“CHERYL, WAKE UP!”
Dumilat si Cheryl at nakita niya ang mukha ng kaibigan at kasamahan sa trabaho na si Katrina. Mababakas ang matinding pag-aalala sa mga mata nito.
Hingal na hingal siya. Naninikip pa rin ang dibdib niya at hirap na hirap siyang huminga. Pinunasan ni Katrina ang pisngi niyang puno ng luha. Pawis na pawis din siya.
“Is everything okay, Ma’am?” tanong ng isang babae na sa tingin niya ay flight stewardess.
Bigla siyang natauhan. Naalala niyang nasa isang eroplano sila patungo ng Pilipinas. “W-water,” she managed to say.
Unti-unting nararamdaman ni Cheryl ang p*******t ng kanyang ulo. Naging maagap naman si Katrina, kinuha nito mula sa bag niya ang painkillers na palagi niyang dala. Umiling siya. Hindi gaanong masakit ang ulo niya upang inuman niya ng gamot. Ayaw niyang nagiging dependent siya sa gamot na iyon. Sinikap niyang bawiin ang hininga. Nanlalambot pa rin siya. Tila nais pa niyang umiyak nang umiyak. Her heart was racing and it was painful.
“`You okay?’ tanong ni Katrina.
Halos masaid ni Cheryl ang tubig na ibinigay sa kanya ng stewardess. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata at sumandal. Unti-unti, bumalik sa normal ang paghinga niya at ang t***k ng puso.
“Do I have to call for a doctor, Ma’am?” tanong ng stewardess.
Umiling siya. “I’m... I’m okay. I’ll be fine in a minute. It’s just a bad dream. Nightmare.”
“Are you sure?”
“Yes, I’m all right.”
Naramdaman niya ang paglayo ng flight stewardess sa kanila.
“Same nightmare again, Cheryl?” tanong sa kanya ni Katrina. Bakas pa rin sa tinig nito ang pag-aalala.
Tumango si Cheryl bago siya nagmulat ng mga mata. Pinigilan niya ang kanyang sarili na maiyak. Hindi niya maipaliwanag ang matinding kalungkutan na umaalipin sa kanya. She felt like she wanted to bawl out to her heart’s content.
Sa loob ng maraming taon, iyon ang palagi niyang napapanaginipan. Hindi niya alam kung bakit. Hindi niya maalala kung nangyari sa kanya ang eksenang iyon o hindi. Hindi rin maipaliwanag ng mga magulang niya kung bakit napapanaginipan niya ang eksenang iyon.
Lalong hindi maipaliwanag ni Cheryl ang nadaramang matinding lungkot at pighati sa tuwing gigising siya mula sa panaginip na iyon. Hindi na niya iyon nakasanayan. Tila lalong tumitindi habang lumilipas ang panahon. It was as if something vital was missing within her. Nais niyang hanapin ang nawawalang parte ng pagkatao niya ngunit hindi niya alam kung paano.
May parte rin ng pagkatao ni Cheryl na tila natatakot. Hindi niya alam kung ano ang kinakatakutan niya at kung bakit tila natatakot siyang balikan ang nakaraan. Wala naman siyang dapat na ikatakot. Pinunan ng mga magulang niya ang lahat ng pagkukulang sa kanyang pagkatao.
Ngunit bakit hindi pa rin mawala ang pakiramdam na may kulang sa pagkatap niya?
Sa mga nakalipas na taon, naging masaya si Cheryl sa buhay, ngunit palaging may kulang.
Dahil ba iyon sa wala siyang maalala sa kanyang nakaraan?
She sighed. Siyam na taon na ang nakararaan, naaksidente daw siya ayon sa kanyang ama. She was in college. She and some of her friends went out for fun. Naparami raw ang inom nilang magkakaibigan. Kahit na lasing na ay pinilit pa rin daw niyang magmaneho. They met an accident on the road. Sumalpok ang sinasakyan nila sa isang truck sa highway.
Nang tanungin niya ang kanyang mga magulang kung may problema siya noong mga panahong iyon ay hindi siya masagot ng mga ito. She soon found out the answer to her question, it was after her recovery, and happened while reading her diary. Nakatala roon ang mga damdamin niya bago ang aksidente. Nakipag-away siya sa mga magulang bago ang aksidente. Nagrerebelde siya noong mga panahong iyon. Pinakiusapan rin niya ang mga ito na sabihin na sa kanya ang tunay na dahilan pero walang sinabi ang mga ito.
Binawian ng buhay ang lahat ng mga kaibigan na kasama niya sa sasakyan. Ayon pa nga sa balita ay walang survivor sa aksidenteng iyon. Pinagtakhan niya iyon dati. Ang sabi ng kanyang ama, halos wala na siyang buhay nang makarating siya sa ospital. Everyone expected her to die eventually. She went into a coma. Paggising niya, wala na siyang alaala tungkol sa nakaraan. Hindi na raw ipinaalam ng mga magulang niya na may survivor sa aksidente dahil siguradong magagalit ang mga loved one ng mga kaibigan niyang nasawi, palibhasa ay siya ang may hawak ng manibela ng ill-fated na kotse.
Dahil maselan ang kalagayan ni Cheryl, ayaw ng mga magulang niya na magkaroon siya ng stress. They wanted her to recover fully. Dahil wala naman siyang maalala at pakiramdam niya ay batang paslit na nawawala siya noon, hinayaan na lang niya ang mga magulang sa nais na mangyari ng mga ito.
They left New York. They settled in Australia for some time. Nang magbalik sila sa New York, hindi na sila ang dating mayamang pamilya. Nalugi ang negosyo ng mga magulang niya sa Australia. Kahit ang mga negosyo ng mga ito sa Amerika ay nalugi ring lahat. Her mother grew very depressed. May mga pagkakataon na hindi ito makabangon sa higaan dahil sa sinapit nila. Hindi ito sanay sa hindi marangyang buhay. Hindi naman nawalan ng pag-asa ang kanyang ama. Nagtrabaho ito kahit na medyo may edad na. Nakikita niya ang pagsusumikap nito para sa kanilang mag-ina. Hindi man naging kasingrangya ng naging buhay nila dati, nakakaraos naman sila.
From a nice townhouse in Upper East Side, they moved in a small apartment in Brooklyn. Upang makatulong naman sa kanyang ama, naghanap na rin siya ng trabaho.
She then met Vann Allen, the angel sent by God.
Nasa isang coffee shop si Cheryl nang araw na iyon at abala sa broadsheet na hawak. Hindi niya maintindihan kung bakit walang may gusto na tumanggap na kompanya sa kanya. May trabaho naman siya sa isang bookstore ngunit nais niya ng trabahong mas malaki ang suweldo.
Nababagot na iginala niya ang kanyang tingin sa coffee shop. Kaunti lamang ang tao palibhasa hindi naman gaanong masarap ang kapeng isinisilbi roon. Naroon lamang siya dahil doon ang pinakamurang coffee shop na alam niya.
An old man caught her attention. Truth was, he caught her attention since she accidentally bumped into him while they were entering the shop. There was something unusual about him. He seemed like he was enjoying his coffee. The old man was seated one table away from her. Hindi niya alam kung bakit napatitig siya rito. There was something odd about him. He even looked familiar to her. Saan nga ba niya ito nakita? Isa ba ang matanda sa mga costumer na pumapasok sa bookstore na pinagtatrabahuhan niya?
Matagal niya itong pinagmasdan. May kakaiba sa galaw nito. May kakaibang sigla roon. Siglang hindi karaniwang nakikita sa mga matatanda. Pilit niyang kinakapa sa kanyang isipan kung saan niya ito nakita.
Nahuli siya nitong nakatingin. He smiled at her. That was when she recognized him.
Nakangiting tumayo si Cheryl mula sa kanyang kinauupuan at sinamahan niya ang “matanda” sa mesa nito.
“Vann Allen,” she said.
Mukhang gulat na gulat ito sa sinabi niya.
“Don’t try to deny it,” aniya nang magbuka ito ng bibig at akmang magpoprotesta. “Your smile is very familiar. I would recognize it anywhere.”
Natawa si Vann Allen. She liked the sound of his laughter. It was sultry and crisp.
