Chapter 50 Isang linggo na ang nakakaraan noong huling kita namin ni Mav. Hindi niya pa ulit ako tinatawagan o tinetext tungkol sa pagkikita nila ni Mochi. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at saka nilingon si Mochi na nasa tabi ko. Nakaupo. Inosente siyang nakatingin sa akin. "Do you want to see your, Mom?" Tanong ko sa kaniya. Bigla siyang tumayo at winagwag ang buntot niya habang nakalawlaw ang dila niya. Tumahol siya ng tumahol sa sobrang saya at pinaparating sa akin na gusto niyang makita ang Mommy niya. "Pero mukhang busy ang Mommy mo eh... ang sabi niya tatawagan niya ako." Bigla siyang nalungkot at bumalik sa pagkakaupo niya sa tabi ko. Hinaplos ko ang balahibo niya. "I'm sure she missed you and badly wants to see you again, but she's busy Mochi." Napatingin ako kila D

