Puting kisame ang aking nakita nang buksan ko ang aking mga mata. Naramdaman kong may nakahawak sa aking kamay at nang tingnan ko nang napagtanto ko kung sino ay bigla kong naalala ang nangyari kanina sa company. "B-Blake?" "O-okay ka na? Ano ang nararamdaman mo?" nag-aalala nitong tanong sa akin. "I'm okay.. Wala na nahilo lang ako kanina." "Ang sabi ng doktor ay magtatalong buwan ka na raw buntis.Jia? May dapat ba akong malaman? May ipagtatapat ka ba?" Napabuntunghiningi ako sa sinabi niya. Natatakot akong sabihin sa kanya. Baka hindi siya maniniwala sa akin. "B-Blake... That night when you took me on Cheska's birthday.Hindi ko inexpect na mabubuo 'yon. I know hindi ka maniniwala pero w-wala namang nangyari sa' min ni Dave.I won't force you to believe me - - -" "Sssh... Don

