Chapter 22 | His Reason

1548 Words
Chapter 22 | His Reason Vincent's POV I didn't mean to act that way, but I just can't help myself from doing so. I know it's too risky, but I also know that Kyle can handle what happened there. Ang buong akala ko ay magiging isang normal na araw lang 'to para sa 'kin. But the moment I saw her face again, I know too well that starting this day, everything will change and I wouldn't be able to have that normal day again. Ni hindi man lang sinabi sa 'kin ni Kira na siya pala 'yong bagong estudyante. "Vincent." Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar niyang boses. Sa sobrang bilis ko maglakad ay hindi ko namalayan na nandito na pala ko banda sa kagubatan. I closed my eyes, trying to calm my nerves. Dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang maaari kong magawa sa oras na humarap ako sa kanya ngayon. "What are you doing here?" 'Yan ang tanong na kanina ko pa gustong-gusto na ibato sa kanya. Alam ko naman na posibleng magkita pa kami ulit. But not now because I'm not yet ready. Ilang taon na rin ang lumipas magmula ng huli kaming magkita. Matagal na panahon na rin kasi siyang nakapirmi sa ibang bansa, habang naiwan naman dito ang kanyang ama. I thought I had already moved on. I thought I have already forgotten what happened. I thought I was already okay. But I'm wrong. Because the pain that she caused me suddenly came back as if it all just happened yesterday. Unti-unti na namang namumuo ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Nang dahil sa isang masakit na pangyayari na ginawa niya sa nakaraan. "The King appointed me to become Nicole's protector. And no matter how much I want to decline it, we both know that I couldn't say no to an order. Kaya biglaan ang naging pagbalik ko," pormal niyang sabi. Nakuyom ko ang kamao. Ang dami namang iba na pwedeng ipadala. Pero bakit naman siya pa? Malalim akong napabuntong hininga. "I know. So, you're actually here for Nicole." Kahit pa na ang tungkol sa bagay na 'yon ang rason kung bakit nandito siya ngayon ay hindi ko pa rin ito magawang tanggapin. "Yes. And—" "If that's the case, then just do your job properly. Don't you dare come near or talk to me again. Pretend like you didn't know me at all. Most especially, I don't want to talk to a human like you," I cut her off. I have enough of her reasons as well. Besides, she deserves this cold treatment that I'm giving to her. I was about to walk again when I suddenly felt her hug me from behind. I froze on my spot. Dati ay natutuwa pa ko sa tuwing niyayakap niya ko ng ganito. Sobrang nakakagaan lang sa pakiramdam. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. "Vince naman. Please don't be like this! Ang tagal kong hinintay na dumating ang pagkakataon na 'to. I'm sorry. I really do! Hinding-hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa 'yo hanggang sa mapatawad mo ako. You know that I only did that for your own good. Ikaw lang din naman ang iniisip ko dahil—" Lalo akong nakaramdam ng galit nang dahil sa sinabi niya. Marahas kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa 'kin at nanlilisik ang aking mga mata ng humarap ako sa kanya. "For my own good? Bakit? Sino ka ba para sabihin kung ano ang makakabuti sa 'kin? Hindi mo ba alam na ng dahil sa ginawa mo ay para mo na rin akong pinatay? You took away my happiness and my life with me! The main reason why I became like this!" Hindi ko napigilan ang mapasigaw nang malakas. I saw pain crossed her eyes, but I didn't care anymore. Dahil walang-wala pa 'yon kumpara sa sakit na ipinaranas niya sa 'kin. Pero natigilan ako nang makita ang sunod-sunod na paglandas ng luha mula sa kanyang mga mata. Agad naman akong nakabawi dahil ayoko ng magpaapekto pa sa kanya. Dahil matagal ko ng kinalimutan na may isang Stephanie na naging bahagi ng buhay ko. She was looking at me in disbelief. It was as if she heard something stupid. But still, the determination was still there. Pero mas determinado akong balewalain lang siya. "Your happiness and your life? Vince, bata pa tayo no'n! Pero masyado mo ng sineryoso ang lahat. Maybe you're just too confused about your feelings back then!" Hindi ko inaasahan ang biglaang pagtaas ng boses niya sa 'kin. Ang malungkot niyang mukha ay napalitan na rin ng galit sa hindi ko malamang dahilan. I let out a sarcastic laugh, then glared at her. "Confused? Well, I'm sorry to say this but I'm not. Dahil sigurado ako sa kung ano ang nararamdaman ko no'n. Saka pwede ba na wag kang magsalita na akala mo ay may alam ka na pagdating sa gano'ng klase ng bagay. Dahil kahit kailan naman ay hindi mo pa naranasan ang magmahal! Ni hindi ka nga ata marunong no'n dahil wala ka ng ibang inisip kung hindi ang sarili mo lang. You're selfish!" Halata sa mukha niya ang gulat at sakit nang dahil sa mga salitang binitiwan ko. Gustuhin ko mang bawiin ang mga salitang 'yon ay hindi na rin naman maaari. Isa pa ay mas nangingibabaw ang galit at sakit na nararamdaman ko ngayon. She was about to reach for my hand, but I take a step back. Ramdam ko na ang panginginig ng mga kamay ko. Kanina ko pa siya gustong saktan pero hangga't maaari ay pinipigilan ko ang sarili ko. Namumula at namamaga na rin ang kanyang mga mata nang dahil sa walang tigil na pag-iyak. Pero namanhid na ata ko at wala man lang akong maramdaman na kahit katiting na awa sa kanya. "You know what? I regret that day when I became friends with you. Sana pala ay hindi na lang kita nilapitan at kinaibigan ng araw na 'yon kung alam ko lang na ikaw rin pala ang magtatraydor at mananakit sa 'kin balang araw. So you better stay away with me now because I don't need someone like you in my life," may diin kong sabi habang diretso na nakatingin sa kanyang mga mata. Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa at tuluyan ko na siyang tinalikuran at lumakad paalis. Galit ako. Galit pa rin ako. Siya ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. Siya ang dahilan sa kung ano ako ngayon. Siya ang may kagagawan kung bakit ako nawalan ng minamahal at nasaktan. At hindi ko alam kung magagawa ko pa nga ba siyang patawarin. Stephanie's POV Ilang minuto na rin ang lumipas magmula ng umalis si Vince, pero nananatili pa rin akong tulala. Tila sirang plaka na paulit-ulit ko kasing naririnig ang mga salitang binitiwan niya sa 'kin. Inaasahan ko ng mangyayari ang komprontasyon na 'to. Matagal ko ng hinanda ang sarili ko sa mga pwede niyang gawin at sa mga masasakit na salita na maaari niyang sabihin sa 'kin sa oras na magkita kami. Pero ang sakit pa rin. Ang sakit-sakit lang marinig at makita mula sa kanya kung gaano siya nagsisisi na naging magkaibigan kami. Galit talaga siya sa 'kin. Pero alam kong galit din siya sa sarili niya. Hindi nga lang niya magawang tanggapin at aminin hanggang ngayon na may pagkakamali rin siya. Dahil nagmahal siya ng isang tao. Maling tao. I wiped away my tears, then took a deep breath. Hindi ako pwedeng magpadala sa emosyon at nararamdaman ko ngayon. Dahil bukod sa galit siya sa 'kin ay isa lang naman akong protector ng angkan nila, kung saan ay isa siya sa itinuturing na prinsipe. Alam ko ring labag sa batas nila ang pagkakaroon ng relasyon sa isang hunter o di kaya ay protector. Nandito naman talaga ko para kay Princess Nicole. Pero isa rin siya sa mga rason kung bakit ako bumalik. Dahil gusto ko na siyang makita at makasama ulit. Inayos ko muna ang sarili bago ako nagpasyang bumalik. Susundin ko muna ang gusto niyang mangyari sa ngayon. Pero hindi ibig sabihin no'n ay sumusuko na ko sa pag-asang babalik din kami sa dati. Kahit 'yon na lang sana ang mangyari. Mabagal akong naglalakad nang bigla kong may narinig na tila nagtatalo. Sa di-kalayuan ay natanaw ko sina Reiri at Hiro. Lumihis na lang ako ng daan para hindi na ko makaistorbo pa sa kanila. Mukhang importante kasi ang pinag-uusapan nila at wala ko sa lugar para mangielam. "Ate Steph! Nandiyan ka lang pala. Hinahanap ka kasi ni Ate Nicky." Nagulat pa ko nang sa pagpihit ko ay nakita ko si Miley. Pilit naman akong ngumiti sa kanya. "Gano'n ba. Sige pupuntahan ko na siya." She smiled at me, then nod. Pero halata sa mga mata niya ang lungkot. Patalikod na sana siya pero mabilis ko siyang nahawakan sa braso. "May problema ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya. Hindi na rin naman sila iba sa 'kin dahil sabay kaming lumaki ng mga royalties at itinuring ko na rin silang mga kaibigan. Alam kong gano'n din naman ang turing nila sa 'kin. Napakurap siya bago nag-iwas ng tingin. "Wala. Alis na ko." Hindi na ko umimik pa at hinayaan ko na lang siya. Mukhang problemado rin ang mga royalties ngayon, ah. Sobra naman ata ang pag-welcome sa 'kin ng tadhana. Napailing na lang ako. Mahanap na nga lang muna si Nicole. Hindi ko dapat siya iniiwan. Kailangan kong siguruhin parati na walang mangyayaring hindi maganda sa kanya. Lalo na ngayon na kilala na siya ng mga kalaban. Saka sa tuwing kasama niya si Mikan ay hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko, pero... Wala kong tiwala sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD