SAMANTHA
"What the f**k was that?!" Inis na tanong ni Raf.
"Hindi ko alam! Hindi ko naman alam na totoo pala talagang nagpaparamdam si Miranda!" Pagpaliwanag ni Kieth.
"Wow! Tara punta tayo sa abandonadong bahay ng Herenza ngayong halloween! Tas magkwentuhan tayo tungkol sa nangyari sa kaniya!" Panggaya ni Raf kay Kieth. "MUNTIK PA TAYONG MAMATAY!" Sigaw nito.
Nasa gitna kami ng madilim na kalye ngayon. Walang ibang tao ang nasa labas kundi kami na lang, at kami na nga lang ang mga bata na masisilayan sa labas, nagsisigawan pa.
"Pasensya na talaga guys, h-hindi ko naman inten--" Napahinto sa pagsasalita si Kieth nang biglang hilahin ni Caster ang costume nito. "Gusto kitang sapukin sa mukha ngayon. Pero wala akong magagawa dahil kaibigan kita!" Tinulak ni Caster si Kieth at naglakad na napapalayo.
"That's it. I'm done. Hinahanap na ako ng nanay ko." Naglakad na din papalayo si Raf.
Viel followed Raf, pero ibinalik ni Viel ang tingin niya sa 'min at nagkibit-balikat.
Kieth looked at us at tumungo. "G-Guys, i'm so sorry." Mahinang sabi nito.
"Hindi mo naman kasalanan, Kieth. Lahat tayo pumunta don dahil intensyon talaga natin na magtakutan." Sabi ko.
"Wala lang talaga tayong kaalam-alam na totoo pala talaga ang sabi-sabi." Habol ni Lorie.
"Akala ko talaga kuwento-kuwento lang 'yong nagpaparamdam siya." Paiyak na ang mukha ni Kieth. Halos lahat kasi sila sinisisi siya. "Umuwi ka na rin, Kieth. Mauuna na rin kami ni Lorie."
Inayos nito ang kaniyang salamin at tumango. "S-Sige."
"Bye," Pagpaalam ko sa kaniya.
Nauna na kami ni Lorie, magkasabay kaming umuwi dahil magkatabi lang naman ang bahay namin.
~-~=~-~
VIEL
"My chumchum! Kamusta ang paggala? May ice cream na binili si Dada mo nakalagay sa ref." Said my mom as soon as she heard me opened the door. Nakaupo siya sa living room habang may pinapanood na pelikula.
"I'm fine." I said, at naglakad na papaakyat papuntang kwarto.
"You look tired, sige magpahinga ka na. At huwag mo palang kalimutang pakainin si Miranda. Hindi pa yan kumakain, nakatulala lang kanina pa sa pinto, ikaw ata ang hinihintay." Pahabol ni mama.
Napahinto ako bigla sa paglalakad sa kalagitnaan ng hagdan nang marinig ko ang sinabi ni mama.
"M-Ma, anong sabi mo?" Sigaw ko.
"Ang sabi ko. Huwag mong kalimutang pakainin si Nella! Yung pusa mo! Kanina ka pa hinihintay!"
It took me a second. "O-Okay."
Agad akong napatakbo papaakyat ng aking kwarto at malakas na isinara ang pinto.
"What the f**k?" Bulong ko. Napasandal ako sa pintuan at madiing ipinikit ang aking mga mata. "Hindi ako nananaginip. Hindi ako nananaginip. Nasa utak ko lang 'yong mga sinabi ni Mama. Hindi ako nananaginip!"
Pagdilat ko ay bigla akong nakaramdam ng kalabit mula sa aking paa. "AAHH!" Malakas kong sigaw.
Agad akong napatingin sa direksyong 'yon. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang pusa ko na si Nella. "Meow!" Sabay ang pagkiskis niya ng kaniyang katawan sa aking paa.
Bwisit, muntik ko pa siyang masipa. "SHOO!" Pagtaboy ko sa kaniya.
Iniwan ko na lang na nakalock ang pinto. Hinubad ko ang aking costume at pagkatapos ay napahiga na lang ako sa aking kama habang nakatitig sa ceiling.