“Who are you?” natatawang tanong nito.
Inilahad niya ang kamay. “Cheryl Arpilleda. Pinay pero dito na lumaki sa Amerika.”
Vann Allen was the fastest rising superstar in America. All of the Filipinoes who lived in the US were proud of him. Todo ang suporta nila rito. Kaya nga niya ito kaagad na nakilala dahil sinusuportahan rin niya. Her mother was a fan...
Nakalma si Cheryl ng alaalang iyon. When she met him, everything in her life fell into place.
Matagal silang nagkakuwentuhan sa coffee shop na iyon. Sa maikling panahon na pagkakakilala nila, marami-rami din siyang nasabi kay Vann Allen tungkol sa sarili niya. Vann Allen had a certain charm. Madaling nagiging komportable ang lahat sa company nito. Pakiramdam nga niya ay walang nilalang sa mundo na hindi magugustuhan ang pagkatao nito.
He offered her a job. Noong una ay hindi sana niya gustong tanggapin ang trabahong inaalok nito. Pakiramdam niya kasi ay gumawa lamang ito ng trabaho para sa kanya. Ang sabi nito ay magiging secretary siya nito ngunit may secretary na ito. Ano pa ang magiging papel niya?
Tinanggap pa rin ni Cheryl ang trabaho dahil kailangan niya. Nakita rin niyang nagkaroon ng sigla ang mga mata ng kanyang ina nang mabanggit niyang nakilala niya si Vann Allen.
Napagtanto niyang hindi madali ang magtrabaho para sa isang superstar. She was in charge of corporate matters. Siya ang nagbabantay ng mga negosyo ni Vann Allen. Marami itong investments sa iba’t-ibang kompanya sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Sinisiguro niyang nasa ayos ang lahat. Siya ang nagrereport ng progress ng mga negosyong iyon. Ang trabaho niya ay dating sa panganay na kapatid nito, kay Jhoy Balboa.
Ngunit nang lumago ang dating maliit na korporasyon na itinatag nito ay hindi na nito napagtuunan ng pansin ang ibang mga negosyo. Saksi siya sa paglago ng VA Corporation. Habang tumatagal ay lalong lumalago ang korporasyon na nag-umpisa sa banana chips. Pati ang VA Wears—ang fashion label na itinatag ng isa pang kapatid ni Vann Allen na si Frecy—ay mabilis rin ang paglago. Ang mga negosyong hindi napagtutuunan ng pansin ng mga kapatid ni Vann Allen ay siya ang umaasikaso.
Masaya si Cheryl sa trabaho. Lalo niyang pinagbubutihan ang lahat upang hindi naman siya mapahiya sa taong tumulong sa kanya. Her parents were now living in nice cozy house. Hindi na uli naging depressed ang kanyang ina. May maliit na negosyo ang kanyang ama. Hindi na ito gaanong nahihirapan. Dahil nakabukod na siya ng tirahan, sinisikap na lang niyang bisitahin ang mga ito sa tuwing libre siya o nasa New York ang buong team nila. Masaya siya dahil masaya at maayos na ang kanyang pamilya. Maganda ang career niya. Kung tutuusin ay wala na siya dapat na hilingin pa.
“Sigurado kang okay ka lang?”
Ang tinig ni Katrina ang nagpanumblik sa kanya sa kasalukuyan. Binalingan niya ang kaibigan at ngumiti. “I’m okay, Katrina.”
She was thankful she found her and Zhang. They were her best friends. Katrina was her partner. Alam ng mga ito ang kalagayan niya. Sa mga tour nila, nagsasama-sama sila sa iisang silid. Nasaksihan ng mga ito kung paano siya alipinin ng mga panaginip niya. Labis ang nagiging pag-aalala sa kanya ng mga kaibigan. Sa tuwing nananaginip daw siya ay tila hindi siya humihinga. Iyak pa daw siya nang iyak.
Bago siya pumikit para matulog ay hinihiling niyang sana ay hindi na siya managinip. Madalas ay pinapagod niya ang sarili sa trabaho upang pagbagsak ng katawan ay himbing na siya. She had always wanted a dreamless sleep.
Lumapag na ang kanilang eroplano. Huminga siya nang malalim.
“`You okay?” tanong sa kanya ni Vann Allen. “Ang sabi ni Katrina, nanaginip ka na naman.”
Ngumiti si Cheryl at tinapik ang pisngi ni Vann Allen. “The usual. I’m okay. Be ready.”
Tumango na lamang ang amo. Huminga siyang muli nang malalim bago niya isinuot ang isang tea-colored shades na halos sakupin ang buo niyang mukha. Naghanda na sila para sa kanilang pagbaba. Pihadong maraming mga tao ang nakaabang sa airport.
Kahit may suot na salamin ay nasilaw pa rin si Cheryl sa kislap ng mga camera. Naglalakad na sila palabas ng airport. Hindi siya sanay humarap sa kamera. Si Katrina ang madalas na humarap sa press, paparazzis, at fans. Napapalibutan sila ng security men. Si Harvy, ang head ng security, ang nasa tabi ni Vann Allen samantalang nasa likuran sila nina Katrina at Zhang. Naririnig niya ang panaka-nakang pagsagot ni Vann Allen sa mga tanong ng mga reporter na pilit na iniaalpas ang mga hawak na mikropono sa nakapalibot na security.
Matiwasay naman silang nakasakay sa isang van. Kaagad na inayusan ni Zhang si Vann Allen. Dederetso sila sa isang hotel kung saan gaganapin ang isang press conference ni Vann Allen.
Napatingin si Cheryl sa bintana at pinagmasdan ang mga nadadaanan nila. Nasa Pilipinas sila para sa isang comeback concert ng Lollipop Boys—ang boyband kung saan nagsimula ang career ni Vann Allen bilang performer.
Napatingin si Cheryl sa mga kasama. Mukhang masaya ang lahat sa pagdating nila sa bansa. Dapat lang naman. Philippines was their home. Kahit si Harvy na sa California ipinanganak at lumaki ay masaya ring makauwi. Ang alam niya, sa bansa nagtapos ng high school ang binata. High school sweethearts ito at si Katrina. “Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig” ang drama ng dalawa.
Hindi niya masabi ang eksaktong nadarama. Bihira si Cheryl sa Pilipinas. Nagtutungo lamang siya roon sa tuwing may mahalagang papel siyang gagampanan pagdating sa mga negosyo ni Vann Allen. Malaki ang naitutulong ng modernong teknolohiya sa kanyang trabaho. Hindi rin siya palaging nagtatagal doon. Ngayon lamang siya magtatagal dahil magtatagal rin doon si Vann Allen.
Sa tuwing nasa bansa si Cheryl, tila mabigat ang kanyang pakiramdam. Hindi niya alam kung bakit ganoon. Sa Pilipinas lamang niya nararamdaman iyon. Sa ibang bansang pinupuntahan nila ay hindi siya nagkakaganoon. Pakiramdam niya ay hindi siya safe sa lugar na iyon. Hindi niya iyon sinasabi sa mga kasamahan dahil baka masamain ng mga ito.
Siguro, ang Amerika na talaga ang itinuring niyang tahanan. Doon siya ipinanganak at lumaki. Pinalaki naman siya ng mga magulang niya sa kulturang Pilipino. Konserbatibo siya tungkol sa ilang bagay. Marunong siyang mag-Tagalog.
Ayon sa mga magulang niya, bago pa man siya ipanganak ay nasa Amerika na ang buhay ng mga ito. Wala nang natitirang kamag-anak ang mga ito sa Pilipinas, lahat ay nasa Amerika na.
Pero kahit na pagbali-baliktarin ang mundo, Pilipino pa rin siya. Dapat ay natutuwa rin siya sa kanyang pag-uwi. Bakit ba ayaw niya roon? Bakit parang may kinakatakutan siya?
Napabuntong-hininga si Cheryl. Siguro ay hindi lamang siya sanay. Ilang buwan din silang mananatili roon kaya baka makasanayan din niya ang pananatili roon. Wala naman siyang dapat na ikatakot dahil safe siya basta nasa malapit siya kay Vann Allen.
Magiging maayos ang lahat.