Chapter 53 Pagkauwi ko galing sa condo ni Mav, pinuntahan ko muna sila Mochi sa likod ng bahay kung saan nakatayo ang bahay nila. Natutulog na sila noong nagpunta ako doon. Hating gabi na din kasi noong umuwi ako dito sa bahay kaya inaasahan ko na tulog na sila lahat. The first floor is quiet so I assume na nasa taas silang lahat. Most Saturdays are off ng mga kasambahay so maybe they are out o baka nasa maids quarter yung iba. Pagdating ko sa second floor, Ate and Renzo are standing behind the door kung nasaan ang opisina ni Daddy. "Anong ginagawa niyo dyan?" I asked them. Nilingon lang ako ni Renzo and Ate just bowed her head and it's like she's crying. I don't know what's happening inside but base on their reaction, parang nag-aaway 'yung mga magulang namin. "She's not an Esqu

