IYON ang unang beses na humarap si Erin sa full-length mirror na hindi kuntento sa nakikita. Parang nakulangan na siya sa face powder at sa simpleng ipit lang. Tila bigla ay namumutla ang tingin niya sa kaniyang mga labi. Parang feeling niya ay may igaganda pa ang mukhang iyon. Nakangiti na binuksan ng dalaga ang drawer kung saan ay nakalagay ang mga lipstick na bigay ni Mommy Nenita. Naroon din ang liquid foundation at cheek tint. Matagal na rin ang mga iyon doon at sa tuwina ay ini-snob lang niya. Ngayon lang gagamitin ni Erin ang mga iyon. Dahil gusto niyang maging maganda sa paningin ni Caleb, at kahit papaano ay maging kamukha ng mga naging girlfriend nito, tulad ni Laila. "Hindi ko alam kung ano itong ginawa mo sa'kin, Caleb. Pero umaasa ako na sana ay magustuhan mo ang transform