sorry rin.'' Napangiti na lang ako. Ang isang magandang bagay na mayroon sa samahan namin ay 'yong marunong magpakumbaba ang bawat isa sa 'min. Muli naman niyang binalingan si Rei at hinawakan ang magkabila nitong balikat. ''What do you mean? Sino ang mapapahamak?'' His voice softened. Nanumbalik naman ang takot sa mga mata ni Reiri. ''Si Ate N-Nicole. Hindi ko alam kung bakit. Basta nakita ko na lang siyang tumatakbo palabas nitong palasyo habang umiiyak at nakuha siya ng mga kalaban." Isa-isa niya kaming tiningnan. "Ano kaya ang ibig sabihin no'n? Bakit ako biglang nakakita ng gano'n?'' Natahimik kaming lahat. Hindi namin pwedeng balewalain ang gano'ng klase ng pangitain. Kung hindi ako nagkakamali... ''It's a vision. To be able to see the future is your special ability, Rei.'' She gasped and her eyes widened. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. ''Totoo ba, Kuya Kira? Lumabas na rin 'yong special ability ko?'' hindi makapaniwala niyang tanong. Ang takot at nag-aalala niyang mukha kanina ay bigla na lang napalitan ng kasiyahan. Siya na lang kasi ang wala pang nailalabas at naipapakita na kakaibang kakayahan sa 'ming anim. ''Ang astig naman no'n, Rei! Makikita mo ang mga maaaring mangyari sa future.'' Miley beamed at her. Nag-apir pa silang dalawa. ''Kung vision nga talaga 'yon, sa tingin ko ay dapat na natin itong ipaalam agad kay Kyle. Dahil katulad na rin ng sinabi ni Reiri, hindi niya alam kung kailan 'to mismo mangyayari.'' Napatango kaming lahat sa sinabi ni Hiro na seryoso na rin ngayon. ''Let's go? Sa tingin ko ay kailangan din 'tong malaman nina Uncle Zach at Auntie Cass dahil mayroong parte ang mga kalaban natin sa maaaring maganap.'' Nauna ng maglakad si Vince at mabilis naman kaming sumunod sa kanya. Kampante pa niyang binuksan ang pinto ng bulwagan. Pero pagkapasok ay wala na kaming nadatnan na kahit na sino rito. ''Where did they go?'' takang tanong ko. ''Wait. I'll try to communicate with Kuya.'' Pumikit ng mariin si Miley. Nakatingin lang kaming lahat sa kanya habang naghihintay. Pero kumunot ang noo niya pagkadilat ng kanyang mga mata. ''He's not responding.'' Natigil kami sa pag-uusap at sabay-sabay na napalingon sa pintuan nang may maramdaman kaming mga pumasok dito. Ang mga guwardiya ng palasyo. Tumungo silang lahat sa 'min. ''Pinapasabi po ng mahal na hari at reyna na ihatid na namin kayo sa inyong kanya-kanyang silid. May mahalagang bagay pa raw po kasi silang gagawin kasama ang mahal na prinsipe.'' Nagkatinginan kaming lahat at alam ko na pare-pareho kami ng iniisip ngayon. Mayroong mali sa mga nangyayari at 'yon ang kailangan naming alamin. ''Okay. But the question is if we will come with you.'' I smirked and nod to the others. ----- Kyle Ethan's POV ''Where's the book?'' diretso kong tanong sa mga magulang ko ng kami na lang ang naiwan dito. I am really desperate right now. Kanina ng biglang sumakit ang ulo ni Nicole at bigyan niya ko ng kakaibang tingin, may palagay na ko na pareho lang kami ng nararanasan kaya mas lalo akong kinabahan at naguluhan. Nang mawalan siya ng malay ay agad ko siyang inihiga sa kama niya. Kahit na nakapikit ay bakas pa rin sa mukha niya ang gulat at pagkalito. Hindi ko sana siya gustong iwan sa ganoong klase ng sitwasyon. Pero kailangan ko rin 'tong gawin para mabigyan na ng linaw ang lahat. ''What book?'' my dad asked innocently. ''The book where the prophecy was written,'' kalmado kong sabi kahit na ang totoo ay gustong-gusto ko ng makuha 'yon. ''Oh. Why are you looking for that book? Sa pagkakaalala ko ay wala ka namang interes do'n,'' mom asked confused. I smirked. ''Wag n'yo na pong itanong kung bakit. Dahil kahit naman po hindi ko sabihin sa inyo ay may alam na kayo sa mga nangyayari,'' I said sarcastically. Dad glared at me. ''Don't you dare talk to us like that, Kyle. We're still your parents so you should respect us.'' Napatungo naman ako ng bahagyang tumaas ang boses ni Dad. Hindi ko naman gusto na mapagsalitaan sila ng gano'n pero naiinis na talaga ko. ''I'm sorry. But can you just give me the book? I just need to know and confirm something,'' I pleaded. Kung kinakailangan kong lumuhod sa harap nila para lang pagbigyan nila ko sa hinihiling ko ay gagawin ko. ''No you can't have it, for now. But don't worry, son. Ilang oras na lang naman ang kailangan mong hintayin at kami na mismo ang magsasabi sa 'yo ng mga dapat mong malaman.'' Napailing ako. Sinasabi ko na nga ba at may alam sila. ''Pero bakit kailangan ko pang maghintay ng ilang oras kung pwede n'yo namang sabihin ngayon? Kasi gulong-gulo na po talaga ko!'' hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapasigaw. Nilapitan ako ni Mom at mahigpit na hinawakan ang dalawa kong kamay. ''Ang lahat ng bagay na nangyayari ngayon ay may rason. All you need to do is to wait to know those reasons. Mahirap bang gawin 'yon, anak? Don't you trust us?'' Guilt hit me hard when my Mom's face saddened. Sasagot pa sana ko ng bigla na lang akong nakaramdam ng antok. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong ginamitan ako ng kapangyarihan ni Mommy. Bakit ko nga ba nakalimutan? I shouldn't let her touch me! ''B-Bakit...'' napalingon ako kay Dad na papalapit na rin sa 'min ngayon. ''Sorry, anak. Pero ngayon na ang tamang oras para makapagpahinga ka muna at maihanda sa pagbabalik ng malakas mong kapangyarihan mamaya. We're only doing this for you son. Malapit ng bumalik ang totoong ikaw.'' Naguguluhan akong pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. ''Anong—'' Tuluyan ng nagdilim ang paligid ko. ----- Nicole Jane's POV Nagising ako sa liwanag na tumatama sa 'king mukha. Hindi ko pala naibaba 'yong kurtina kagabi. Speaking of last night, agad akong napabangon nang maalala ko ang mga nangyari kagabi. I roamed my eyes all over the room, hoping that he's still here. But he's nowhere in sight. Until my eyes landed on the folded paper that was on my side table. Nanginginig ang mga kamay ko na inabot ko 'yon. Nagdadalawang-isip pa ko kung babasahin ko ba 'to o hindi. Pero sa huli ay mas nanaig ang kagustuhan ko na malaman ang nilalaman nito. Napalunok pa ko bago ko ito tuluyang binuksan. Babe, Alam ko na sa oras na mabasa mo 'to ay nakaalis na ko. Ilang araw rin akong mawawala dahil kailangan kami sa palasyo. Kaya ako nagpaalam kagabi ay dahil sa aalis ako at hindi para makipaghiwalay sa 'yo, you silly girl! What makes you think that I'll let go of you? Dahil ako ni minsan ay hindi ko naisip na mawawala ka sa 'kin. I won't allow that to happen even if you're the one who plead! Napailing na lang ako. Hanggang sa sulat ba naman kailangan may lait at possessive pa rin talaga? Nagpatuloy ako sa pagbabasa. Please take care of yourself, always. Wala kaming lahat diyan para bantayan ka. Kaya utang na loob wag kang pasaway! I rolled my eyes. Hindi ko naman kasi kailangan ng bantay. Siya lang naman 'tong paranoid. Wag ka na ring mag-alala pa. Dahil sinisiguro ko sa 'yo na may mga sagot na kong dala sa mga tanong natin sa pagbalik ko. And always remember, I love you. -K.E.C. Pagkatapos kong magbasa ay napaangat ako ng tingin at nakita ko na lang ang repleksyon ko sa salamin na nakangiti. I can't believe that I was smiling right now because of that freaking prince of vampires that I used to hate. Natigilan naman ako nang may maalala. Muli kong binasa 'yong pinakasimula at katapusan ng sulat. Babe. I love you. Damn. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Tila anumang oras ay bigla na lamang itong kakawala. Paano na lang kapag narinig ko pang lumabas ang mga salita na 'yon sa mismong bibig niya? Pero natigilan at natahimik ako nang bigla kong maalala 'yong tungkol sa mga eksenang nakita ko kagabi. Hindi kaya binabangungot lang ako ng gising? Pero bakit parang totoo 'yon at talagang nangyari? I shook my head. Dala marahil ng sobrang pagod at stress kaya biglang sumakit ang ulo ko at kung anu-ano na lang ang pumasok sa isip ko no'ng mga panahon na 'yon. Kung hindi siguro nangyari 'yon, malamang ay mas tumagal pa ang paghahalikan namin ni Kyle— Natigilan