24

1393 Words

“YOU look different.” Hindi pinansin ni Anton ang naging puna sa kanya ni Andrea. Basta na lamang pumasok ang babae sa opisina niya at sinabi ang bagay na iyon. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa sa computer. “Nasa harapan mo ako, Anton,” naiinis na sabi nito. “Pansinin mo ako.” Umupo si Andrea sa isa sa mga upuan sa harapan niya. Tinatamad na tumingin siya rito. “What do you want?” “I said you look different.” Naiinis na ibinalik ni Anton ang tingin sa computer. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nitong magdemand ng mga ganoong bagay sa kanya. “How so?” patamad niyang tanong. “You look happy. Everyone in the building says you’ve changed overnight. You smile at everyone. Pati ang sekretarya mo ay maganda ang mood, mukhang hindi mo pa nasisigawan ngayong araw. Mas nagmukha kang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD