"Are you still awake?" Hindi ako sumagot. Tumila na ang ulan matapos ang halos dalawang oras. Sa loob ng dalawang oras na yun ay kapwa kami tahimik. Iniisip ko kung ano ang iniisip niya sa mga oras na yun, iniisip ko kung aalis na ba siya ngayong hindi na umuulan at kumikidlat. The thought itself makes me want to cradle him tighter. Pakiramdam ko ayaw ko ng matapos pa ang oras na ito, sana umulan nalang hanggang umaga, sana hindi na tumigil pa. I just want him by my side now, I don't want to let go. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, hindi ba't sumuko na ako? Bakit ayaw kong bumitaw ngayon? Nang hindi ako sumagot ay naramdaman kong marahan nitong sinuklay ang buhok ko. I am silently whispering my thanks to the darkness, ito ang dahilan kung bakit malakas ang loob ko ng