ako at wala sa sariling napahawak sa labi ko. He kissed me. He kissed me! My first kiss was already taken away from me! Nakangiting niyakap ko ang unan ko nang mapaangat ako ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung anong oras na. Muntikan ko ng makalimutan na may pasok nga pala ngayon dahil masyado ng natabunan ni Kyle ang pag-iisip ko. Halos tumalon ako pababa ng kama at dali-daling nag-asikaso. Tapos na kong mag-ayos ng may bigla na lang kumatok sa pinto ko. But because the royalties were not here, I knew it's Mikan. Muli kong pinasadahan ang sarili sa huling pagkakataon bago kinuha ang bag ko sa ibabaw ng kama. Nagmamadaling tinungo ko ang pinto at binuksan ito. ''Good mor— Mom? Dad?'' I gasped the moment I saw them. They both smiled at me. Pero para silang maiiyak na hindi ko maintindihan. ''Oh, honey! We missed you!'' Sabay nila kong niyakap na talaga namang ikinagulat ko. Ngayon ko lang na-realize na sobrang miss ko na rin sila. Hindi naman sila ganito sa 'kin dati kaya parang gusto kong maiyak ng dahil sa sobrang saya naman. Matagal ko ring ipinagdasal na sana ay mayakap nila ko ng ganito. Na dininig naman sa unang pagkakataon noong hinatid nila ko rito. ''Ano pong ginagawa n'yo rito? Bakit hindi man lang po kayo nagsabi na pupunta pala kayo?'' I asked them the moment we pulled away from the hug. Ang alam ko kasi ay nasa ibang bansa pa sila. ''Mahabang kuwento, anak. Sa ngayon ay kailangan mo munang sumama sa 'min.'' Hindi pa man ako nakakapagsalita ay bigla na lang akong hinila ni Mommy. ''Wait! Where are we going? I still have a class!'' Nakangiting nilingon ako ni Dad. ''Wala ka ng dapat pa na alalahanin, anak. Dahil naipagpaalam ka na namin sa administrasyon ng academy, maging sa mga guro mo na ilang araw kang mawawala.'' Napaawang ang bibig ko nang dahil sa sinabi ni Dad. ''What? Ilang araw? Saan po ba tayo pupunta at ano bang nangyayari?'' sunod-sunod kong tanong pero hindi na sila nagsalita pa. They're both acting strange and I'm starting to feel nervous. Pagkalabas namin ng dorm building ay nakita ko si Mikan na tila may hinihintay. Napatingin siya sa direksyon namin at nakangiting sinalubong ako. ''Nandiyan ka na pala. Kanina pa kita—" natigilan siya nang mapabaling kina Mom at Dad. "Ay, hello po! Kayo po ba ang mga magulang ni Nicole?'' Napatitig lang sina Mom kay Mikan. Hindi ko alam kung sadyang paranoid lang ako o talagang may nararamdaman akong tensyon sa kanilang tatlo. Mom smiled. Pero parang may kakaiba sa ngiti niya. ''Yes we are. Kung hindi ako nagkakamali ay ikaw si Mikan? Nabanggit ka na kasi sa 'min ni Nicole ng minsang tumawag kami sa kanya.'' ''Opo ako po 'yon. Nice to meet you po.'' Napasulyap siya sa 'kin at tila humihingi ng tulong ang mga tingin niya dahil nakatitig pa rin sa kanya ang mga magulang ko. ''Mom! Dad! Stop staring at her. You're creeping her out!'' Napatingin naman sila sa 'kin. ''Oh. Sorry about that. May kamukha kasi siya na kakilala namin,'' Dad chuckled. ''Nice meeting you too, hija. Pero mauna na kami dahil may kailangan pa kaming puntahan. Naipagpaalam na rin naman namin si Nicole at ikaw na sana ang bahalang tumulong sa kanya sa mga aralin na hindi niya maaabutan.'' Mom gave her a hopeful look. Napatango naman si Mikan. ''Wala pong problema. Ako na pong bahala sa kanya sa pagbabalik niya.'' Biglang umalingawngaw sa paligid ang tunog ng bell. ''Maiwan ko na po kayo. Magsisimula na po ang klase namin. Ingat po!'' Tinanguan lang namin siya at pinanood na tumakbo paalis. ''Saan po ba 'yong kailangan nating puntahan? Gano'n po ba kaimportante 'yon na dapat ay kasama pa talaga ko?'' pangungulit ko pa sa kanila ng magpatuloy na kami sa paglalakad. ''Unfortunately, yes,'' they both answered. Hindi na lang ako umimik. Nang marating na namin ang kotse nila ay agad nila kong pinasakay. "Saan—'' hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil bigla na lang nilang tinakpan ng panyo ang bibig ko. ''B-Bakit...'' unti-unti akong nakaramdam ng antok. Hindi ako makapaniwalang magagawa nila sa 'kin 'to. ''Just trust us, honey. Magiging okay rin ang lahat. Saka kahit na ano pa ang malaman at maalala mo, always remember that we love you and we're still your parents," Mom said in a gentle voice. ''Today is also the right time for you to finally meet your fiance.'' Ang mga salitang 'yon ang huli kong narinig bago ako tuluyang hilahin ng antok. ----- Miley's POV ''Mga weak!'' tatawa-tawa kong sabi ng matakasan na naman namin ang mga kawal na naghahanap sa 'min. ''Ikaw talaga. Tara na nga.'' Nagulat pa ko nang bigla na lang hinawakan ni Kira ang kamay ko. Siya kasi ang kasama ko ngayon sa paghahanap kay Kuya. Nag-aalala na talaga ko dahil sumikat na lang ang araw ay hindi pa rin namin siya nakikita. Agad ko 'yong tinabig. Napataas naman siya ng kilay ng dahil sa ginawa ko. ''May problema ba tayo? Galit ka ba sa 'kin? Kasi magmula ng pumunta tayo rito ay parang iniiwasan mo na ko.'' Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko ng lumungkot 'yong boses niya. Hindi ako nakaimik. Dahil kahit ako ay hindi ko alam ang sagot. Basta nitong mga nakaraang araw ay bigla na lang akong nakaramdam ng ilang sa tuwing nilalapitan o hinahawakan niya ko at inis naman sa tuwing itinuturing niya pa rin ako na parang bata. Because I want him to see me as a grown-up lady and not a kid that he used to pat the head anymore! Nakatingin lang siya sa 'kin habang naghihintay ng sagot ko. Hanggang sa sabay kaming napalingon sa portal, dahil nagtatago kami malapit lang doon nang maramdaman naming may papasok dito. Napakunot noo ako nang makita ang isang hindi pamilyar na kotse na mayroong sakay na isang lalaki at babae na pawang mga tao. ''Sino sila? Are they one of the protectors?'' ''No. Kilala ko ang halos lahat ng protectors ng pamilya n'yo at namin. Ngayon ko lang sila nakita rito,'' seryosong sabi ni Kira. ''Talaga? Pero nagawa kasi nilang makapasok ng portal.'' Wala naman kasing tao na nakakapasok dito sa kaharian. Puwera na lang kung isa silang protectors naming royal family o personal na naimbitahan namin dito at may basbas mula sa 'min. ''Yeah. Kaya kailangan nating siguraduhin na hindi sila kalaban.'' Palihim naming sinundan ang kotse hanggang sa huminto ito sa mismong harap ng palasyo. Sabay na bumaba ang mga sakay nito. Binuksan no'ng lalaki 'yong back seat at napasinghap na lang ako ng may buhatin siya mula rito na walang malay na babae. Hanggang sa mapaharap sa kinapupuwestuhan namin ang mukha nito. We were so shocked to saw who she was. ''Ate!" "Nicole!'' Sabay at pabulong naming sigaw ni Kira. What the hell? Ramdam ko ang pamumula ng mga mata ko at paglabas ng pangil ko. Handa na sana kong sugurin ang mga taong kumuha kay Ate Nicole ng bigla akong pigilan ni Kira. ''What?'' I glared at him. Imbis na sumagot ay tumingin lang ulit siya sa direksyon ng mga ito. Galit akong napalingon ulit sa mga ito at do'n ko lang napansin sina Mom at Dad na nakangiting sumalubong sa kanila. Don't get me wrong. I trust my parents so much. Alam ko na wala naman silang gagawin na masama kay Ate at kahit kay Kuya. Pero ng dahil sa mga nangyayari ay parang gusto ko na ring maniwala sa sinabi ni Kuya na mayroon talaga silang tinatago sa 'min. What's really up with them? Ano ba talaga ang nangyayari? At ano ang kaugnayan nila sa mga taong 'yan? Anong kailangan nila kay Ate at nasaan na ba talaga si Kuya? Pinakalma ko muna ang sarili bago unti-unting bumalik sa dati. Hindi namin marinig ang kung anumang pinag-uusapan nila dahil tila may humahadlang dito. Nakamasid lang kami sa kanila hanggang sa makapasok na sila sa loob. Nang tuluyan na silang nawala sa paningin namin ay nanlalaki ang mga matang napabaling ako kay Kira ng may bigla akong maalala. ''Kira... Sa tingin mo ba...'' He balled his fist, then stood up. His face was void of any emotion, but I know that he's worried and confused too. ''Yes. Mukhang malapit ng maganap ang mga nakita ni Reiri. Kaya kailangan nating gawin ang lahat para mapigilan 'yon.''
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD