Chapter 3 - Online

1314 Words
Alas siyete na ng gabi ng makauwe si Nadia. Pagpasok niya sa loob ng bahay ay bumungad agad sa kaniya ang Stepmother nitong si Lalaine. Nakaupo ito sa sala nakataas ang isang paa habang nag-pepedicure ng kuko niya. "Bakit ngayon ka lang dumating. Wala pang pagkain rito." "Pasensiya na po. May tinapos pa kasi ako sa school. Magsasaing na lang po ako. May binili naman po akong lutong ulam." Aniya. "Sige bilisan mo at gutom na kami. Kanina pa kami nag-aantay sa iyo, no." Patuloy lang sa pagpepedicure ang ina-inahan niya. Dumeretso na siya sa kusina. At inilapag niya muna ang kaniyan bag at mga filder na laman ng mga test paper ng mga estudyante niya. Tapos sinalin niya sa mangkook ang dalang ulam. Pagkatapos ay nagsalang ng sinaing sa rice cooker. Habang nag-aantay na maluto ang kanin ay pumasok na siya sa kwarto niya at nagpalit ng damit. Inayos niya muna ang mga test paper. Maya-maya ay binalikan na niya ang sinalang na kanin. Luto na ito. "Okay na po yong kanin. Luto na po." Sabi niya sa madrasta. "Katukin mo nga si Bridget sa kwarto niya." Utos nito. Tumalima naman siya. Kumatok siya. Kwarto niya ito dati. Nang dumating kasi sa buhay nila ang mag-ina ay pinalipat siya ng kwarto. Sa isang kwarto ng katulong nila. Pinalinis ito ng Papa niya pinaayos para sana kay Bridget. "Ma, ayoko ko doon. Kwarto pala ng katulong iyon, e." Maktol na sabi ni Bridget. "Iha, maayos naman iyon. Kasinglaki din naman ng kwarto ni Nadia iyon." Sabi ng Papa ni Nadia. "No. Di ba dapat dahil anak niyo na rin ako rito dapat pantay lang kami ni Nadia." "Oo naman, iha." "O, dapat si Nadia ang nandun. Dapat siya ang magbigay. Dahil bago lang kami rito." Habang nakahalukipkip ang mga braso ni Bridget. "Oo nga naman, Manolo." Dagdag pa ni Lalaine. Napatingin si Manolo sa anak. Kinausap niya ito. "Anak. Pwede bang magpalit na lang kayo muna ni Bridget ng room?" "Pa, kwarto ko po iyon." "Alam ko, anak. Pabigyan muna natin si Bridget, okay." Pagsusumamo ng ama. Kaya wala nagawa si Nadia. Kaya siya ang lumipat. Araw-araw ng simula ng tumira ang mag-inang iyon ay halos sila na ang priority ng ama. Nagkaroon siya ng hinanakit sa ama. Pero inintindi niya nalang ito. Nang magkasakit nga ang ama niya, ay hindi man lang ito inasikaso ng madrasta. Ni hindi man lang sumilip sa ospital. Ni hindi man lang dumalaw. Ang masaklap pa ng mamatay ang ama. Ay pinamanahan pa ito. Kahit na halos bagsak na ang negosyo nila. Ang utang ng ama ang namana ni Nadia. Siya ang nagbabayad nito ngayon. Gusto niya man palayasin ang mag-ina, hindi niya magawa. Dahil iyon ang pakiusap ng ama bago mamatay. Tok, Tok, Tok! "Bridget, Bridget. Kakain na tayo. Nakahain na." Nakarinig lang siya ng konting kaluskos sa loob ng silid. Kumatok siya ulit. "Bridget......!" "Ano ba......naririnig kita!" Sabay bukas ng pinto. "Kakain na." Bahagyang nakaawang ang pinto ng dati niyang silid kaya napasilip siya. Nahagip ng mata niya ang monitor ng laptop ni Bridget na nakabukas at nakita niyang may taong nakahubad doon. Kaya napalaki ang mata niya. Biglang sinara ni Bridget ang pinto. At tinaasan siya ni Bridget ng kilay. Nakasuot ito ng manipis na damit pambahay. Halos kita na ang buong dibdib. Nakapanty lang din ito ng lumabas ng kwarto. Nauna na siyang naglakad papunta sa hapag kainan. Nauna na siyang kumain. Narinig pa niyang nag-uusap ang mag-ina sa sala. Parang nagbubulungan. Pagkatapos ay naghagikgikan. Nakatapos na siyang kumain. At hinugasan na niya ang sariling plato saka pumasok sa loob ng kwarto niya. Binuhos niya ang oras sa pag-checheck ng mga test paper ng kaniyang mga eatudyante. At pagkatapos ay natulog na siya. ******************************************* Nadia: "Hi. I am doing fine. What about you?" Sagot ng babae. Kaya parang nataranta si Cole. Cole: Actually, it's eight in the morning here in NYC." Send. Nagreply naman agad ang kausap. Nadia: "Oh, really? Your in New York?" Cole: Yes. Nadia: Here in