SA tanang buhay niya ay ngayon lang nagising si Caleb na maganda ang pakiramdam, bukod siyempre sa mga unang araw na nakilala niya si Erin. At bakit nga ba hindi? Kung katabi niya sa kama ang babaeng mahal na mahal niya. Maingat na inalis ni Caleb ang ulo ni Erin na nakaunan sa braso niya at inilipat iyon sa unan. Gusto pa sana niya na magtagal sila sa ganoong posisyon, maramdaman ang mainit nitong balat, malanghap ang mabango nitong buhok. Pero kailangan pa niyang um-order ng pagkain for lunch. Naubos kasi nila ang pagkaing in-order niya kanina. Pareho silang gutom na gutom pagkatapos nilang sabay na maligo sa bath tub. Lalo na si Erin na siyang halos umubos sa pagkain. Bago tumayo ay pinagmasdan muna ni Caleb si Erin. She was sleeping peacefully. Bakas ang pagod sa mukha dahil sa kat