Chapter 8 - Inspirasyon

1394 Words
Nagtataka si Nadia kung bakit ang tagal buksan ng Tita Lalaine niya ang gate. Siguro ay nakatulog na ito. Pinagbuksan naman siya. Wala ito sa mood. At hindi umiimik. Nagpasalamat naman siya ng pinagbuksan siya. Deretso siya sa kwarto niya. Binuksan niya ang ilaw ng silid niya. Nagulat siya bakit parang ang kalat ng mga papel sa table niya. Alam niya kasi bago siya umalis ay inayos niya ang mga ito. Hindi naman pwedeng liparin ng hangin dahil sarado naman ang bintana. Kaya inayos niya na lang. Napansin niya rin na may mga papel sa sahig. Dinampot niya na lang din ang mga ito. Kinabukasan ay maaga siya ulit gumising. As usual routine na niya magluto, maglinis, magligpit. Tapos pasok sa trabaho. Around lunch break ay nagsaglit siya para bayaran ang mga bills na malapit ng ma-disconnect. Kinahapunan sa faculty room ay nagkaroon ng meeting. Merong seminar ang mga teachers sa baguio ng 2 days. Professional Development Seminar. Byernes pa lang daw ng gabi ang alis nila. Kaya kinagabihan nagsabi na siya sa Tita Lalaine niya na mawawala siya ng dalawang araw. Dahil sa seminar. Mukhang excited pa ang Tita niya na mawala siya ng dalawang araw. Tinanong kaagad siya ng mag-ina kung kelan iyon habang kumakain sila sa hapag ng hapunan. "Kelan ba ang alis ninyo." Tanong ng Tita Lalaine niya. "Sa byernes pa naman po." Sagot niya. Parang ang lawak ng mga ngiti ng mag-ina. Kaya hindi na lang pinansin ni Nadia ***************************************** "Yes, tayo na, Cole. 😘" Reply ni Nadia kay Cole. Kaya may mga ngiti sa pisngi ni Cole ng pumasok ng opisina niya. Nadatnan niya ang pinsang si Robert na nasa loob na ng office nito. "Good morning, Cole." Napansin nito na malawak ang ngiti ng pinsan. "You seems so happy today?" Hindi siya nagsalita. He decided to keep it a secret for now. Wala muna makakaalam na meron siyang online relationship. "Bakit hindi ba pwedeng ngumiti at sumaya? Why are you here? Nasa iyo na yong secretary ko. So, I am sure, nakapag-bombahan ka na niyan." "I am here, of course, kinukumusta lang kita. And for the business." Inabot ni Robert kay Cole ang folder. "Here. That’s the report from Singapore, Hong Kong, and the Philippines. Pakireview muna before the board meeting." Tahimik na tinanggap ni Cole ang folder. Binuklat niya ito habang nakakunot ang noo, mabilis na sinuyod ng mata ang bawat pahina. "Mukhang kumpleto naman," sabi ni Cole, pero may bahagyang pag-aalinlangan sa boses niya. "Wait..." Tumigil siya sa isang bahagi ng report at muling binalikan ang unang pahina. Napansin agad iyon ni Robert. "May problema?" "Medyo may discrepancy sa figures ng site operations sa Manila at sa shipping records ng Hong Kong. Hindi nagtutugma sa reported revenue ng Singapore branch." Muling sinara ni Cole ang folder at tumingin kay Robert. "Kailangan mong i-verify 'yan mismo sa site," seryosong sagot ni Robert. "Masyadong sensitibo ang data, and the board won’t take this lightly." "Kailan ang board meeting?" "Next week. You still have time, pero kailangan mong pumunta sa tatlong sites—Singapore, Hong Kong, at Manila. Start with Manila. Doon pa lang may malakas nang alingasngas." Napabuntong-hininga si Cole. Tumayo siya at sinilip ang city skyline mula sa bintana ng opisina. "Looks like my week just got interesting," mahina niyang bulong, bago muling humarap kay Robert. "Better move fast, Cole," paalala ni Robert. "This isn’t just about numbers anymore. Someone might be trying to sabotage the company... or you." Pabor kay Cole. lalo na kung pupunta siya sa Manila. Ma-memeet niya si Nadia ng personal. But before that he need to settle muna ng problema sa NYC. Kinagabihan, nakatanggap ng mensahe si Cole mula kay Nadia. "Hi babe. How's your day? 😘" Napangiti si Cole. Sa dami ng stress na dinanas niya buong araw, parang nawala lahat nang mabasa niya ang simpleng mensahe mula sa bago niyang inspirasyon. Agad siyang nag-reply. "Super stressful, to be honest. Pero nawala lahat nang nag-message ka. That’s why I’m dying to see you now. Can we have a video call?" Naalala niya ang sinabi ni Robert na kailngan niya mag visit sa site sa Manila. Pero hindi niya muna sasabihin kay Nadia. Gusto niya surprisahin ito if ever makapunta siya sa pilipinas. "I'm sorry, Babe. Not now. I am so busy. Remember, nasa school ako? I will tell if pag-magbukas na ako ng video call." "I miss you, already. I want to see you. Please?!" Nag-send pa ito ng emoji na nagpapaawa. "Babe! Later promise." Nagsend naman ito ng heart at kisses. Wala nagawa si Cole kundi mag-antay. Nakatulog siya. Nagising na lang siya ng mga around eight ng umaga. Parang wala siyang balak pumasok. Gusto niyang humiga ng buong araw sa penthouse niya. Kaya tinawagan niya ang bagong secretary niya na to cancel all his meetings sa araw na ito. Sinabi niya na his not feeling well. Pero ang totoo, inaabangan niya lang ang tawag ni Nadia. Kasi gabi ngayon sa pilipinas. Malamang nasa bahay na ito. Kaya nag-aantay siya. Wala pa kasi mensahe ang babae. Pabaling-baling siya sa higaan. Hindi na siya nakatiis at siya na ang nag message rito. "Babe, I am so lonely. I am waiting for you." Aniya. Matagal bago pa makatanggap ng response si Cole from Nadia. Napaupo na siya sa kama at napasandal sa headboard ng bed ng makitang may message ito galing sa babae. "I am so, sorry Babe. Nagkaroon lang ako ng problema." tapos may sad emoji ito. Nagtaka naman si Cole. Nag-alala. "Why? What happened? What's wrong?" "I don't want to talk about it. Lalo ako na-iistress." "Why? You can tell me. Baka makatulong ako." Ani Cole. "No, Babe. Ayoko madamay ka sa mga problema ko." "What if we talk. I will call you now." Biglang nag-send si Cole ng voice call request. Saglit na naghintay siya, umaasang sasagutin ito ng dalaga. Ilang rings… wala pa rin. Napabuntong-hininga siya at nag-type ulit ng mensahe. "Babe, please. I'm worried. Just let me hear your voice. Kahit sandali lang." May typing indicator na lumitaw. Natuon ang atensyon ni Cole doon. Maya-maya’y may reply na dumating. "Sorry, Cole. Hindi ko kaya makipag-usap ngayon. I just need time to think." Napakunot ang noo ni Cole. Lalong sumidhi ang kaba at pag-aalala. Gusto niyang malaman kung anong nangyari. May problema ba sa pamilya nito? Sa trabaho? Nag-reply siya ulit. "Okay. I’ll give you time, but I want you to know na nandito lang ako. Kahit anong oras. You’re not alone, okay? I care about you." Nag-seen lang ang dalaga. Walang sagot. Hindi na kinulit ni Cole si Nadia. Ayaw niyang maging pushy. Tumayo na lang siya mula sa kama, mabigat ang pakiramdam, at nag-unat ng bahagya. Naka-boxer shorts lang siya, kaya ramdam niya ang malamig na simoy ng aircon na tumatama sa balat niya. Tahimik siyang naglakad papunta sa kusina. Binuksan niya ang ref. Kumuha ng malamig na tubig at dahan-dahang uminom. Sumandal siya sa counter. Napatingin sa digital wall clock — mag 9 na ng umaga. Hindi pa siya nagugutom. Kaya bumalik na lang siya sa kwarto at humiga ulit. Kinapa ang cellphone sa higaan. Nakita niya na may message sa screen si Nadia. Kaya dali dali naman niya itong binuksan ang message. "Sorry, Babe kung pati ikaw nag-aalala. I know we just met. We just met online. Hindi mo pa ako lubusang kilala. Ang alam mo lang I am a teacher. At ang alam ko lang din ay isa kang engineer. We barely know each other." Saglit na tumahimik si Cole matapos basahin ang mensahe. Napalunok siya ng laway, pilit inaayos ang damdaming parang unti-unting hinihila sa uncertainty. Pero hindi siya nagdalawang-isip na mag-reply. "Totoo 'yan, Babe. We barely know each other... pero alam mo, sa bawat araw na kausap kita, pakiramdam ko, unti-unti na kitang nakikilala. At hindi ko alam kung paano nangyari, pero mahalaga ka na sa’kin." Ramdam niya ang kaba. Hindi niya alam kung nasabi ba niya 'yon nang masyado pang maaga. Pero totoo naman. "I don't care if we met online. I don’t care if I only know what you choose to show me. What matters is... I'm here. I'm here to listen." Sandaling napaisip si Cole, saka nag-type muli ng huling linya. "Just don’t push me away, Nadia. Kasi kahit hindi pa kita lubos na kilala… I already like you. I want to know more about you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD