ANA MAE Alan-una ng tanghali dumating ako sa Iloilo airport, paglabas ko ng airport. Sumakay ako kaagad ng taxi at nagpahatid sa Western Hospital.Habang nasa byahe na kami, panay ang dasal ko na maging maayos lang ang kalagayan ni Kuya. Dalawang oras ang byahe sa wakas nakarating na rin kami sa hospital. Nagbayad ako Manong driver at nagpasalamat bago lumabas ng kanyang taxi. Pumasok ako kaagad sa ospital at lumapit sa information center para magtanong kung saan ang pasyente. Sinabi ko ang pangalan kung sino ang pasyente ko. Pinahintay ako saglit ng nurse dahil tiningnan pa sa computer kung saan ang aking kapatid. Nang makita at sinabi ng nurse kung saan ang kapatid ko. Nagpasalamat muna ako bago umalis at mabilis na pinuntahan kung saan ang kapatid ko. Pagdating ko sa ICU INTENSIVE CARE

