006
YAKIRA
Nakarating naman kami sa mansyon nila Zach ng wala siyang kamanyakang ginagawa sa akin. Wala din siyang ginawang kung anong pang inis sa akin buong biyahe kaya naman masaya na akong ganun. Ang hindi niya pag pansin sa akin ay isang malaking relief. Sana ganito na lang palagi.
Huminto ang sasakyan sa entrada ng mansyon. Nauna akong lumabas ng sasakyan matapos kong mag pasalamat kay Manong.
Mabilis at malalaki ang ginawa kong paghakbang. Gustong gusto ko ng makalayo sa manyakis na iyon. Ang maging malapit sa kanya ay sobrang nakakaupos ng hininga. Hindi ko talaga kayang matagalan ang presensya niya. Kahit kailan ay wala na siyang naidulot na mabuti sa akin kaya ako na itong pilit na iiwas sa kanya.
"Ate Kira!"
Nahinto ako sa pag lalakad ng biglang tawagin ako ni Zachia ang bunsong kapatid ni Zach ang prinsesa sa bahay na ito. She's like my sister na din. Lumaki syang ako ang close at hindi ang Kuya Zachary niya na manyakis. 8 years old pa lang si Chia pero napaka talino na ng batang 'to. Sabi nga sa school niya ay pang grade 7 na daw ang isip nitong si Chia kahit na walong na taong gulang pa lang naman talaga ito. Nag mana sa mga magulang niya. Hindi kagaya ni Zach na hindi ko mawari kung saan nag mana ng kamanyakan at kabobohan.
Lumapit sa akin si Chia ng patakbo. Agad ko naman siyang sinalubong ng yakap.
"How's the little princess?"
"I'm fine, eonnie but I saw you through the window. Bumaba ka from my kuya's car. Wala kang own car eonnie?"
[Eonnie- Older sis]
"And hindi mo na hate si Kuya monster?"
"Kuya Monster? Did you just call your Kuya a monster?"
Biglang sumimangot ang bata nang sumulpot bigla si Zach sa harapan namin. Pati ang bata ang inis sa kanya dahil sa mga kalokohan at kapilyohang taglay niya. Kabanas talaga. Sino ba naman kasi talagang hindi mababanas sa mga kalokohang alam ng Thaddeus na ito. Siya na. Siya na ang most annoying person na nakilala ko. Never na yata akong matutuwa sa presensya ng manyakis na to.
"Yes, you are a monster. Lagi mo niaaway si eonnie. I hate you!" The little girl said crossing her arms over her chest. She's really cute.
"Whatever kiddo."
"Bakit mo ba lagi inaaway si Eonnie?"
Lumipat ang tingin sa akin ni Zach. Ngumisi lang ito bago ibinalik ang atensyon sa batang nag tatanong. Sarap sipain ng mukha niya kapag ginagawa niya yun. Nakakainis. Kung pwede ko lang sana siyang sagot sagotin dito ngayon baka kung ano ano ng masasamang salita ang lumabas sa bibig ko. Sobrang nakakainis kasi talaga ang presensya niya.
"I don't baby girl. Wag ka masyadong maniniwala kay Ate Kira mo. She's not telling you the truth. I'm just being sweet to her in fact siya pa nga ang umaaway sa kuya mo. Come on ask her."
Kumunot ang nuo ng bata pagkasabi nuon ni Zach. Ang kapal ng mukha. Kung hindi niya ako haharassin hindi naman ako magagalit sa kanya. Siraulo ba siya? Huh! Kung hindi sana siya ng manyak edi sana maayos pakikitungo ko sa kanya. Ang kapal talaga.
"Ani! I won't believe you! You're a monster!"
"Monster ka dyan. Lika dito."
"No, I hate you!"
Isiniksik ng bata ang sarili niya sa tagiliran ko habang binibigyan ng masamang titig ang kapatid. Ganito talaga itong si Chia. Hindi siya malapit sa kuya niya. Mas tinuturing pa nga akong kapatid nito kesa sa abnormal niyang kuya. In fact ayaw na ayaw niyang makikita ang kapatid dahil naiinis siya talaga dito.
"Lumapit ka dito Zachia!"
"I don't want to! Bleh!" She pulled out her tongue. Natawa ko sa itsura ng bata habang pinandidilan ang nakatatandang kapatid. Talagang nang aasar pa yung expression ng mukha niya habang dumidila siya.
"Lumalaki kang salabaheng bata! Halika sabi dito!"
"You're bad! I don't want to come near you! I hate bad guys!"
"Tsk!"
"WHAT'S GOING ON HERE?" Biglang pumasok ang ama nila mula sa entrada ng kanilang mansyon. Nakakawit sa kaliwang braso nito ang kanyang asawa. Biglang sumigla ang hilatsa ng mukha ng bata pagkakita sa mga magulang. Si Zach naman ang sama ng tingin sa kapatid niya habang tumatakbo ito sa Ama.
"Appa! Appa!" Yumakapag ang bata sa mga magulang. Malambing at bibo talaga si Chia mana sa mga magulang. Hindi tulad ng kuya niyang abnormal at adik.
"Good evening po." Bati ko sa mga ito. Binigyan lamang ako nito ng mga ngiti bilang tugon bago binalingan ang nag lalambing na bata.
"How's my little princess?"
"I'm fine, Dad. I'm safe from the monster because I have you." Malambing na tugon ng bata sa kanyang ama na ikinangiti ng mag asawa.
"Princess, how many times do I have to tell you that there's no monster."
"But Kuya Zach is a monster that's why Ate Kira hates him. Right Eonnie?"
Biglang nanlaki ang mga mata ko ng sabihin iyon ng bata sa harap ng mga magulang nila. Gusto kong malusaw sa kinatatayuan ko sa sobrang kahihiyan. Baka kung anong isipin nila Sir. Nakakahiya talaga. Parang gusto ko ng lamunin ng lupa sa sobrang pagkakapahiya.
"That's not true little kiddo. Actually your Ate Kira likes me a lot. Right Kira?" Biglang untag ng mokong. Hindi na ako nakaimik pa ng dahil duon. Pahiyang pahiya na talaga ako kina ma'am and sir.
"Zachary, may ginawa ka nanaman bang kalokohan kay Yakira?" May pag babantang sabi ng kanyang ama. Ngingisi ngising humarap sa akin ang hindot.
"Wala. I'm treating her nice. Go ask her."
"Ah opo. Okay naman po kami ni Zach." Sabi ko na lang kahit gustong gusto ko ng isumbong si Zach sa lahat lahat ng mga pinag gagagawa niya sa akin. Fvck that jerk! Ipinapangako ko sa sarili ko makakaalis din kami ni nanay sa lugar na 'to. Pag nangyari yun mawawala na sa landas, sa buhay ko ang lalaking 'to.
"Good then. Zachary, kapag nalaman kong may kung ano ka nanamang ginawa kay Kira, sa akin ka mananagot." Banta ng kanyang ama.
As if naman matatakot ang hambog na to. Kahit anong sabihin sa kanya ng kanyang ama wala siyang pake eh kaya hindi na ako umaasang susindin niya ito.
"Yes dad." Walang ganang sabi ni Zach bago ako nito akbayan sa harap ng mga magulang. Tinapiktapik ako nito sa balikat.
"She's safe with me." Nakangisi nitong turan sabay tingin sa akin ng makahulugan.
Pinigilan ko ang sarili kong magpakita ng ano mang inis na reaksyon. Nasa harap namin ang mga magulang niya at ang amo ko kaya naman dapat umakto ako ng nararapat. Kahit gusto ko na talagang sapokin ang lalaking ito ngayon.
