Kirsten's POV
Kulang pa ang tulog ko dahil hindi ako pinatulog ng bwiset na lalaking 'yon. Pumayag siya na roon pa rin kami titira sa dati naming apartment basta raw ay ipagluluto ko siya ng agahan, tanghalian, at hapunan. Ako rin daw ang maglilinis ng bahay niya every weekend. Noong una ay hindi ako pumayag, pero no'ng nalaman ko na may sahod akong tumatagingting na 20,000 a week na matatanggap ay napa oo na lang ako. Sobrang laki kaya no'n. Sino ba ang hindi matutukso sa offer niya?
Kaya ang tagal kong nakatulog kagabi dahil iniisip ko pa kung saan ko igagastos ang 20,000. Imagine kapag naka 1 month ako ay makakakuha ako ng 80,000 pesos. Kaloka! Ganoon ba siya ka elegante magbayad para sa isang katulong/P.A? Pero okay na rin 'yon at least makakapag-ipon pa ako. Tama 'yon na lang ang gagawin ko tutal ay wala naman akong importanteng bagay na dapat kong bilhin. Tapos mapapadalhan ko na rin ng pera si lola Esther sa probinsya. At kapag malaki na ang ipon ko ay pupunta kaming lahat nila Harrah sa ibang lugar para magbakasiyon.
"Okay finish or not finish pass you're paper, now," biglang sabi ng teacher namin kaya ay bigla akong nataranta kung ano ang gagawin ko. Tagaktak na ang pawis ko at halos kapusin na ako ng hangin dahil hindi pa ako nakakalahati sa ginagawa ko. Bakit kasi nakatulala lang ako kanina pa. Ang sarap iuntog ng ulo ko sa pader.
"Times up. Sa mga hindi nakaabot sa pagpasa ng kanilang papel, hinding-hindi na ako tatanggap pa. Okay class dismiss." Halos gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi ni Ma'am. Bagsak balikat akong bumalik sa aking upuan, 'yong tipong isang abot na lang ng papel ko ay hindi niya pa tinanggap. May galit ata sa akin si Ma'am. Ni hindi man lang ito nagbigay ng palugit sa oras, kahit na 5 minutes lang sana. Nakakabwiset ang mga ganitong teacher! Akala mo naman hindi siya naging styudyante, just kidding!
"Mrs. Castillo naman eh." Reklamo ng iba kong kaklase, at nakisabay na rin ako. Malay natin 'di ba baka biglang sapian si Mrs. Castillo ng kabaitan.
Nakasimangot ang mukha kong tiningnan ang ginawa kong essay, kahit na hindi ito tapos ay pinaghirapan ko pa rin ito. Alam niyo 'yong pinakamasakit sa lahat? 'Yong tipong hirap na hirap ka na ngang humagilap ng english para sa sentence na gagawin mong essay, pero in the end ay hindi rin pala tatanggapin ang gawa mo dahil nalate ka lang ng isang segundo? Halos dumugo na nga rin ang utak ko kakahagilap ng mga tamang words... hindi bale na nga. Tapos na naman eh, wala na akong magagawa pa kung hindi ang malungkot na lang.
Idinukmo ko ang aking ulo sa mesa at mariing napapikit. Tsk, pang two days ko pa lang dito sa University, pero may kapalpakan na akong nagawa.
Napatunghay ako ng aking ulo mula sa pagkakadukmo ko sa aking mesa nang maramdaman kong kinalabit ako ni Cholo. Malawak na ngumiti ito sa akin at parang may ginawa itong kababalaghan. Pss! Pabalik-balik ang tingin nito sa akin at sa bag niya habang inaayos nito ang kaniyang mga gamit. Buti pa siya ay pangiti-ngiti na lang, palibahasa kasi ay naunang natapos. Iba talaga pag-matalino!
