PANGATLONG araw ng mapagpasiyahan ni Bimbi na pumunta sa restaurant nila.
Makulimlim ang araw na iyon, may tyansa na umulan ng malakas sa hapon na iyon.
Sa ilang araw na hindi siya naglalabas ay umasa lang naman siya na magbabalik sa kaniyang unit si Rachelle. Ngunit bigo siya, dahil hindi ito dumating sa lumipas na araw.
Mabilis na niyang ipinarada sa harapan ng QUIDYSABE ang dala niyang Volvo. Isang parking space ang bakante na natatanging para sa binata. Bali may tatlo pang parking space para kina Quinx, Sancho at Dyson.
"Goodmorning Sir Benedict! mabuti ho at nagawi na kayo rito. . . "sagot ng security guard na si Danilo. Hindi naman ito sinagot ni Bimbi, tuloy-tuloy itong pumasok matapos na pagbuksan ito ng sliding door ng lalaki.
Hindi naman na nag-usisa si Mang Danilo, kilala kasing masungit at hindi namamansin ang binata. Sa kanilang apat na nagmamay-ari ng restaurant ay mababait at palapansin ang tatlong mga kaibigan niya. Siya lang ang sadiyang hindi madaling lapitan.
Nakasimangot si Benedict kaya natitiyak nitong bad mood ang amo.
Agad na naglakad sa may hagdan si Bimbi papuntang second floor iyon, exclusive lamang iyon sa kanilang apat na nagmamay-ari at ilang malalapit na kaibigan nila o kaya mga important client din.
Ang ilan sa mga babaeng costumer ng QUIDYSABE ay napatuon ang mga mata sa direksyon niya.
Bumubulong at tila kinikilig sa presensiya ng binata. May mangilan-ngilan kasi na dumadayo pa sa branch nila rito sa Makati, hindi sa kadahilanan na dahil ito ang main branch ng mga business nila. Kung 'di dahil doon sila laging nakatambay na apat. Kaya hindi maipagkakamaling pinakamalakas kumita ang Makati branch nila.
Nagbabakasali ang mga costumer nila na mapansin sila ng isa sa mga nagmamay-ari ng QUIDYSABE Milk Shake and Tea Restaurant.
Patuloy lamang sa pagpanhik sa itaas si Benedict, napansin niya agad si Quinx na nakatalikod sa kaniya. Busy itong tumitipa sa kaharap nitong laptop. Habang si Sancho naman ay nasa hawak nitong iPhone ang pansin. Kasalukuyan itong may kausap sa kabilang linya. Sa reaction pa lamang nito'y alam niyang babae na naman ang kausap nito.
"How's the business?"agad na tanong ni Benedict sa dalawa. Marahan nitong tinapik si Quinx.
"Mabuti naman at naisipan mo ng gumawi rito sa reatau. . . "naiusal ni Quinx, mabilis lamang siya nitong tinapunan ng pansin bago ibinalik sa ginagawa ang pansin.
"Sorry naman may inasikaso lang ako. . ."walang-gana niyang sagot.
Saglit na nagkatinginan sina Sancho at Quinx.
"Huwag mong sabihin na babae iyan, dahil kung Oo! f**k that impossible man!"tatawa-tawang biro ni Sancho.
Matlim naman siyang binalingan ni Benedict.
"I-It's not of your business!"angil nito.
"Okay. . ."iiling-iling naman si Sancho. Mukhang hindi ito kumbinsido sa sinabi ng kaibigan. Si Quinx naman ay ipinagpatuloy ang pagtipa sa kaharap na laptop.
Agad ang paghayon nina Bimbi sa direksyon ng hagdan ng bumungad roon si Dyson.
"Oh man! your here! mabuti naman at naisipan mo na rin magpakita ng halos isang linggo mong hindi pamamasyal dito. . ."bati naman ni Sancho na naghigh five pa rito.
"Oo nga naging abala lang sa maling babae. . ."naibulalas ni Dyson.
Taka naman nagpalitan ng tingin si Sancho at Bimbi. Maski si Quinx ay itinigil ang ginagawa.
Agad ang pagyukyok ni Dyson sa may lamesa at nag-umpisa humagulhol roon na tila babae.
"Uy! anong problema pre? May nangyari ba?"Nag-aalalang tanong ni Sancho. Agad nitong dinaluhan si Dyson at hinagud-hagod ang likod nito.
"Ang sakit pre! Ibinigay ko ang lahat-lahat tapos nagawa pa rin naman akong lukohin ni Donabelle!"umaatungal na sabi ni Dyson.
Sa kanilang magkakaibigan ito ang pinaka-emosyonal sa kanila sa kahit na anong bagay.
"Iginanti lang naman niya pala si Roselle, dahil sa ginawa ni Benedict dito!"himutok nitong muli.
"What do you expect, lahat naman ng babae manloloko. Kaya nga dapat hindi niyo sila sineseryuso. . ."nakatiim-bagang na sagot niya rito. Napakuyom ng kamao si Bimbi.
Sapol na sapol siya sinabi ngayon-ngayon lang. Paano ba naman kasi pinapatungkolan din naman niya ang sarili.
Ano ba kasing ginawa niya in the last three days? Hindi ba't nagbakasali rin siyang bumalik si Rachelle sa condo unit niya. Nagmukmok dahil sa hindi nito pagbabalik!
"Kaya kung ako sa iyo ay kalimutan mo na ang babaeng iyon, labas tayo maya punta ulit tayo sa bar na lagi natin pinupuntahan. . ."pangkakayag ni Benedict kay Dyson. Pinakatitigan lang naman siya nito.
"Madali lang kasi sabihin sa iyo na kalimutan ang lahat, dahil wala ka naman sa sitwasyon ko pre."nagdadamdam na sabi ni Dyson.
"Wala kang alam!"gusto sanang ibulyaw ni Bimbi ngunit itinikom na lamang nito ang bibig, nanatiling sa isipan niya lamang nasabi ang mga iyon. Ayaw niyang dagdagan ang hinanakit ng kaibigan.
"Ooops! tama na iyan, baka kung saan pa ang mapuntahan ng usapan niyo. Ang mabuti pa'y mag-order na lamang tayo para lumamig naman ang mga ulo niyo,"wika ni Sancho.
Napatango na lamang ang dalawa.
"For the meantime ay ikaw na ang magpunta sa kitchen, busy ang lahat sa dami ng costumer. . ."wika naman ni Quinx.
Kay Bimbi ito nakatingin.
"Bakit ako?"iritang sabi nito.
"May isang new staff roon, ipagawa mo na lamang sa kaniya. Saka para naman matrain at macheck mo na rin kung ipapasa ba. . ."sagot ni Quinx.
"Why mahirap bang umintindi?"tanong ni Benedict.
"Sort of . . . "halos pabulong na imik ni Quinx.
"Eh bakit hindi niyo pa tanggalin. . ."iritang sabi niya.
Hindi na sumagot si Quinx dahil biglang nagring ang phone nito. Natitiyak nilang ang fiance lang naman nito ang tumawag.
Agad nang tumayo at bumaba ng hagdan si Bimbi, nagdiretso-diretso na siya sa pantry. Kita niya ang nakatalikod na babae na busy sa paghahalo sa isang kaldero na nakasalang.
"Excuse me! ikaw ba ang bagong staff dito."pang-aagaw pansin ni Benedict sa babaeng sa tingin niya'y hindi man lang napansin ang presensiya niya.
Ang pagkakakunot-noo niya at pagsisimulang manermun sa baguhang staff nila ay nabitin sa lalamunan ni Benedict.
"R-Rachelle?"nauutal at nabalot ng pangungulila ang tinig na lumabas sa bibig ni Bimbi.
Hindi na nakaimik si Rachelle, dahil bigla na lamang siyang niyakap ng mahigpit ni Benedict.
"Nice to see you again, alam ko naman na hindi mo ako matitiis na namiss mo rin ako,"galak na sabi nito matapos na mailayo ni Benedict ang katawan ni Rachelle sa kaniya.
Kapag hindi niya ginawa iyon ay baka makagawa siya ng hindi nararapat.
"B-Bimbi n-nagkakamali ka ng iniisip. . ."gusto sanang sabihin ni Rachelle. Ngunit nakita na nilang pumasok si Quinx.