"Alright then, mauna na kami. Pagod na ang mom niyo. Mag papahinga na muna kami." Said Mr. Walcott. Tumango tango lang ako at nag lakad na ang mga ito kasama ang kanilang bunsong anak papasok sa kwarto nila. Nang matiyak na wala na sila ay agad agaran kong tinanggal ang pagkakaakbay sa akin ng mokong.
I turned my back and was ready to leave nang biglang hawakan niya ako sa braso at muling paharapin sa kanya.
"What?" Inis na wika ko.
"Aalis ka na kagad, di mo man lang ba ako bibigyan ng good bye kiss?"
"In your fvcking dreams!"
Tumawa ito ng malakas dahil sa iwinika ko. Ayokong makipagtalo sa kanya kaya handa na sana akong muling umalis ng bigla naman niya akong hapitin sa bewang ko palapit sa katawan niya. Napasinghap ako ng mag dikit ang katawan namin. FVCK! Pinilit kong itulak siya palayo pero mas malakas ang gago! Gigil na gigil na tinulak ko siya pero masyado talaga siyang malapit. Natigilan na lang ako sa pag piglang when he suddenly crashed his lips to mine. Hindi ako nakagalaw ng dahan dahan niyang igalaw ang kanyang labi habang nakadikit sa akin. Dahan dahan ang ginawa niyang paghalik sa akin at hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at bigla na lang akong nawala sa sarili ko ng sandali.
Nang matauhan ay agad agad akong kumawala sa halik niya. Nanlalaki ang mga matang sinampal ko siya ng madiin sa mukha. Ito nanaman siya! Wala ba talaga siyang hiya! Napaka manyak niya talaga kahit kailan. Ilang labi na ba ang nahalikan ng hindot na ito. Peste siya! Gusto ko siyang kalbohin!
"Sa susunod na ulitin mo pa 'to hindi lang yan ang mapapala mo!"
"Bakit hindi mo ba nagustuhan?"
"Gago ka talaga no?"
"Wag mo kong murahin Kira!"
"Fvck you!"
Muli ako nitong hinapit sa bewang at muling binigyan ng saglitang halik sa labi.
"Mura pa!"
"BWISIT KA TALAGANG GAGO KA!!"
And again muling dumapo ang labi niya sa akin. Nagtagal iyon ng konti duon. Nang bumitaw siya ay nakangisi na ang loko. Natutop ng kamay ko ang bibig ko. Bwisit talaga!!! Kahit asar na asar ay pinilit kong wag mag salita ng kahit ano. Baka halikan nanaman niya ako. Agad agad akong tumalikod at mabilis na nag lakad palayo. Malalaki ang ginawa kong hakbang para lang mabilis na makalayo sa hindot na iyon.
Nang marating ko ang kwarto namin ni nanay ay agad kong sinapo ang labi ko. Hindi ako makapaniwalang hinalikan ako ng maraming beses ng hintod na yun. Buong buhay ko wala akong naging boyfriend at never akong nahalikan sa labi. Dahil gusto kong ang first kiss ko ay mula sa taong mahal ko at mahal ako. Pero wala na lahat ng yun dahil sa malanding yun. Hindi na siya nahiya. Palala na siya ng palala. Mas lalo tuloy akong naiiinip na makaalis na dito. Gusto kong mapaiyak sa inis.
"Anak andyan ka na pala. Tulungan mo ko sa pag prepare ng haponan nila at para makakain ka na din."
"Nay, pwede ho bang dito na lang muna ako. Medyo masama po kasi ang pakiramdam ko." Dahilan ko. Ang totoo ay ayoko muna kahit sandali makita ang mokong na yun. Naiinis talaga ako sa kanya. Baka bigla na lang mag dilim ang paningin ko at mapatay ko siya.
"Sige mag bihis ka na. Mag pahinga ka muna dyan. Ikukuha kita mamaya ng gamot."
"Salamat nay." I said bago ito umalis ng kwarto. Pagkasarang pagkasara ng pinto ay agad akong napasalampak sa sahig. Pagod na pagod na akong mag tiis sa mga pinag gagagawa ng kupal na yun. Gustong gusto ko ng umalis dito dahil pakiramdam ko kapag nag tagal pa ito ay baka hindi lang iyon ang magawa niya sa akin. Napaka manyak niyang hayop siya.
"Bwisit ka talaga Zachary Thaddeus Walcott! Makakaganti din ako sa'yo."
Nag bihis ako ng pambahay at latang lata na humilata sa papag. Ibinalot ko ang sarili ko ng kumot. Pakiramdam ko magkakasakit nga talaga ako. Nakasara naman ang mga bintana pero bakit sobrang lamig yata. Di ko na namalayan nang makatulog na pala ako.
Nagising ako sa kaluskos na nag mumula sa labas ng kwarto namin ni Nanay. Nang silipin ko si nanay ay himbing na himbing na ang tulog nito sa tabi ko. Hinaplos ko ang kanyang mukha bago ko siya kinumutan. Pagtapos ay nag pasya akong lumabas ng kwarto. Pagbukas na pagbukas ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang mukha ni Zachary. What the fvck is he doing here?
"What the-"
Mabilis siyang kumilos at tinakpan ang bibig ko. Pilit kong tinatanggal ang pagkakatakip niya sa bibig ko.
"Shhh baka magising ang nanay mo. Do you want that?"
Naisip ko si Nanay. Medyo hirap ang nanay ko sa pagtulog tuwing gabi kaya ayoko namang magising siya nang dahil lang sa hindot na lalaking ito. Itinikom ko ang bibig ko at agad naman na binitawan ng loko ang pagkakatakip dito.
"Anong ginagawa mo dito? Don't tell me-"
"No! Wala akong ginagawang masama."
"Then why are you here?"
"I'm just a.. Ahh.."
"What?"
Punyeta! Mukhang naninilip nanaman ang mokong. Napaka manyak talaga ng ungas na to eh kahit kailan hindi na nahiya. May mga tao talagang sobrang kakapal ng mukha eh no? Nung nagpasabog ng kakapalan ng mukha, siguro sinalo ng hindot na 'to lahat. Pati na kamanyakan sinalo na rin niya punyeta siya. Kung hindi lang talaga siya anak ng mga amo namin baka kung ano na nagawa ko sa kanya. At kung hindi lang krimen ang pag patay baka matagal na siyang wala dito.
"Basta wala akong ginagawang masama dito."
"Eh anong ginagawa mo dyan?"
"Ano.. Basta! Bakit ba napaka matanong mo? Sino ba ang amo sa atin?"
"Eh gago ka pala eh. Manyak ka eh!"
"Hindi ako manyak! Tinitignan ko lang kung may sakit ka ba talaga!"
Kumunot ang nuo ko nang sabihin niya yun. At bakit naman niya sinisigurado kung may sakit ako O wala?
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"Ano sayo kung may sakit ako O wala?"
"Wala. Sinisigurado ko lang na hindi ka umaarte lang para hindi makapasok bukas."
"At bat ako aarte?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kanya.
"Dahil ayaw mo ko makasama sa klase."
Napangisi ako.
"Mabuti naman at alam mo pero hinding hindi ko sisirain ang pag aaral at ang pangarap ko ng dahil lang sa'yo. Pwede na po ba akong pumasok sa loob at mag pahinga?"
"Wait!"
Nang akmang tatalikod na ako ay hinawakan niya ako sa wrist. Binigyan ko siya ng isang matalim na titig. Ano nanaman ang balak gawin ng lalaking 'to?!
"What?"
"Shhhh. Ang ingay mo. Gusto mo ba talagang magising si Manang?" Tukoy niya sa nanay kong mahimbing na natutulog sa loob.
"Sumunod ka sakin sa kusina ng tahimik kung ayaw mong magising si manang." Sabi nito bago ako bitawan. Tahimik na tumungo ito sa direksyon ng kusina. Bwisit talaga! Ano pa ba ang gusto ng hindot na yun?