"Hindi ka natulog kagabi noh?" Natatawang tanong sa akin ni Cholo. Mahinang tumango na lang ako sa kaniya. Para akong maiiyak dahil malaking points rin ang nawala sa akin. Bakit kasi ang t*nga ko. Simula ng pumunta kami rito sa manila ay wala na akong matinong tulog. Kaunting-kaunti na lang talaga ay iiyak na ako.
"Huwag ka ng umiyak diyan," natatawa pa ring saad nito. Mamatay ka sana sa kakatawa.
Napatingin ako sa paligid at kami na lang pala ang naiwan ni Cholo sa loob ng room. Parang ayoko ng lumabas pa. I'm depressed! Para sa isang scholar na katulad ko ay malaking kawalan na iyon para sa akin.
"Paano ako hindi iiyak kung hindi ko naipasa ang essay na pinaghirapan ko? Para sa'yo ayos lang na kahit ilang beses kang hindi makapagpasa ng seat work ay okay lang, pero sa akin?" Madrama akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at pumunta sa harapan ni Cholo.
Tinuro ko pa ang sarili ko. "Hindi! Malaking kawalan na iyon sa akin kasi isa lang akong hamak na scholar. Hindi mo feel ang nafefeel ko ngayon dahil mayaman ka, samantala ako ay mahirap lang. Mayaman ka!" Tinuro ko siya habang paatras na lumakad at todo emote pa hanggang sa maramdaman ko na lang ang white board at nagpadausdos ako pababa.
"Ang dami mong sinasabi. Nagawan na kita ng essay at naipasa ko na rin kay Ma'am kaya halika na lumabas na tayo baka ano pa sabihin nila sa atin," ngiwing usal nito sa akin saka ito lumakad palabas at iniwan ako. Aba bastos 'yon ah. Pero ginawan niya raw ako. Omo!
"Totoo, ginawan mo talaga ako? Hindi ka naman nangbu-bluff 'di ba?" Habol ko sa kaniya. Inayos muna nito ang salamin at alanganin na tumango. Sa tuwa ko ay dinamba ko ito ng yakap.
"Thank you talaga, ikaw na ang 4th bestfriend ko kasi una kong bff si Harrah tapos sunod si Minchie tapos si Kuya Diem." Napaubo ito kaya ay lumayo ako sa kaniya, at ganoon din ang ginawa nito. Nagsusumiksik ito sa gilid na parang isang babae na namolestiya. Napangiwi ako rito pagkatapos ay malakas ko itong hinataw ng hampas sa balikat.
Napatampal ako sa noo nang maalala ko na pinapapunta pala ako ni Sir Impakto sa office niya dahil ipagluluto ko lang naman siya ng lunch niya. "Cholo dating gawi pa rin tayo ah. Pumunta ka na lang sa dalawa, at pasabi na lang na mauuna na ako dahil ngayon ang start ng work ko," mabilis na ani ko.
"Bakit, 'di mo na lang I-text," masungit nitong usal habang nakasimangot.
"Aba! Si Prinsipe Cholo nagsusungit din pala." Biro ko sa kaniya, pero inikutan niya lang ako ng mga mata saka niya ako iniwan. Hinayupak 'yon ah.
"Wala akong load kaya 'di ko sila matext!" Sigaw ko habang pinipilit kong makahabol para makasabay sa kaniya sa elevator. Pero ang p*ste dinilaan niya lang ako saka ngumisi ng malaki. Mabilis nitong isinarado ang pintuan ng elevator kaya no choice ako kung hindi bumababa mag-isa.
Bakit kasi bigla na lang ako natakot sa pagsakay sa elevator mag-isa? Kasalanan talaga ito ng dalawa ee, kung anu-ano ang pinapanood sa'kin na mga horror tuwing gabi. Pakiramdam ko kasi ay bigla na lang lalabas ang multo mula sa likuran ko.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng uniform ko kaya kinapa ko ito. Ang kulay ng palda na suot ko ay Color Navy blue na umabot hanggang kalahati ng tuhod ko, habang ang pang-taas naman ay kulay white na long sleeve at may necktie na kulay navy blue rin, bawat wrist ay may lining na kakulay ng palda ko. fitted ang Long sleeve sa katawan ko kaya hulmang-hulma ang curve ng body ko. May tatak rin ng logo ng school sa gilid ng damit. Gustong-gusto ko ang damit. Ang ganda! Isa rin ito kung bakit ang tagal kong nakatulog kagabi dahil sobrang excited akong magsuot ng uniform na pangmayaman.
