CHAPTER 1

2159 Words
“BELLA, wake up!” sigaw ni Belinda sa ‘kin, habang hinahampas niya ako ng unan. ”Don’t disturb me, I’m sleepy.” Alas-sais na ako ng madaling araw natulog dahil sa gimik ng mga kaklase ko. Sumama kasi ako sa kanila sa birthday ng kapatid ng isa sa ‘min tropa kaya inumaga na ako ng uwi. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan at muling ipinikit ang mga mata. ”Gumising ka na pupunta tayo sa parlor para maghanda sa masquerade party.” Inis akong bumangon at humarap kay Belinda. “Kung gusto mong pumunta sa lintik na party na ‘yan ikaw na lang pumunta!” ”Sayang naman ang gown na binili sa’yo ni Mommy kung hindi mo susuotin.” ”The hell I care!” Muli akong humiga sa kama para matulog. Identical twin ko si Belinda. Sa unang tingin ay hindi mo mahahalata ang pagkakaiba naming dalawa dahil kahit ang boses namin ay pareho. Ang pagkakaiba lang namin ay ang height. Mas mataas ako ng three inches kay Belinda. Hindi rin kami parehong manamit dahil mahilig ako sa mga malalaking damit samantalang si Belinda ay mahilig sa mga sexy dress. Mahilig akong sumama sa mga tropa para uminom sa kung saan-saan bahay samantalang si Belinda ay hindi mahilig sumama sa party na hindi sosyal. May rose at na tattoo ako sa batok ko at samantalang si Belinda ay walang kahit anong tattoo sa katawan. ”Hindi ba required sa inyo ang sumama sa masquerade party?” tanong niya. Inis akong humarap sa kanya. “Required o hindi wala akong pakialam!” Nakasimangot na umalis si Belinda sa kwarto ko. “Fine!” Pailing-iling akong bumalik sa tulog. Kahit anong gawin niya hindi niya ako mapipilit na pumunta sa masquerade party. Alas-sais ng hapon nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Napilitan akong sagutin ang tawag ng hindi tiningnan kung sino ang tumawag sa ‘kin. ”Hello.” ”Bella, where are you?” ”Nandito sa bahay nakahiga sa kama. Why?” ”What? Bakit nakahiga ka pa rin? May masquerade party tayo ngayon!” sigaw ng kausap ko sa phone. Bahagya kong inangat ang cellphone at tiningnan ang tumatawag sa ‘kin. “Si Thesa.” ”Ang akala ko ba hindi tayo pupunta sa party na ‘yan?” Napag-usapan kasi namin barkada na hindi kami pupunta sa masquerade party sa halip ay gagawa kami ng sarili namin party. ”Change plan tayo, nabasa mo ba ang chat ni Mr. Rau, at Miss Mashiel, hindi sila magbibigay ng prelim exam sa mga a-attend ng masquerade party.” ”What! Totoo ba ‘yan?” ”Oo, uso magbasa ng chat,” sarkastiko niyang sagot. Tiningnan ko ang chat ng mga professor namin at nakita ko ang mga conversation nila sa group chat namin. ”s**t! Oo nga!” ”Gaga! Bilisan mo na dahil baka hindi ka umabot sa attendance.” ”Ilista n’yo na lang ako darating naman ako.” ”Well, subukan namin basta pumunta ka!” ”Oo na!” Pinutol ko ang tawag at nagmadali akong tumakbo papunta sa banyo para maligo. Kalahating oras ang ginugol ko sa paliligo at nagbihis na ako ng gown na binili sa ‘kin ni Mommy. Hindi ko akalain na isusuot ko ang gown na binigay niya sa’kin. Naglagay lang ako ng pulang lipstick at blush on sa mukha ko. Hindi naman ako makikilala ng mga tao sa party dahil may mask ako na ang disenyo ay ang mahabang kulay pula,blue at white na mga feather. Sinuot ko ang three inches na stilletos ko saka nagmamadaling lumabas ng kuwarto. ”Baka madapa ka,” sabi ni Mommy. ”late na kasi ako nagising,” alibi ko. ”Mag-iingat ka.” Habol na sabi sa ‘kin ni Mommy. In-start ko ang engine ng kotse ko at pinaharurot ko ito papunta sa venue. Mabuti na lang at hindi ako inabutan ng traffic dahil kung hindi ay baka hindi na ako nakaabot. Ekasakto tinatawag ang pangalan ko ay dumating ako. ”Sabi ko sa ‘yo, Manong nandito ‘yan,” ani Thesa. Tinatawag kasi ng security guard ang pangalan na nilista ni Thesa. Hinawakan ni Thesa ang braso ko. “Pumunta tayo sa banyo.” Sabay hila niya sa ‘kin papuntang comfort room. ”Bakit mo ba ako dinala rito?” tanong ko. Hindi ako sinagot ni Thesa, sa halip ay kinuha niya ang maliit na makeup kit niya. “Kailangan mong maglagay ng makeup para ka ng baliw sa itsura mo.” Saka ko lang napansin ang kalat-kalat na lipstick sa labi ko. Hindi rin pantay ang blush on na nilagay ko kanina dahil sa pagmamadali. ”Aayusin lang natin ‘yan makeup mo at pagkatapos ay gora na tayo.” Hinayaan kong lagyan ako ng makeup ni Thesa pagkatapos ay hinanap namin ang mga kaibigan namin. Halos lahat ng makita ko ay nakasuot ng mask bird’s feather kaya kahit isa sa kanila ay wala akong makilala. Naging malikot ang paningin ko sa paligid upang hanapin ang kakambal kong si Belinda. Ngunit dahil sa dami ng mga tao ay hindi ko siya nakita kahit anino niya ”Bella, alam mo kanina ko pa napapansin ang lalaki na ‘yon.” Sabay turo niya sa lalaking nakasuot ng amerikana. May mask din itong kulay black na katulad kay Batman. Umiling ako at sinaid ko ang alak sa wine glass ko. “Paano mo naman nasabi na ako ang tinitingnan niya ang layo niya.” ”Ano ka ba? Simula pa nang dumating tayo rito ay nakita ko na siyang nakatingin sa ‘yo.” ”Bahala siyang manakit ang leeg sa katitingin sa ‘kin ang importante sa ‘kin ay hanapin ang mga professor natin para alam nilang um-attend ako ng party.” Hinawakan ko ang kamay ni Thesa. “Hanapin muna natin ang mga professor natin bago natin hanapin ang tropa. Nangangati na ako sa damit ko at gusto kong hubarin ‘to.” Hinanap namin ang mag professor namin na naghahanap ng attendance namin. Nang makita namin sila ay hinanap naman namin ang mga tropa namin. ”Nasa labas na sila at naghihintay,” sabi ni Thesa. Lumabas kami para puntahan ang mga kaibigan namin. Nakasakay na sila sa kanilang mga sasakyan. ”Kanina pa namin kayo hinihintay,” sabi ng isa kong kaibigan na si Andy. ”Nagpakita pa kami sa mga professor natin.” Sumakay ako sa kotse ko. Kumatok si Andy sa salamin ng kotse ko. “Bakit?” ”Isama mo nga itong pinsan ko diyan sa kotse mo, kasama ko ang ang girlfriend ko.” Sabay kindat niya sa ‘kin. Alam na alam ko na ang gustong ipahiwatig sa ‘kin ni Andy. Gusto niyang masolo ang girlfriend niya para magawa nila ang gusto nilang gawin sa loob ng kotse na walang istorbo. Nakilala ko agad ang pinsan ni Andy. Ito ang lalaking sinasabi ni Thesa na nakatingin sa ‘kin kanina. ”Bakit ako?” pagtanggi ko. ”Ikaw lang ang single dito gusto mo yatang istorbohin sila,” ani Andy. Umikot ang eyeballs ko sa inis. “Whatever!” Binuksan ko ang pinto ng kotse ko. “Get in.” ”Thank you, Bella,” ani Andy. Hinubad ko ang mask ko. “Mag-seatbelt ka.” In-start ko ang engine at mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko palayo. Nakipagkarera pa ako sa mga kaibigan ko habang papunta kami sa bahay ni Thesa. ”Hindi naman tayo nagmamadali,” sabi ng lalaki. Umarko ang kilay ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nito inaalis ang suot niyang mask. “Tanggalin mo na ang mask mo wala ka na sa party.” Tumango siya sa ‘kin at inalis niya ang mask niya. Nang tingnan ko siya ay bigla akong natigilan. ”Guwapo niya.” ”Miss, yung manibela baka mabangga tayo.” Saka lang ako bumalik sa realidad. Mabuti na lang at mabagal ang takbo ko nang tumingin ako sa kanya. Ngayon ko lang nalaman na may guwapo pa lang pinsan si Andy. Hindi kami nag-usap ng lalaki habang nasa biyahe. Tinuon ko ang tingin sa paligid at nakita ko siyang natutulog na. Bigla kong hininto ang kotse ko para bigla siyang magising. Hindi nga ako nagkamali dahil nagising siya sa lakas ng preno ko. Kung wala siyang suot na seatbelt ay baka lumusot na siya sa bintana ng kotse ko sa harapan. ”Careful,” anito. ”Sorry, may dumaan na maraming langgam baka mabangga ko,” biro ko. ”Ang bait mo naman,” panunuya niya. Pang-asar akong ngumiti. “Thank you.” Pangalawa kami sa unang nakarating sa bahay ni Thesa. Nasa Amerika ang magulang niya kaya ang walang sagabal sa kasiyahan namin ngayon. Ganito kaming magkakaibigan kung kaninong bahay ang free doon kami mag-iinuman. Bumaha ng maraming alak sa lamesa. May lechon at iba’t-ibang putahe ng pulutan. Pinaghandaan na ito ni Thesa mula nang malaman nila na kailangan kaming um-aatted ng party. ”Andy, ipakilala mo naman sa dalaga natin ang pinsan mo. Mukhang may chemistry sila,” biro ni Vanjoe. Matalim kong tinitigan si Vanjoe at nag-finger fuckin sign ako sa kanya. “Ul*l ka!” Tumawa lang sa ‘kin si Vanjoe kaya mas lalo akong nais sa kanya. May dare ako para kay Bella,” sabi ng isang kaibigan ko. Sumimangot ako. Nararamdaman ko kasi na may kalokohan silang gagawin. ”Hindi ako interesado,” pagtataray ko. ”Ten thousand pesos.” Nilapag ni Vanjoe ang cheke sa gitna ng lamesa. ”More!” sagot ko. ”Ten thousand din sa ‘kin laplapin mo lang ang pinsan ko,” ani Andy. Naghiyawaan ang mga kaibigan ko. ”Go, mo na!” sigaw nila. ”No way!” sagot ko. ”Kiss me, and ll give you one hundred thousand pesos,” sabat ng lalaki. Katahimik na ang namayani sa ‘min. ”Huwag mong gawin kung hindi mo kaya,” ani Thesa. In-straight kong ininom ang alak sa wine glass ko saka ako tumayo at lumapit sa pinsan ni Andy. Ngumiti ako. “Are you ready?” Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil siniil ko na siya ng halik Nagsimula namang magbilang ang mga kaibigan ko at tumagal kami ng isang minuto sa torrid kiss namin. Pulang-pula ang mukha ko pagkatapos nang ginawa ko. Hindi na ako tumingin sa pinsan ni Andy kahit sumakit pa ang leeg ko. Naging sunod-sunod tuloy ang tungga ko ng alak hanggang sa nararamdaman ko na lasing na ako. Kaming dalawa na lang ng lalaki ang hindi pa bumabagsak kaya wala ako choice kung hindi kausapin siya. ``Are you deaf? Why are you not talking?” ”Rafael Arkillar.” Tumawa ako nang malakas. “ Biruin mo, kanina pa tayo magkasama hindi pa natin kilala ang isa’t-isa.” ”You’re not interested in me, so you don’t mind.” Nagkibit-balikat ako. “Maybe, by the way, my name is Bella.” ”Lasing ka na rin katulad nila.” Sabay turo niya sa ‘kin ng mga kaibigan kong nakahiga na sa kalasingan. ”Ako naman ang panalo. Ang hihina talaga nilang uminom.” Binuksan ko ang alak at tinungga ko ‘yon. Ininom ko na parang umiinom lang ako ng softdrinks. Kinuha sa ‘kin ni Rafael ang bote ng alak. “Lasing ka na tama na ‘yan.” ”Akin na ‘yan!” Pilit kong kinukuha sa kanya ang bote ng alak ngunit hindi niya binibigay sa’kin. Tumayo ako para mabilis kong makuha ngunit bigla naman akong nawalan ng balanse kaya bumagsak ako sa dibdib ni Rafael. Nagkatinginan kaming dalawa. Dahil na rin siguro sa kalasingan ko ay nag-iinit ang pakiramdam ko, lalo nang dumapo ang mga mata ko sa labi niya. ”I like your lips.” Bigla ko siyang hinalikan. Bagama’t gulat na gulat siya sa mapusok kong ginawa sa kanya ay tumugon siya sa halik ko. Hinigpitan niya ang yakap sa ‘kin habang naghahalikan kaming dalawa. Nang bumangon ang kaibigan ko ay kumalas kaming dalawa. ”Let’s go!” Hinila ko si Rafael papunta sa kotse. Hindi ko alam kung kaninong kotse ang nabuksan namin. Ang alam lang namin dalawa ay hindi namin kayang kontrolin ang nararamdaman naming init sa isa’t-isa. Masakit ang ulo at katawan ko nang magising ako. Bumangon ako at nakita ko sa loob ng kotse ang lalaking katabi ko na wala ring suot na damit katulad ko. Gulong-gulo ang isip ko sa nangyari. ”s**t! Ang tanga mo!” nagmadali akong magsuot ng damit pagkatapos ay tumakbo sa naka-park na kotse ko. Inuntog ko ang ulo ko sa manibela. “Ga*go ka talaga! G*go! Naiinis ako sa sarili ko dahil sa isang iglap ay binigay ko sa isang hindi ko kilalang lalaki. Rafael Velasco Arkillar. Paulit-ulit kong sinisiksik sa utak ko ang pangalan niya. Upang hindi ko makalimutan pagdating ng panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD