Hindi na makapalag si Nadia sa bigat ng pagkakadagan ni Cole. At tila ba pinaglalaruan pa siya nito—dahil habang mas lalo siyang nagpupumiglas, ay lalo namang humihigpit ang pagkakakulong niya sa mga bisig ng lalaki. Napasinghap siya nang marinig ang boses nito, paos at puno ng lambing na may halong tukso. “It’s too early, hmm?” bulong ni Cole, nakapikit pa pero may pilyong ngiti sa labi. “Ang aga mo kasi nagising… ayan tuloy, nakaramdam ako ng init dahil sa’yo.” Nanginginig ang dibdib ni Nadia sa kaba at inis. “Cole, bitawan mo ako.” pinilit niyang gawing matatag ang boses, kahit ramdam niya ang pamumula ng kanyang pisngi. Ngunit imbes na sumunod, mas lalo pa siyang diniinan ni Cole, nakayuko ito, halos dumikit ang labi sa gilid ng kanyang mukha. “Why would I let go…” aniya, malalim