From: Sir Uno
Just go to the ground floor and wait for Condes to pick you up.
Basa ko sa text niya. Wala naman akong load kaya tinago ko na lang ulit ang cellphone ko. Sino naman kaya ang Condes na iyon? Kanina pa ako sa ground floor, pero wala pa akong nakikitang kahit na isang Condes. Nag-vibrate ulit ang cp ko.
From: Sir Uno
Why you didn't answer my text?
Parang tanga ang p*ta. Paano ako makakareply kung wala akong load?
From: Sir Uno
F*CK! TEXT BACK! I'll F*CKING KILL THAT B*STARD WHEN SOMETHING BAD HAPPENS TO YOU.
From: Sir Uno
SWEETY.
From: Sir Uno
Hey, have you been in the pent house? Just f*cking reply Sweetheart. D*mn it! Why aren't you here, yet?
Napahilot ako sa aking sentido dahil sa sunod-sunod na dating ng text sa kaawa-awang de keypad ko na cellphone. Talagang ang kulit ng lahi ni Sir Uno.
"Adik kaba? Wala nga akong load kaya paano ako makakapagreply sa mga text mo?" gigil na gigil kong ani habang dinudotdot ko ang malaginintuan kong cellphone.
"Then throw your f*cking worthless phone... f*ck!" Sa gulat ko ay hindi ko sinasadyang mahampas ko sa mukha niya ang de keypad kong phone na sumapol sa matangos nitong ilong.
"D*mn! Sh*t! Aww my f*cking nose!" Napalunok ako ng ilang beses. Ito na ba ang katapusan ko? Papaalisin niya na ba ako rito at tatanggalan ng scholarship?
Pero kasalanan niya naman 'yon, sino ba naman kasi ang matinong tao ang bigla na lang bumubulong at higit sa lahat sa tainga ko pa. Akala ko kasi ay hold upper iyon at balak pang nakawin ang phone kong malaginto
'Talaga lang, ha? Paanong nagkaroon ng hold upper sa loob ng university, mag-isip ka nga! Isa pa ay walang magkakainteres sa pangit mong cellphone!' Sigaw naman ng konsensiya ko sa akin.
Pero dahil best actrees ako ay..."Sorry talaga," kunwaring naiiyak kong sabi rito.
Umayos siya sa kaniyang pagkakatayo at tiningnan ako. Nang makita niyang nagbabadya nang bumagsak ang luha ko ay ngumiti ito sa akin. Arte-arte lang ito para hindi mapagalitan at mawalan ng scholarship. Hehehe, peace be with you po. Namumula nga ang ilong nito, pero ni hindi naman nabawasan ang pagiging magandang lalaki nito.
"Don't cry Sweety look I'm fine." Bago pa bumagsak ang luha ko ay pinunasan ko na ito agad.
"Sorry po talaga Sir Uno 'di ko naman po alam na nandiyan ka pala sa likod ko." Ngumiti lang siya sa akin ng matamis. Pero ang nagpabilis ng t***k ng puso ko ay ang paghawak niya sa kamay ko ng marahan.
"Kahit na namumula ang ilong mo Sir ay hindi naman nabawasan ang pagiging guwapo mo." Pang-uuto ko pa sa kaniya at sinabayan ko pa ito ng thumbs up para mas kumbinsido tingnan.
Kita ko pa itong pinamulahan ng mukha at kaagad na nag-iwas ng tingin sa akin. "I-it's okay." Napakurap-kurap ako ng ilang beses nang marinig kong mautal si Sir, woaah! Pangalawang beses na 'yan.
"I'm f*cking hungry. " Paglilihis nito ng usapan saka hinimas ang tiyan niya kaya napasumod din ako roon ng tingin, pero ang mata ko ay dumako sa gitna nitong maumbok. Namula ako dahil sa laki ng umbok no'n.
My body stiffened when he hugged me. "Sir bitiwan niyo na po ako hehehe madami na pong tumitingin sa atin," naiilang kong aniya, at sinabayan ng scripted kong tawa. Saka may kung anong kuryente rin akong nadama sa bawat paglapat ng mga balat namin. Spell malandi K.I.R.S.T.E.N.
"Let them be, Sweetheart." Bulong nito sa akin na nagpatindig ng lahat ng balahibo ko sa buong katawan ko. Susmaryosep naman itong tentasyon na ito. Pilit kong tinanggal ang pagkaka-akbay niya sa akin, pero lumipat naman ang kamay niya sa baiwang ko.
"Sir, please ayokong maissue at bigla na lang sabunutan ng kung sino. Kaya kung pwede lang po ay pakibitaw po ng kamay niyo?" polite kong sabi rito, pero he just give me a small chuckle near in my ear.
"Silly." Bulong nito. Hindi mapalagay ang ulo ko at alertong nagmamasid sa paligid.
Nang makarating kami sa tapat ng sasakyan niya ay pinagbuksan pa ako nito ng pintuan kaya wala akong sinayang na oras at pumasok na sa loob. Narinig ko pa ang mahina nitong halakhak at ilang mura. Kapag kumalat ang bali-balita sa buong University na inakbayan ako ng may-ari ng school at pinasakay sa sarili nitong kotse ay malamang kukuyugin ako ng mga mean girls. Lalo na kapag nalaman ng mga ito na ang tawag sa akin ng may-ari ng school na ito ay Sweety at Sweetheart ay baka mailibing na talaga ako ng buhay.
"If it's just the two of us, could you drop the Sir. Call me Isaac or maybe Master. But I prefer you to call me Master when we are both in bed." He grinned tapos nagtaas-baba ang kilay nito sa akin.
"Bastos!" Malakas kong sigaw na may kasamang paghampas sa braso nito.
"The rude man you were telling has no clothes. But if you want to see my body I'm willing to..." Tinitigan ko ito ng masama.
"What?" Patay malisya nitong tanong sa akin.
"Ganito ka ba sa mga estudyante na mapagtripan mo po Sir? Sige ka isusumbong kita sa Asawa mo na may nilalandi kang estudyante." Pagbabanta ko rito, pero kinagat lang ni Sir Uno ang kaniyang pang-ibabang labi at parang pinipigilan ang mapatawa.
"Pft! Hahahaha! Nope sa'yo lang." Itinagilid ko ang ulo ko para hindi niya makikita ang pamumula ng mukha ko. Bakit ako naaapektuhan ng ganito? May ibinulong ito na tanging sarili niya lang ang nakarinig pagkatapos ay tumawa na naman ito.
"Happy? Okay ka na?" Nag-thumbs up pa ako sa kaniya at tumawa ng sarcasm. Parang narealize ata nito ang ginawa kaya balik na naman ito sa pagiging suplado. Psh, kanina makatawa parang mamamatay na bukas eh. "Tss." Bipolar ang animal.
Nakalabas na kami ng University at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi ko maiwasan na lingunin ang katabi kong seryosong nagmamaneho. Nakatukod pa ang isang siko nito sa bintana habang nakahawak sa labi at ang isa naman ay nakahawak sa manobela. Para tuloy siyang isang modelo ngayon sa paningin ko at hindi na isang impakto.
Bakit sa tuwing natititigan ko ang mukha nito ay parang may kurot akong naramdaman? Pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kakilala at nakasama.
"Iyong kamay mo!" Malakas kong sigaw nang nakahawak na siya sa kabila kong hita saka niya ito pinisil-pisil.
"Ops, sorry my bad akala ko kasi ay kambyo," ngising anito na sure akong sinadya niya.
"Mukha bang kambyo ang hita ko?" naiinis kong turan dito, pinagkumpara ba naman ang cute kong legs sa kambyo.
