043 Kira "Kira, kumain ka na muna bago ka pumasok." Said nanay. "Yeah your mom's right. Kumain ka muna hija." Dad said holding my nanay's hand. Napangiti ako. Lahat ng ito ay bago sa akin pero ang saya pa lang makitang magkasama at masaya ang mga magulang mo. Hindi na ako tumanggi at sumabay na ng almusal sa kanilang dalawa. Hinding hindi ko tatanggihan ang makasama silang dalawa na kumain ng almusal. Ngayon ang araw ng pag babalik ko sa school kaya medyo kinakabahan ako kanina dahil hindi ko alam kung pano ko haharapin si Zach. Kaya nung makita ko sila nanay medyo gumaan ang pakiramdam ko at nawala sa isip ko yung tungkol kay Zach. Pero kamusta na kaya siya? Sa isang linggo graduation na namin. Makakagraduate kaya siya? "Yakiraaaaa!!" sumalubong sa akin sina Kim pag kapasok na pagkap