Mabilis pa ring tumitibok ang aking dibdib sa sobrang kaba.
What the f**k is happening?
~-~=~-~
CASTER
"San ka galing?" Tanong ng aking ama na nakaupo sa hagdan.
"N-Nasa labas lang ako kasama mga kaibigan ko." Mabagal kong sabi.
"Diba ang sabi ko, alas otso pa lang dapat nasa bahay ka na?" Mabagal itong tumayo sa kaniyang pagkakaupo at mabagal na lumapit papunta sa 'kin. "Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka no?"
Malakas niyang hinila ang buhok ko sa likod and he made me look at him. "Tumingin ka sa 'kin. Hindi ka na ba magbabago?" Inis na tanong nito at sabay ang hiphip ng kaniyang sigarilyo.
"Nakakahiya ka. Mas maganda na sigurong iniwan tayo ng nanay mo para hindi niya mapanood ang kaniyang anak na maging isang gago katulad niya!" Malakas nitong hinila ang aking suot-suot na costume at ibinato ako sa hagdan. "TAKBO! SUMUNOD KA SA NANAY MO! TAKBO!!" Mabilis akong tumakbo papaakyat ng hagdan at pumasok sa aking kwarto.
Hindi ko mapigilan ang maluha, hindi ko mapigilan na magalit. Araw-araw na lang sa tuwing uuwi ako ng bahay nangyayari 'to. Nababaliw na talaga siya. Nababaliw na yung tatay ko.
Pinunasan ko ang mga luha na tumutulo sa aking mata at binuksan ang ilaw ng kwarto. Kinuha ko sa ilalim ng kama ang aking bag at tinanggal ko ang mga laman nito sa loob.
Pagkatapos ay naglakad ako patungo sa drawer na kung saan nakalagay ang aking mga damit at binuksan ito.
Napaatras ako bigla sa drawer.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ng aking mga mata.
S-Suklay. Papaano napunta dito yung suklay na hawak-hawak ko kanina?
"Caster? Andiyan ka ba?" Napatingin ako bigla sa direksyon ng pintuan nang biglang may kumatok. Boses ng ate ko. Si Cassy. "Buksan mo 'to. Ngayon na!"
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya halos mapatitig na lang ako sa pinto.
Patagal ng patagal, palakas ng palakas ang kalampag at boses sa pinto.
"CASTER! BUKSAN MO ANG PINTO! NGAYON NA!!" Sobrang lakas ng kalampag na halos parang sinasapak niya na ata ang pintuan ng aking kwarto.
Anong nangyayari? Everything is so weird. What the f**k is happening?!
Bigla akong nalinawan na hindi ko na kapatid ang kumakatok sa pinto.
Si Miranda na 'to.
Nilibot ko ang aking tingin sa buong kwarto. Anong gagawin ko? San ako pupunta? Suddenly, bigla na lang akong napatulala sa isang direksyon.
I shook my head.
Naglakad ako patungo sa bukas na bintana at sabay tumalon.
~-~=~-~
RAF
"Hello? Ma?" Sigaw ko sa labas ng bahay habang binubuksan ang nakalock na gate. Pansin kong tahimik sa loob, tapos nakapatay ang ilaw ng bahay. Mukhang mga tulog na ata sila.
Nang mabuksan ko ang gate ng bahay ay agad akong pumasok sa loob. Sobrang dilim. Walang tao. I knew it, everyone's asleep.
Naglakad ako patungong kusina at ininom ang gatas na nakalagay mula sa refrigerator. Pagkatapos ay dumiretso na ako ng kwarto.
"What's up, dickhead." Bati ko kay Aaron. It's my stuffed toy, a skull. I named it Aaron so i can just throw some curse words at him whenever i think of Aaron, the bully at school.
"Yeah, that's right. You shut up." Sabi ko habang hinuhubad ang costume. Napailing na lang ako at tinanggap na nagsasalita ako sa isang bobong hindi gumagalaw na bungo.
Napaupo na lang ako sa higaan at napatulala sa bintana.
"What the fuck." I whispered. The dancing trees reminds me of what happened on that house a while ago. It's giving me the creepy vibe again, and also because my room is dark and the lights are off.
Again, umiling na lang ako at sinubukang kalimutan ang mga nangyari. Humiga na ako and covered myself with a blanket.
I closed my eyes. There's still some thoughts running in my head. Pinipilit kong makatulog. I tossed and turned and still couldn't sleep.
Siguro dahil sa kakaiba kong nararamdaman sa bintana habang nakaharap doon even if i'm closing my eyes. Kaya i faced the other side at tumalikod sa bintana.
Minutes later, i finally fell asleep. Hanggang sa magising muli mula sa isang tunog. It's bothering me because it sounded like a moving tree. I knew it was from outside the house kaya hindi ako gumalaw, binalewala ko na lang ito at sinubukang makatulog ulit.
"H-H-Haaa—" Bigla akong napabangon sa higaan bago pa lang makabuo ng isang salita ang bumulong.
I was about to ask kung sino ang bumulong dahil walang iba ang kayang magbiro sa 'kin non kundi ang kapatid ko. Sapagkat nang nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto, walang iba ang umagaw ng atensyon ko kundi ang sofa na aking inuupuan. Nakaupo ako sa sofa?!
Napagtanto kong kanina pa pala ako nakahiga sa isang sofa. Sa isang madumi at lumang sofa. Halos mapatulala lang ako at medyo natagalan bago mag register sa utak ko ang nangyayari. "What the f**k? What the f**k!" Tumakbo ako papalabas ng aking kwarto at pumunta sa kwarto ng kapatid ko. "Michael!" Malakas kong sigaw. Pagbukas ko ng ilaw ng kaniyang kwarto, wala akong ibang nakikitang gamit kundi ang iisang madumi at lumang sofa na nakalagay sa pinaka gitna ng kwarto. "s**t!" Hindi na ako nagbalak na i-check ang susunod na kwarto at tumakbo na agad ako papalabas ng bahay habang sumisigaw.
"Tulong!" Paulit-ulit kong sigaw.
Nang nakalabas na ako ng bahay at medyo nakalayo na, muli kong ibinalik ang tingin ko sa bahay. Nagsibukasan lahat ng mga ilaw.
Lumabas mula sa pinto ang kapatid kong si Michael habang nakangiti, mabagal itong tumingin sa 'kin at kumaway.
"AAHH!! F-f**k!" Tumakbo na ako papalayo sa bahay at itinuon na lang ang tingin sa isang madilim at tahimik na kalye.
~-~=~-~
LORIE
Nakaupo ako sa aking higaan habang nagtitipa sa aking laptop nang bigla akong makarinig ng boses na parang may nag-uusap sa labas ng bahay. Hindi ko ito pinansin, ngunit mga ilang segundo ay bigla ko ulit itong narinig pero ngayon, pangalan ko na ang tinatawag.
"Lorie!"
Kumunot ang noo ko, sino 'yon? Isinantabi ko muna ang aking laptop, mabagal akong tumayo sa higaan at sumilip sa bintana. Pagsilip ko, nakita ko sina Caster at Raf. Bigla silang kumaway nang mapansin nilang sumilip ako.
Binuksan ko ang bintana ng aking kwarto at pinapasok ang dalawa. Nagbakod muna ang dalawa bago makapasok sa kwarto.
Napansin kong hingal na hingal silang dalawa na tila akala mo ay hinabol ng halimaw.
I gave them some time to catch their breath at para na rin makapagkwento sila ng maayos kung ano man ang kailangan nilang sabihin sa 'kin.
After a few seconds, hindi napigilan ni Caster na magsalita.
"Putang ina pre, buti hindi ko nabali buto ko pagtalon ko sa second floor ng bahay namin." Sabi nito sa katabi na si Raf.
"Sandali lang, bakit kayo nandito? Akala ko nagsi-uwian na kayo?" Tanong ko sa kanila.
