“ANAK, tahan na,” alo ni Anton kay Enid na kanina pa umiiyak. Hindi naman ito gutom o basa ang diaper, hinahanap lang nito ang ina. Siya man ay natutuliro na dahil wala pa rin si Chenie sa bahay at gabi na. Maghapon nang hindi umuwi sa kanila ang asawa. Tinawagan na ni Anton kanina sina Joshua at Ike upang itanong kung naroon si Chenie. Nagsimula siyang mag-alala nang husto nang sabihin ng mga ito na hindi dumaan si Chenie sa mga kapatid. Nagtaka pa ang mga bayaw kung bakit niya hinahanap ang kanyang asawa. Napaaga raw ang uwi ng mag-ina dahil nais ni Chenie na magkasama-sama silang pamilya. Dahil tapos naman na ang selebrasyon ng kaarawan ng biyenan niyang lalaki noong nakaraang gabi ay hinayaan na raw ng mga ito na umuwi ang mag-ina. Wala siyang maisagot sa mga tanong ng kanyang in-law

