ANTON was obviously happy with what was happening. Mukhang masaya rin sa nangyayari si Enid. Mula nang dumating sa bahay si Cheryl ay hindi na nabura ang ngiti ng anak sa mga labi. They were having dinner. Si Cheryl mismo ang nagluto ng kanilang hapunan. Masarap itong magluto katulad ni Chenie. Kahit na ano ang pilit niya na huwag maalala si Chenie ay hindi niya magawa. Hindi niya alam kung kailan pa darating iyong araw na hindi na niya makikita kay Cheryl si Chenie. Alam niyang hindi tama itong ginagawa niya. Alam niyang dapat ay hindi na nila ginugulo ni Enid si Cheryl. Kung gugustuhin lamang niya, maaari niyang huwag pagbigyan ang anak sa ginawa nitong pagpapangako kay Cheryl. Dapat ay pinagalitan niya ito dahil hindi iyon ang tamang gawin. Walang obligasyon sa kanila si Cheryl. Ngu

