Sunod sunod na katok sa pinto ng kwarto ko ang nakapagpagising sa akin. Napasimangot ako nang makitang alas-dose palang ng madaling araw. Anong kailangan ng taong 'to? "Kim open the door." Nagulat ako nang boses ni Xian ang narinig ko. Naalala ko ang nangyari sa akin kanina sa school, noong dinala ako ni Ken sa clinic dahil nawalan ako ng malay. Naisip kong baka sinabi na sa kaniya ni Ken dahil magkaklase sila at imposibleng hindi sila magkausap. I sighed. Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. I was planning to tell him straight that I'm fine and no need to worry. Pero ako yata ang nagulat sa ginawa niya. He grabbed my arm harshly as he enter my room. Biglang nagising ang diwa ko sa ginawa niya. Lalo na ng maramdaman ko ang sakit ng mahigpit na paghawak niya sa braso ko. "X-Xian nas

