Halos hindi ako natulog dahil sa pag-iisip. Pag-iisip kung nagiging selfish na nga ba ako? Gusto ko akin lang si Xian, gusto ko ako lang. Alam kong mali iyon pero kahit ngayon lang gusto kong maramdaman na wala akong kahati. Pero hindi iyon ang nararamdaman ko, pakiramdam ko si Armie pa rin ang may-ari ng puso niya. Gusto kong tanggapin ang explanation niya dahil alam kong kahit paano ay magkaibigan sila. Tama siya, Armie is every selective about friends, alam kong si Xian lang ang takbuhan niya. Gusto kong tanggapin iyon, na kahit ako ang mahal ni Xian ay mananatili pa rin ang pagkakaibigan nila ni Armie. Pero nasisira ang tiwala ko sa tuwing ililihim niya ang pag-uusap o pagtatagpo nila. Pakiramdam ko maiiwan nanaman ako, pakiramdam ko ipagpapalit niya ako. Hindi ko na alam ang gaga