"S-Safe ba dito? Sure ka ba na ikaw si Lorie? Ha?" Sabay ang sampal sa 'kin ni Caster ng mahina sa pisngi. Binawian ko ito at hinampas ko siya sa kaniyang braso.
"Good." Nakahinga ito ng maluwag pagkatapos.
"Tinatanong ko kayo, bakit nga kayo nandito? At bakit hindi niyo kasama si Viel?" Muli kong tanong sa kanila.
"Hindi mo ba naiintindihan?! Hindi mo ba naiintindihan kung bakit kami nagkakaganito, Lorie?!" Halos mangiyak-ngiyak si Raf sa takot. Ano bang nangyayari sa kanila? Palakad-lakad lang si Raf sa kwarto habang nakapamewang.
Nilipat ko ang tingin ko kay Caster. Kumpara kay Raf, mas kalmado lang si Caster ngunit makikita mo sa kaniyang mukha ang pagkakaba.
"Sandali lang, wala ka bang naramdaman na kahit ano simula nang makauwi ka, Lorie?"
"Wala. Bakit?" Pagtaka ko.
"Kaming dalawa ni Raf, nagparamdam sa amin si Miranda."
"P-Papaano?"
"Bakit ba kasi natin ginawa yun?! Masamang espirito yung nagising natin pre!" Parang naiyak na ang mukha ni Raf kaso nga lang wala akong nakikitang luha sa mga mata niya. They're probably in shock.
Napatulala na lang ako sa isang direksyon nang marealized ko na din ang nangyayari. Papaano na ang iba naming kasama?
"Papaano na yung iba? Si Viel, Kieth at Sam?"
"s**t, s**t! Ayoko na ulit lumabas at maglakad-lakad diyan sa kalsada! Pakiramdam ko parang anytime kukunin ako ni Miranda." Kabadong sabi ni Raf habang nakaupo sa tabi ng kama ko at yakap-yakap ang kaniyang tuhod.
"Pero kailangan nating malaman pre kung okay sila! Baka sa atin, nagparamdam lang si Miranda. Eh sa kanila? Baka kinuha na silal!" Galit na sabi ni Caster.
"Sige, Raf. Stay ka lang diyan sa kwarto, kami nang bahala ni Caster." Muli kong binuksan ang bintana ng aking kwarto at ako na ang naunang lumusot.
"Diyan ka lang Raf ah." Pahabol ni Caster.
"H-Ha? San kayo? Iiwan niyo ko mag-isa? A-Ayoko dito baka kunin ako dito ni Miranda." Mabilis itong tumayo mula sa pagkakaupo sa lapag.
Napailing na lang si Caster. "Sabog ka talaga kahit kailan."
Pinuntahan namin ang bahay ni Samantha. Wala siya doon dahil ang sabi ng tatay niya sa kabilang bahay daw nila matutulog si Sam. Nandoon kasi ang mama niya. Magkahiwalay ang magulang ni Samantha.
Naglalakad na kaming tatlo ngayon sa tahimik na kalye, napapansin kong pili lang ang mga gumaganang ilaw sa kalye na nadadaanan namin kaya naman hindi maiwasang lumingon ni Raf sa tuwing napupunta kami sa madilim na daan.
Ako ang nakapagitna sa 'min at nasa left ko si Caster, ang nasa right side ko naman ay si Raf. May parte na hindi ko pa rin maregister sa utak ko ang buong pangyayari. Kaya naman naisipan ko na magtanong ulit sa kanila.
"Papaanong nagparamdam sa inyo si Miranda?" Tanong ko sa kanila.
"Yung hawak-hawak kong suklay kanina sa nakakatakot na bahay ni Miranda, nandoon sa drawer ko." Sabi ni Caster sa gilid ko.
"Yung sofa naman na inupuan ko sa bahay ni Miranda, nasa kwarto naming dalawa ni Michael." Sabat ni Raf.
"B-Bakit ako, bakit walang nagparamdam sa 'kin?" Tanong ko sa kanila.
Bigla akong nakaramdam ng lamig sa paligid. Yakap-yakap ko ang sarili ko habang nakatingin lang sa dinadaanan.
Napansin kong masyado na silang busy para masagot pa ang tanong ko. I asked too many questions kasi. Hanggang sa bigla akong sampalin ng malakas na hangin. Napatakip na lang ako ng mukha. Biglang nag iba ang pakiramdam ko sa lugar na kinatatayuan ko ngayon. Pakiramdam ko ito na 'yon. Pakiramdam ko nandito na si Miranda.
"Guys bilisan niyo na maglakad." Utos ko sa kanila. Walang tumugon ni-isa sa kanila kaya naman napalingon ako.
"G-Guys?" Mahina kong sabi.
"Oh my god." Nanigas ako bigla sa kinatatayuan ko. Kanina pa ako nagsasalita, wala na pala akong kausap. Wala na yung dalawa kong kasama.
"Oh my god, oh my god!" Sinimulan ko nang pagalawin ang mga paa ko at tumakbo ng mabilis. Ilang street light din ang nadaanan kong gumagana bago ako tuluyang makarating sa madilim na kalye.
Habang tumatakbo, may napansin ako. Kahit anong takbo ko parang pabalik-balik lang din ako. Natatakot na ako halos parang puputok na yung puso ko sa sobrang kaba. Nasaan na ba yung dalawa?!
Napag-isipan ko munang huminto at habulin ang hininga ko. Napahawak ako sa tuhod ko habang nililibot ang paningin sa paligid. Bigla akong napatulala sa isang direksyon nang mapagtantong huminto pala ako sa tapat ng bahay ni Miranda.
B-Ba't nandito ako?!
Nakarinig ako bigla ng bulong mula sa likod.
Kaya naman mabagal kong inikot ang aking ulo.
Nanlaki bigla ang mga mata ko.
N-Nakangiti siya sa 'kin..
S-Si Miranda..
~
"Lorie! Lorie! Naririnig mo ba ako?! Lorie!"
"Sampalin mo nga pre baka magising."
"Tarantado ka ba? Ikaw kaya."
"Sinong tarantado? Sinisigawan mo siya sa tainga baka pag nagising yan wala na 'yang marinig."
"Lumayo ka nga sa 'kin di ka nakakatulong."
Bumangon ako sa pagkakahiga na tila parang umahon ako mula sa pagkakalunod. Unang-una kong nakita ay ang mukha ni Raf na galit na galit na nakatingin kay Caster.
"G-Gising na siya." Rinig kong sabi ni Caster.
"Tignan mo, nagising siya dahil sa boses mong hayup ka." Sabat ni Raf.
"Is that a compliment?"
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at siniguradong wala ako ngayon sa tapat ng bahay ni Miranda. Ang nakita ko lang ay ang mukha ng dalawa at ang mga bahay-bahay na puro carved pumpkin sa tapat ng mga pinto ng kanilang mga bahay. Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos.
Wala man lang umalalay sa 'kin kaya naman itinayo ko na lang ang sarili ko.
"Anong nangyari sa'yo, Lorie?" Tanong ni Raf.
"S-Si Miranda. Nagparamdam na sa 'kin si Miranda." Biglang nagtinginan ang dalawa.
Muling bumilis ang t***k ng dibdib ko nang maalala ko ang nangyari.
"Anong nangyari sa 'kin?" Tanong ko sa kanila.
"N-Naglalakad tayo tapos bigla ka nalang huminto. Sampung segundo kang nakatayo habang nakatitig lang ng diretso tapos bigla ka nalang bumagsak."
Oh my god.
Hindi na ako nagtanong pa and i demanded them na ipagpatuloy na lang ang paglalakad.
Magkakadikit na kami ngayon hindi katulad ng kanina na magkakalayo. Naglakad kami ng naglakad hanggang sa marating namin ang street ni Kieth. Bago pa kami makalapit sa bahay nila. Nakikita na namin si Kieth sa tapat na nakaupo, nanginginig at yakap yakap ang kaniyang mga tuhod. Suot niya pa rin yung costume niyang butiki.
