019 KIRA Sa wakas makakapasok na din ako. Humarap muna ako sa salamin at ng makatiyak na okay na ang ayos ko ay lumabas na ako ng kwarto. I headed straight to the kitchen para mag paalam kay nanay pero ang mokong ang naabutan ko ruon. Nang makita niya ako ay ni hindi man lang ako nito kinibo. Mas mainam di ba? Mas gusto ko ngang di niya ako pinapansin eh. Lumabas na ako agad ng kusina ng hindi ko makita duon si nanay. Baka maagang nag punta ng palengke. Nag lalakad lang ako papuntang school kapag naiisipan ko. Minsan kasi mas masayang mag lakad sa umaga kesa sumakay. Hindi naman ganun kalayuan ang skwelahan namin kaya ayos na ayos lang kung gusto mong maglakad. Habang nag lalakad hindi ko maiwasang isipin si Stephen. Bakit ganun na lang siya bigla sa akin? Ang mga kaibigan ko pati inii