"Nope but I love your legs around my hips." Muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi nito. Kung hindi ko lang ito nirerespesto bilang teacher ay natanggalan ko na ito ng dila.
"Ambastos mong manyak ka!" Hiyaw ko habang tinatakpan ko ang dalawa kong tainga. Kaya sa inis ko rito ay buong biyahe ay hindi ko na siya pinansin pa.
"Hey look I am sorry I was just kidding. Hey magsalita ka naman." Hindi ko na siya pinansin hanggang sa makarating kami sa bahay niya.
Napanganga ako dahil gate pa lang ay sobrang laki na lalo na 'yong bakod nila na sobrang taas, sure akong walang magtatangkang magnakaw na aakyat sa bahay nila. Dagdagan mo pa ng matutulis na nakausli sa taas. Tiyak na ang magpangahas na umakyat doon ay baka barbecue ang kakalabasan.
Naka tatlong busina si Sir, bago bumukas ang gate. "Wow ang laki." Sobrang manghang-mangha ako nang makapasok kami sa loob ng bahay ni Sir. Hindi na ito bahay kung hindi ay mansyon na ito mga Sez. Parang 'di ko yata kakayanin maglinis rito? Baka lawit na ang dila ko ay hindi ko pa malilinis ang buong bahay.
"Nasaan na ang mga katulong mo?" Tanong ko.
"I don't have maids." Wala siyang maids, pero malinis naman ang paligid. Sino ang naglilinis ng bahay na ito? Sumunod na lang ako sa kaniya.
"This is the kitchen and it's up to you if what do you want to cook." Pagkatapos niya sabihin 'yon ay iniwan niya na ako.
"Bossing." Nagulat ako nang may sumulpot biglang isang lalaki. Halos manlaki ang mga mata nito pagkakita sa akin.
"Ms. Kirsten? Bu-bumalik ka! Buhay ka!" Naiiyak nitong sigaw. Napaatras ako dahil parang balak pa ata ako nitong yakapin.
"Po? Ano po ba ang sinasabi niyo?" Natatakot kong tanong. They are wierd, mula kay Sir uno at sa taong ito.
"Hindi mo ba ako naaalala?" May saltik yata ang lalaking 'to. Napapiksi ako nang yakapin niya ako bigla kaya 'di na ako nakapalag pa.
"What the f*ck are you doing Drey Savior Condes?! You f*cktard!" Dumagundong ang boses ni Sir Uno sa buong kusina, namalayan ko na lang na nakahandusay na sa sahig ang lalaking yumakap sa akin.
"F*ck you Condes!" Halos tumalon at tumakbo ako sa sigaw ni Sir Uno.
"Who told you to hug my wife?!" Nanlilisik pa rin na sigaw nito. Pero te-teka wife? Ako ba ang wife niya? Pero ako lang naman ang niyakap ng lalaki. Ako ba si Wife? Naka-ilang suntok na ang pinakawalan niya sa tinawag niyang Condes, para na akong isang tuod dito na nakatingin lang sa kanila.
"Tama na 'yan!" Malakas kong sigaw, pero ayaw tumigil ni Sir Uno, baka mapatay niya si Kuya. Sinuntok-suntok ko ang likod ni Sir Uno para tumigil ito, pero tinulak niya lang ako dahilan na matumba ako. Kaagad akong tumayo. Mabuti na lang at tumigil na siya, pero hawak-hawak niya pa rin ang kwelyo ni Kuya.
"Next time, once you hug my wife again, I'll crushed you into pieces, d*mwit!" Gigil na gigil na singhal nito. Bakit ba sinasabi nito na ako ang asawa niya.
"Magluto ka na riyan 'wag puro paglalandi ang inaatupag," cold nitong sabi sa akin. Nakanganga lang ako habang iniintidi ang lahat ng nangyari. Dumaan siya sa harap ko habang hila-hila niya sa kanang kamay ang lupaypay na katawan ni Kuya.