ANA MAE "Sinasabi mo ba Mr. Enriquez na ready ka na, na magpakasal kayo ni Ms. Girly? Kaya pinuntahan mo siya dito sa U.S. Totoo ba na sinurpresa mo talaga siya kaya hindi ni Miss Girly nalaman na pupunta ka? Dito niyo ba balak magpakasal o sa Pilipinas Mr.Enriquez?" Tanong ng media kay James. Ngumiti si James habang nakatingin kay Girly bago humarap sa media. "Yes! Actually last month ko pa sana siya pupuntahan dito. Kaya lang Marami pa akong tinapos na trabaho sa Pilipinas. Kaya nang matapos ko, kaagad akong pumunta dito para bisitahin ang fiancee ko. I really miss her kaya I surprised her. Saka yes we're getting married pagkatapos ng kanyang kontrata. Pinayagan ko na siya nuon. Kaya babe it's time na ako naman pag bigyan mo ng iyong oras." Wika ni James. Parang sinaksak ng pinong-pi

