ANA MAE "Congratulations Anne! Ang swerte mo talaga sa restaurant Anne saka ang pangalan na Kuya's Pogi Restaurant parang may kakaibang karisma sa mga costumers natin. Isang linggo pa lang nakabukas ang restaurant mo. Halos hindi magkamayaw ang mga waiter dahil sa dami ng mga costumers mapa kabayan man natin o taga rito." Magiliw na sabi ni Melody at Ande. Simula kasi kanina ng alas sais ng umaga hanggang ngayon na alas onse na ng umaga hindi pa kami nakapag pahinga dahil sa daming mga costumer na dumating. Kung may lalabas may pumapasok naman. Maaga nga kami nag-umpisa para maaga kaming makatapos mag luto. Pero hanggang ngayon alas onse ng umaga hindi pa kami nakatapos mag luto. Napaka swerte ko nga dahil maraming costumer ang nagustuhan ng mga menu namin. "Maraming salamat Mel, An. M

