Chapter 13

2267 Words
Kim's POV "Anong himala ang naganap at bakit nahihimlay ka yata dito kina Kim ngayon?" Silang dalawa agad ang naabutan ko sa poolside. Mukhang kadarating lang ni Cuttie at na-tripan nanaman nito si Naomi. Mabilis akong naglakad palapit sa kanila. Inilapag ko muna ang mga meryendang inihanda ko. Nang makatayo ako ng maayos ay nakataas na ang isang kilay ni Cuttie sa akin. "Wow Kim, hindi ko alam na pumapart-time kang maid. Bakit naman hinahayaan mong alilain ka nitong bruhang ito?" Maarte nitong inilapag ang bag sa upuan atsaka nagtanggal ng shades. Tinawanan ko nalang ito, "Ano ka ba, bisita ko kayo eh. Buti pala nakarating ka." Ang totoo niyan, balak ko talaga silang ayain mag-mall dahil naiinip na ako dito sa bahay. Pagod na rin kasi akong magkulong sa kwarto and I just realized that I need to get myself immuned for me to get better. "Gusto niyang mag-mall kanina but I thought it's boring kaya dito nalang kami sa pool." She took one glass of juice while scrolling on her phone. Nahuli ko naman ang pag-ikot ng mga mata ni Cuttie. "So nasaan ang dalawa pang bisita mo?" Iginala nito ang paningin sa buong bahay. Nagkibit-balikat lang ako bago naupo sa gilid ng pool. I haven't seen Xian since the night that he intruded inside my room. Kahit si Armie ay hindi ko nakikita. Hindi rin naman kami nagpapang-abot sa hapagkainan dahil kadalasan ay late na ako kumakain. "I heard nag-sorry na si Armie sayo," Tumango ako, "We're good." Cuttie laughed in sarcasm, "You're good? Duh? Anong kaplastikan iyon Kim? Mind you, hindi ka diyos na laging ready magpatawad." "I told her the same thing," singit naman ni Naomi. Sa pagkakataong ito alam kong pagkakaisahan nanaman nila ako. "Pero okay na kami, I mean okay na ako sa kaniya. Walang kasalanan sa akin si Armie kaya bakit ako magagalit sa kaniya? Hindi ba ako pa nga itong may kasalanan? I should be the one saying sorry, not her--ouch naman Cuttie!" Bigla nalang kasi nitong kinurot ang tagiliran ko. Ano nanaman bang mali sa sinabi ko? Kontra nanaman sila? "Ang gaga mo talaga Kim, sa sobrang kagagahan mo gusto ko ng magpatayo ng statue mo dito mismo sa bahay niyo! Bakit ba ganiyan ka mag-isip? Ano ka ba anghel? Aber nasaan ang halo at ang pakpak mo? Nakakabwisit lang alam mo 'yon? Gaano ka ba kabait? Kailan ba 'yan mauubos?" "Cuttie ano bang sinasabi mo?" "You are such a brainless b***h! Puro puso pinapairal mo eh wala namang ibang idinulot yan sayo kundi sakit! Minsan naman matuto kang magalit, minsan naman sana matuto kang tumigil ano? Bakit mo siya tutulungan? Pagkatapos nung mga kagagahan at kaartehan niya tutulungan mo pa? Hindi ba sinabi na ni Xian sayo na wag mong sisihin ang sarili mo, meaning may ibang dahilan kaya naghiwalay sila! At ikaw, wag kang magpakagaga na gagawa pa ng paraan para ayusin sila kasi kung gagawin mo yun edi sana kumuha ka nalang ng kutsilyo at sinaksak mo na ang sarili mo!" Natulala ako sa mukha nito matapos niyang sabihin iyon. Nagpalipat-lipat pa ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Naomi bago ito nagsalita. "I told her about what you told me, I must say tama lang yung mga sinabi niya sayo Kim. Pero katulad ng sinabi ko sayo kahapon, I'm okay with whatever decision you will do. Ang sakin lang, i-consider mo rin yung huling sinabi ko." "Hay ewan ko sa inyo! Nakakaloka magkaroon ng kaibigan na mga babae! Heartaches, katangahan, kadramahan to the nth level!" "Pwede ba Carl Trey? Itikom mo nga 'yang malaki mong bibig! Your voice is not very nice for my ears kaya please lang?" "Wow Naomi Allison De Vera, ikinaganda mo ba 'yang 'not very nice for my ears' mong yan? Duh?" "Hinde, may igaganda pa ba ako? I'm already overpowering your goddamn face. Baka kapag dinagdagan ko magmukha ka nalang paa ko." "Ulitin mo nga yung sinabi mo!" In the end ay nauwi nanaman sa bangayan nila ang seryosong pag-uusap namin kanina. Hinayaan ko nalang sila dahil sanay na rin naman ako. Kung tutuusin mas gusto ko pang ganiyan sila, atleast alam ko na may taong nariyan pa rin para sakin. Buong maghapon kaming nagbabad at nagharutan sa pool. For a couple of hours ay nakalimutan ko yung problemang dinadala ko. Sa totoo lang, akala ko makakalimutan ko yun for the whole day, pero mukhang nasira ang akala ko nang makita ko ang pagdating ng sasakyan ni Xian. Tumigil ito at halos tumigil ang pagtibok ng puso ko nang makita kong bumaba mula rito si Armie. Mabilis itong naglakad papasok sa loob ng bahay na tila wala pa yata sa sarili dahil hindi man lang nito napansing pinanonood namin siya. Tumuloy ang sasakyan sa garahe at hindi ko na ito nasundan pa ng tingin nang magsalita si Cuttie sa gilid ko. "So kaya pala wala ang prince charming at ang demonyita, mukhang nag-date sila. How nice is that Kim, iyan ba ang kailangan mong ayusin?" Hindi ako nakasagot pero naramdaman ko ang pag-akbay ni Naomi sa akin. Nang tingalain ko siya ay nginitian niya lang ako. "We're in the middle of the fun!" Nagulat nalang ako nang hilain ako nito at isama palubog sa pool. Agad akong napakampay dahil hindi naman ako marunong lumangoy. Tawa ng tawa si Cuttie sa naging reaksyon ko, "You should have seen your face Kim, it's priceless!" Humagalpak uli ito ng tawa na naging dahilan na rin ng pagtawa namin ni Naomi. "Nakakainis kayo! Wag niyo nga akong takutin ng ganon! Alam niyo namang hindi ako marunong lumangoy eh!" Kumapit ako sa rail at agad na umahon mula sa tubig, naiwan doon si Naomi na abala na sa paglangoy. "You are such a crybaby, akala kasi namin iiyak ka kaya hinulog kana namin sa pool para may side effects. Effective ba?" Cuttie even waggled her eyebrows. Napailing nalang ako. "Bakit naman ako iiyak?" She rolled her eyes heavenly, "Gusto mo bang sagutin ko 'yang tanong mo?" "Kainis talaga kayo!" "You know what's better? Ikuha mo pa kami ng chips, dali!" At iniabot pa talaga nito sa akin ang bowl. Sinimangutan ko nalang ito bago ako naglakad papasok ng bahay. Palapit palang ako sa pinto nang madulas ako. Nabitiwan ko ang hawak kong bowl at nabasag ito sa sahig. Napahawak ako sa ilang bamboo na design malapit sa pintuan pero dahil basa ang paa ko ay nadulas pa rin ako. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko habang hinihintay ang masakit na pagbagsak ko sa sahig. Pero bago pa man mangyari 'yon ay naramdaman ko kaagad ang isang pares ng mga brasong umikot sa bewang ko. I immediately knew who it was when I smelled his perfume. At katulad ng inaasahan ko ay bumagsak kaming dalawa,my body falling on top of him. I heard Naomi and Cuttie cursed behind us pero mas naging malinaw ang malulutong na murang sinambit ni Xian bago ko naramdaman ang pagbagsak ng mabigat na bagay sa ulo ko. * "God, Kim! Akala namin hindi kana gigising! You were asleep for almost a decade!" Boses ni Cuttie ang unang sumalubong sa akin paggising ko. "Shut the fvck up Carl Trey, this is not the right time for your overacting skills." Lumapit sa akin si Naomi at tinignan akong mabuti, "How do you feel? Hindi ka ba nahihilo?" Pinakiramdaman ko ang sarili ko, "Hindi naman." Saka palang sila tila nakahinga ng maluwag sa sinabi kong 'yon. Sabay pa silang napaupo sa gilid ng kama ko. "You scared us you little idiot! Bakit naman kasi hindi ka man lang nagpatuyo bago naglakad-lakad doon diba? My God, alam mo bang kung hindi ka pa nagising, tatawagan na namin sila tito at tita? Ano bang malay namin kung malala pala yung impact nung palayok na yun sa ulo mo?!" Halos takpan ko ang tenga ko dahil sa pagsigaw nito sa harapan ko, her face is as red as a tomato. "I-I'm sorry, hindi ko sinasadya.." Naihilamos nito ang kamay sa mukha, "I know! Sinong tanga ang sasadyaing basagin ang palayok sa ulo niya? Thank goodness at nasalo ka pa ni Xian, kung hindi, saan kami pupulutin? Baka ipalibing kami ng buhay ng parents mo!" "Naomi kumalma ka nga, she's fine, okay na!" "Dammit!" "I-I'm sorry.." Nang makita nilang nangingilid nanaman ang mga luha ko ay kumalma rin naman sila. "Sorry din, kinabahan kasi talaga kami. Ikaw kasi Cuttie!" "Why the hell me?!" "Kung hindi mo siya inutusang kumuha ng chips edi sana hindi siya nadulas!" "What?! Eh kung hindi mo siya hinulog sa pool edi sana hindi siya nabasa diba?!" Akmang sasagot pa sana si Naomi nang makarinig kami ng dalawang katok sa pinto. Natigilan kami at nagkatinginan bago tumango si Naomi. "Yes, come in." Bumukas naman ang pinto. Hindi na ako nagulat nang makita kong si Xian ang pumasok. Wala namang ibang tao dito maliban sa amin, at sila ni Armie. My parents are out for a trip. "Iwan muna namin kayo," Tumayo si Naomi mula sa pagkakaupo sa kama ko atsaka hinila si Cuttie palabas ng kwarto. Nang tuluyan na silang mawala ay saka palang ako nakaramdam ng pagkailang sa presensya ni Xian. "Uhm..okay na'ko. Thank you pala sa pagsalo mo sakin kanina." Hindi ko alam kung paano ko siya titignan, I can't keep my eyes steady at the sight of his face. Kinakabahan ako, mabilis nanaman ang t***k ng puso ko. Hindi ito nagsalita. Sa halip ay naupo ito sa bakanteng espasyo na iniwan ni Naomi kanina. Napalunok ako sa naging distansya naming dalawa lalo pa nang hawakan nito ang ulo ko, kung saan may nararamdaman akong masakit. "Does it hurt?" I bit my lip, umiling ako kahit nararamdaman ko ang hapdi sa bahagi kung nasaan ang kamay niya. "O-okay lang.." "Even on this wound? You'd still lie to me, Kim?" "H-ha?" Nag-angat ako ng tingin pero nagkamali ako dahil nahuli niya ang mga mata ko. I tried to look away pero hinawakan niya kaagad ang baba ko. "X-xian.." I felt his arm pulling my waist closer hanggang sa magdikit na ang katawan namin. The lack of distance between us made me nervous. Pinagpapawisan na rin ako. "Such a clumsy girl," naramdaman ko ang marahang paghalik nito sa buhok ko. I was stonecold for the moment. What's happening? Bakit niyayakap niya ako? Why is he this close? Anong nangyayari? Naghahallucinate ba ako? "X-xian ano.." sinubukan kong kumawala mula sa pagkakayakap nito pero hindi ko mabuwag ang braso niyang nakayakap sa akin. Napapikit ako ng mariin, remembering how I sworn that I'll help Armie. "Xian mali 'to," Saka ko palang naramdaman ang paglayo niya sa akin. His eyes met mine at buong tapang kong sinalubong ang mga iyon. "S-si Armie--" "She's out of here Kim." Umiling ako, "Kahit na, mali pa rin 'to. Bakit mo ba kasi ginagawa ang lahat ng 'to? Bakit bigla ka nalang naging ganiyan? Ano ba talagang gusto mong mangyari?" Hindi ko maintindihan ang lahat. Dati hindi naman siya ganito sakin eh, wala siyang pakialam sa akin. I think he even dislike me. Bakit ngayon nangyayari 'to? The Xian that I used to know never pulled me for a hug, never kissed me. The Xian that I know will never waste time talking to a noob like me. Bakit biglang nagbago? Why all of a sudden? "You still don't understand, do you?" "A-ano?" Napasandal ako sa headboard ng kama nang ilapit nito ang mukha niya sa akin. He's leaning closer that I can almost feel his breath on my face. Sobrang lapit na hindi ko na kayang pigilan siya.. "Stop whatever you're doing.." "A-ano?" My heart almost skip a beat when his eyes fell on my lips. My heart started to race fast, like it's about to get out of my chest. He's not gonna do it right? He's not gonna do it. "Whatever you do, you can never bring us back together. You'll waste time Kim, you'll waste time.." Natigilan ako, "A-alam mo? Paanong--" "It doesn't matter," Umiling ako, sinubukan kong itulak siya sa pamamagitan ng pagtulak sa dibdib niya pero hindi siya natinag. Sa halip ay ikinulong niya ako sa magkabilang braso niya. "Xian hindi mo naiintindihan.." "Make me understand then," bulong nito sa tenga ko na nagpatayo naman sa mga balahibo ko. Why is he torturing me like this? Ano ba talagang gusto niya? Dahil sa sobrang pagkakalapit namin ay hindi ko magawang magsalita. Parang may bumarang kung ano sa lalamunan ko. "I told you before right? Stop blaming yourself," naramdaman ko ang marahang pagdampi ng labi nito sa pisngi ko. "I broke up with her not because I owe you a wedding." Tuluyan na akong hindi nakapagsalita nang sakupin ng mga labi nito ang labi ko. Matagal itong nanatili roon bago ko naipikit ang mga mata ko. Xian is kissing me.. Hindi ko alam kung bakit tila nawalan na ako ng lakas. All I ever feel is his lips over mine, everything else felt like nothing. Ganito pala ang pakiramdam, ganito pala ang pakiramdam na mahalikan ng taong gusto mo, ng taong gustong-gusto mo. Marahan siyang humiwalay sa akin, eyes still glued to mine, at ganoon din ako. Hindi ko alam kung paanong hindi na ako nakagalaw matapos ang halik na iyon. Sumilay ang ngiti sa mga labi nito, "I can never go back to her, because someone else owns me." Hindi man lang ako nakakurap nang lumapat muli ang labi nito sa labi ko, just a light kiss before he cupped my face and stare to my eyes again, completely making me lose my soul. "You hear me? Someone else owns me." **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD