Sabi ni Cole, malamig ang boses habang papalapit. “What are you doing?” Habang naglalakad siya papunta kina Nadia at Jaden, para bang ang buong paligid ay biglang natahimik. Si Jaden naman ay nanlaki ang mga mata, nakanganga, halos mahulog ang panga habang sinusundan ng tingin ang bawat hakbang ni Cole. “Friend…” bulong nito kay Nadia, nangingislap ang mga mata. “Kung ganito kagwapo ang na-scam ko, Diyos ko, araw-araw ko na lang siyang ii-scam!” Inikot ni Nadia ang mga mata, halatang inis. “Bumalik ka pa rito? At wala kang pakialam kong ano gagawin ko. Bahay ko, to.” Tumaas ang kilay ni Cole, malalim ang tingin sa kanya. “I stay here so I come back. And I also have rights to this house…” bahagyang tumigil, at madiin ang huling salita, “…because you paid it with my money you scammed fro