"So nakilala mo na ang isa sa bago nating staff, by the way Bimbi this is Rachelle Madriaga. A closed friend of my fiance, pinakiusapan kasi ako ni Lilina na ipasok siya. And now, makikiusap din sana ako ulit; please Bimbi pakiharapan mo ng maayos si Rachelle. Kung pwedi ay magtulungan kayo ni Sancho na turuan pa ang ibang mga bago. Peak season kasi kaya madaming costumer. Is that okay?"mahabang paliwanag ni Quinx.
"Sure it's okay. Kung gusto mo i-one on one train ko rin si Miss Madriaga. . ."tutok ang pansin sa dalaga na sagot ni Benedict kay Quinx.
Gusto pa sanang magusisa ito, ngunit bigla na naman nag-ring ang hawak nitong android phone. Lumabas na ito sa pantry matapos na mag-excuse sa dalawa.
"So hindi ka nag-apply dito sa restaurant namin ng dahil sa akin?"may halong pag-aasam na bigla'y naitanong ni Bimbi. Naglabas na ito ng mga ingredient para sa may cabinet.
"H-Hindi po sir."maiksing sagot lamang ni Rachelle na nanatiling nakayuko habang tinutulungan siya sa may blender.
Gusto pa sanang magsalita ni Bimbi, ngunit nakita na nilang pumasok ang ibang mga staff. Saglit itong tinuruan ni Bimbi ang mga ilalagay ni Rachelle. Ang tamang pagmi-mix, sinabihan niya rin imemories nito ang bawat step ng isang set ng milk tea and shake. Saka na lamang niya ituturo ang ibang detalye. Sa bawat pagtuturo ni Benedict sa babae ay palihim niyang sinusulyapan ang mukha nito.
"B-Bakit po sir?"Takang-tanong ni Rachelle.
"W-Wala. . ."matipid na sagot ni Bimbi.
Matapos iyon ay agad na siyang lumabas at nagdiretso sa second floor. Mabigat sa pakirandam ni Benedict na tila estranghero lang naman ang pakikitungo ni Rachelle sa kaniya.
Kagiyat ang pagdaan ng kirot sa dibdib ni Bimbi, sa kadahilanan na agad nitong nakalimutan ang namagitan sa kanila ng babae.
Habang siya, special iyon rito.
Napansin naman ni Sancho ang pananahimik niya.
"May problema ba pre?"tanong ni Sancho.
"May alam ka ba kay Rachelle?"tanong ni Benedict.
"Rachelle? Ahh iyon bang kasama mo noong isang gabi. What about her? Huwag mong sabihin na nagkainteres ka roon. Naku naman Bimbi! binayaran ko lang naman iyon eh saka hindi ka lang ang kinikita niyon. Marami na ang nakakuha sa kata---"ngunit hindi na siya pinatapos sa pagsasalita ni Benedict, hindi na niya nagustuhan ang itinutumbok ng mga salita nito.
Isang sapak ang ipinadapo nito sa may panga niya, kaya upang matumba ito mula sa pagkakaupo.
"Hey! problema niyo!" Naguguluhan na pamamagitan ni Dyson.
"Damn you! what's wrong with you!"gigil na bulalas ni Sancho. Matapos na makatayo, agad nitong pinunasan ang bibig na pinuslitan ng dugo.
Akmang tatayo at babawe kay Benedict ito ng mabilis siyang hinawakan sa braso ni Quinx na kapapanhik lang.
"Hoy! bumalik ka rito!"Bulyaw pa rin ni Sancho. Ngunit nagdiret-direso na si Benedict. Agad nitong hinila sa kamay si Rachelle na may hawak ng order nila.
"Pakidala iyan sa itaas, halika Ellechar we gonna talk."nagtitimping saad ni Benedict matapos ipasa sa ibang staff ang hawak na tray ng babae.
Napapasulyap naman ang ibang mga costumer sa kanila na binalewala lahat naman ni Bimbi, tuloy-tuloy lamang sa paghila ito kay Rachelle.
Nagtinginan naman sina Dyson, Quinx at Sancho. Ipinagkibit na lamang ng balikat ng huli ang ginawa ni Benedict sa kaniya.
Nais niyang magpaliwanag si Benedict, sa pananapak sa kaniya.
Ngunit ng makita niya ang paghila ng kaibigan kay Rachelle ay naiiling na lamang siya sa naiisip.
Dahil for the first time ay tila natamaan ito sa babae na isang beses lang naman nito nakasama . . .