Isang buwan kaming nanatili sa Britain upang magbakasyon. Sa tulong ni Blake at ni Terrence ay mas madali kong natutunan ang paghawak ng negosyo ngunit kailangan ko pa ng malawak na karanasan at paggabay sa tulad nilang bihasa na rito. Nang makabalik na kami sa Pilipinas ay una kong binisita si Mommy upang ikwento rito ang mga nangyari sa buhay ko ngunit nagtaka ako dahil noong dumating kami sa baguio wala na ang dati naming carenderia at bahay. Bagkus ay malaki na ang pinagbago sa dati naming tinitirhan.Ang dating gawa lamang sa kahoy ay gawa na sa semento at napakaganda ng bagong stilo na wari'y isa na itong restaurant. Ang aming maliit na bahay ay dalawang palapag na ngayon. "Mom... Paano po---" "Anak, si Blake ang nagpumilit na erenovate ang carenderia at ang bahay natin. Pumunta s
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