Mabilis kaming tumakbo papapunta kay Kieth at nang hawakan siya ni Caster ay bigla itong nanginig sa takot.
"Kami 'to, Kieth. Kieth!" Said Caster.
"He's in shock pare." Dugtong ni Raf.
"Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ni Caster.
Nakatulala lang sa iisang direksyon si Kieth.
"Uy, uy!" Tinutulak tulak ni Caster si Kieth samantalang si Raf naman ay pinagsasampal sampal si Kieth. "Anong nangyari sa 'yo!?" Dugtong pa nito.
Napatingin bigla sa amin si Kieth at kita sa kaniyang mukha ang realization na kami na ang nakapaligid sa kaniya.
"K-Kandila. P-Puro kandila sa.. sa bahay."
Sabay-sabay kaming napatingin sa direksyon ng bahay ni Kieth.
Wala namang kandila. Sigurado akong nagparamdam na din sa kaniya si Miranda.
Inalalayan ng dalawa tumayo si Kieth at umalis na kami sa bahay niya. Sinimulan na ulit naming maglakad. Kailangan na naming mapuntahan si Sam at si Viel. Sana walang mangyari sa kanila.
Nakatulala pa rin si Kieth habang naglalakad. Nakakapagsalita na nga siya kanina eh, ngayon kahit mabuksan lang yung bibig niya eh hindi niya na magawa. Yung dalawa kasi pinagtripan pa si Kieth. Pinipilit nilang dalawa iharap si Kieth sa bahay eh kita naman nilang sobrang natatakot na siya.
Tatlong kalye lang ang nadaanan namen bago kami salubungin ni Viel sa daan. Hingal na hingal ito at pawis na pawis.
"B-Ba't magkakasama kayo? Ba't di niyo ko pinuntahan sa bahay?!" Pagalit nitong tanong.
"Pupuntahan ka pa nga lang namin eh." Sagot ni Raf. "Bakit anong nangyare sa 'yo?" Dugtong pa nito.
"Nagparamdam sa 'kin si Miranda." Mabagal niyang sabi. Takot na takot ang mukha niya. Katahimikan lang ang pumaligid sa 'min pagkatapos niyang magsalita.
"Oh, bakit parang hindi kayo nasurprised? Guys, nagparamdam sa 'kin si Miranda!"
"Yeah, that's why we're here dahil nagparamdam na rin sa 'min si Miranda." Sabat ko. "And that's why kailangan nating magsama-sama para maiwasan siya." Dugtong ko pa.
"Y-Yung mama ko.. Yung mama ko wala siya sa tamang pag-iisip."
"Si Tita Vinna?" Tanong ko.
"Sundan niyo ko."
Inunahan ni Viel ang pagtakbo at wala pang dalawang minuto narating na agad namin yung bahay niya. Si Kieth napapansin kong medyo okay na dahil sa mukhang nililikha niya na medyo worried at aware na siya sa mga nangyayari.
Si Viel lang ang nangunguna mula sa pagpasok ng gate hanggang sa pagbukas ng pinto. Pagdating naman sa loob, sabay-sabay na kaming pumasok at ang sumalubong sa 'min ay ang madilim na paligid. Si Caster na ang nagboluntaryong magbukas ng ilaw.
"Ma? Mama?!" Sigaw ni Viel.
Walang gumalaw ni-isa sa 'min at nakatayo lang kaming lahat sa likod ng pintuan.
"Ma? Mama!" Paulit-ulit na sigaw ni Viel.
Biglang namatay ang ilaw. Nagsigawan sila Caster, Raf at Kieth kasama na rin si Viel na halos tili na ang sigaw.
Mabilisang tumakbo si Caster para muling buksan ang ilaw ng bahay. Pagbukas ng ilaw, napatitig kaming lahat sa iisang direksyon.
Lahat kami ay nakatulala at nakatingin sa ceiling.
S-Si Tita Vinna nasa ceiling, nakasabit habang nakatingin sa 'min at nakangiti.
"Holy s**t, Viel. Sure ka nanay mo 'yan?" Rinig kong bulong ni Raf.
-End of Chapter-
[12/23/19]