Philippines, it's already eight pm." Napangiti si Cole. May naramdaman siyang kiliti sa puso. Nadia:"Ahm, Cole... can I talk to you later or maybe some other time? I’m a bit busy right now. Sorry..." Cole: "Of course, no problem. I understand. Take care, Nadia." Ilang saglit siyang nanatiling nakatitig sa screen ng kanyang cellphone, parang umaasa pa rin na may kasunod pang mensahe. Pero wala. Napabuntong-hininga si Cole, ngunit may bahagyang pananabik siyang nararamdaman. Sana makausap ko ulit siya. Pumasok na siya sa silid niya at nagsimulang magbihis. Pinili niya ang paboritong charcoal suit, sinamahan ng puting polo at navy tie. Pagkatapos mag-ayos, sinulyapan niya muli ang cellphone— Muli siyang ngumiti. It’s fine. Pagkababa sa penthouse, sinalubong siya ng malamig na hangin mula sa driveway. Sumakay siya sa itim na sports car at pinaharurot ito patungong opisina. Habang nagmamaneho, nasa isipan pa rin niya ang babae. Sa loob-loob niya, hindi man niya inaasahang mararamdaman muli ang ganitong klase ng excitement... pero sa isang estrangherang katulad ni Nadia, tila may bago. Pagkarating sa opisina, diretsong pumasok si Cole sa private elevator. Pagkalabas ng elevator ay deretso siya kaagad sa opisina niya. Pagkaupo sa executive desk, binuksan niya ang laptop at sinimulan ang pag-review ng mga contracts para sa investors sa Singapore. Subalit bago pa man siya makapag-type ng kahit ano, biglang tumunog ang cellphone niya. Isang mensahe mula sa app. “Hi. Cole. Sorry, I’m free now. ” — Nadia Napakunot ang noo niya. Parang... biglaan. Hindi ba’t kanina lang ay nagpaalam ito? Sinabi pa ng babae na busy siya. Pero eto — bumalik agad? Umiling si Cole. Pero na-eexcite. May kakaibang naramdaman— may spark, may kiliti sa puso — hindi niya dapat hayaang maging marupok. Kaya ipinikit niya sandali ang mga mata, huminga nang malalim, at muling itinukod ang siko sa mesa. Kinuha niya ang phone at sinagot. "Hey. I thought you were busy." Ayaw niyang umasa. Ayaw niyang maging biktima ng sariling damdamin. Pero kahit anong gawin niya, hindi niya mapigilang bumaling sa screen muli... naghihintay ng sagot. Kaya ibinaba niya ang cellphone at tinutok na lang ang atensyon sa laptop sa harap niya. Pinilit niyang bumalik sa spreadsheet ng quarterly projections, pero kahit anong pilit... sa pagitan ng mga numero, bumabalik pa rin ang mukha ni Nadia sa isip niya—doon sa maliit na profile picture sa app. Stop it, Cole. Tumayo siya mula sa desk at lumapit sa bintana ng opisina. Tanaw niya mula roon ang Manhattan skyline— Nang bumalik siya sa mesa, may notification na. Nadia: "Yeah, sorry about earlier. Things just got hectic. But I’m good now." Napangiti si Cole—hindi ‘yung simpleng ngiti lang. Kundi ‘yung may bahid ng saya, may kilig, may interes. Kinuha niya ulit ang phone, at sa halip na isang simpleng reply lang, nag-type siya ng mas mahaba… "I’m glad you’re okay. You mentioned you were busy — are you a teacher, Nadia?" Pagkasend, sinundan niya ito agad. Hindi na siya nagpigil. "I know we just started talking, but I’d really like to get to know you better. You have a very calming presence…" Bahagya siyang natawa pagkatapos i-send ang huling message. Nagtagal siyang nakatitig sa screen. At habang naghihintay, napatingin siya sa profile photo ng babae. Maamo ang mukha. Walang arte. Natural ang ganda. Isang bahagi ng puso ni Cole ang gustong umasa. What am I doing? Bakit parang ako pa ang sabik makipag-usap? It's just a chat. Pero kahit anong rason ang pilit niyang ibato sa sarili, hindi niya maitanggi—interesado siya. Interesado siya sa babaeng ngayon pa lang niya nakausap. Nadia: "Yes, I’m a public school teacher. Grade 2 students. Medyo makukulit pero mahal ko sila." 😊 Napangiti si Cole. Muli niyang binasa ang message.Napahilig siya sa sandalan ng upuan. Hindi na niya kailangang pilitin ang sarili. Gusto na talaga niyang makilala si Nadia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD