KATAHIMIKAN ang mababanaag sa buong hapag-kainan ng mga sandaling iyon. Halos hindi malunok ni Benedict ang kinakain, masasarap naman ang mga putahe na nasa harap, dahil ang Mamita niya ang lahat ng naghanda niyon para sa kanilang tatlo lang naman.
Present kasi ang Mommy at Daddy niya sa mga oras na iyon. Tuwing matatapos ang Buwan ay nagkakaroon ng pagsasalo sa malaking mansyon ng kaniyang abuela.
Request iyon ni Senyora Krisanta sa kanilang mag-anak. Dahil sa maagang namayapa ang abuelo niyang si Senyor Diego ay mag-isa itong namumuhay sa malaking mansyon nito na sa labas lamang ng Maynila nakatirik.
Nag-iisang anak nito ang Daddy niya na si Don Francis Castellejo Jr. Negosyante at halos hindi napipirmi sa iisang lugar, madalas itong nasa ibang bansa dahil sa ilang business tour na dinadaluhan nito. Sa physical attribute halos dito nagmana si Benedict pwera lang sa kutis dahil sa Mommy niya na si Donya Ghalia niya iyon nakuha.
"So iho, kumusta naman ang business ng mga kaibigan niyo?"Tanong ni Don Francis na kasalukuyan hinihiwa ang steak na nasa plato nito.
"Okay naman Daddy, actually nagexpand ang business namin."matipid na sabi ng binata at itinuon lamang ang pansin sa kinakain.
"B-Bakit Francis, iniisip mo ba na walang kakayahan ang anak natin na magpatakbo ng business? H-Hoy! huwag mong itulad ang anak natin sa'yo!"Matalim na sabad ng Donya na lasing na.
"C'mon Ghalia! Wala naman akong sinasabi huh! utak mo masiyadong advance mag-isip! Ikaw nga 'tu eh lasenggera! Kaya hindi na ako magtataka na iniwan ka na naman ng lalaki mo a---".Inis na baling naman ni Francis na agad nagpunas ng table napkin.
Tatayo na sana ito para lapitan si Donya Ghalia ngunit maagap na gumitna si Benedict.
"Stop it! The both of you! Pwedi ba once for a while ay hindi kayo magbabangayan sa harap ko. Nakakainis na kasi ang tatanda niyo na!"
"Pagsabihan mo iyan Daddy mo Bimbi, kung hindi ba naman babaero at mabigat ang kamay eh 'di sana magkasundo pa kami!"Patuloy na tungayaw ng Mommy nito na agad sinalinan ng Gilbeys wine ang baso nito.
"Nagsalita ang magaling, hoy! ikaw itong walang respeto sa akin! Walang tigil iyang bunganga mo sa kapupuna sa akin! Bungangera ka na nga, wala ka rin kasinop-sinop sa pera na pinaghihirapan ko!"Galit na sabi ni Don Francisco na akmang hihiklatin pa ang braso ng babae na nagtago sa likod ng abuela ni Benedict.
"Ano ba wala na bang katahimikan sa pamamahay ko! Magsitahimik kayo! I'm very disappointed sa inyo Francis at Ghalia! akala ko ba naiintindihan niyo ako. Nang last na tinawagan ko kayo na sana naman ay maging civilized naman kayo kahit paano sa isa't isa kahit man lang sa harapan ni Benedict! Pero ano ito? para kayong nasa palengki!"Mataas na tinig na saad ng Donya.
Unti-unti naman nagsibalik ang lahat sa upuan. Sa mga sandaling iyon ay walang halos umiimik at patuloy lamang sa kaniya-kaniyang pagkain.
Matapos makakain ay dali-dali ng tumayo si Benedict, halos hindi siya nakaramdam ng pagkabusog sa tuwing kaharap niya ang mga magulang. Isang munting halik ang iginawad ni Benedict sa pisngi ng abuela niya.
"Sige Mamita, una na po ako dadaan pa po ako sa QUIDYSABE. . ."paalam ng binata. Tinanguan niya lamang ang parents niya. Hindi na niya hinayaan makapagsalita man lang ni isang kataga ang mga ito.
Tuluyan siyang lumabas sa pinto ng malaking mansiyon ng abuela niya na mabigat ang dibdib.
Sa tuwing nakakaharap niya ang mga magulang ay ganoon na ganoon ang pakiramdam niya. Walang pagbabago sa lumipas na taon, sa totoo lang mas okay na sa kaniyang kahit hindi na magpakita ang dalawa sa kaniya, dahil nangangahulugan lang naman niyon na magkikita ang mga ito at mag-aaway lang sa harap niya.
Nagsasawa na siya sa walang humpay na pagsusumbatan ng mga ito na hindi man lang inaalala ang mararamdaman niya.
At sa tuwing nasa ganoon siyang sitwasyon ay napupuno ng hinanakit ang dibdib niya!
NAIILING na binalingan ni Senyora Krisanta sina Donya Ghalia at Don Francis.
"Bakit hindi niyo magawang magpakabait kahit saglit man lang sa harap ni Benedict? Jusko wala ng naging maayos na salo-salo sa tuwing magkakaharap kayong tatlo sa pamamahay ko huh!"
"Sorry Mama, ito kasing anak niyo wala man lang kasi masabing maayos sa akin."parunggit ni Donya Ghalia.
"Iha! Kung sana tigilan mo ang pag-iinom kasi saglit man lamang na andito ka sa amin,"pakiusap nito sa dating manugang.
"Okay Mama, sige-sige!"Agad nitong sagot.
"At ikaw Francis, pakihabaan ang pasensiya mo. Parang hindi mo kilala itong dati mong asawa, alang-alang kay Benedict please!"baling ng Senyora sa nag-iisang anak.
"Sure Mama, basta sana marunong lumugar itong si Ghalia."
Nahuli pa ng ginang ang pag-ikot ng eyeballs ni Ghalia.
Nasapo na lamang ng senyora ang noo, dahil sa katigasan ng ulo ng mga kaharap.
Parang kailan lang ng pinag-isang dibib ito ng family judge nila. Akala niya dati ay magiging tama at masaya ang nag-iisang anak sa pinili niyang babae rito.
Ngunit mukhang maling-mali siya. Ngayon, naalala niya ang babaeng dating minahal ni Francis.
Kung kaya ito ang nakatuluyan ng anak, tiyak naging maayos at masaya ang pagpapamilya nito.
Pero sa tuwing nakikita niya ang apo niyang si Benedict ay hinahayaan na lamang niya ang lahat ng mga maling desisyon niya sa likod ng isip niya.
ITINIGIL muna ni Rachelle ang ginagawang pagpipinta ng mga sandaling iyon ng makarinig siya nang pagbukas ng pinto.
Alam niyang si Benedict na ang dumating, may duplicate key kasi itong hawak. Pabor sa kaniya iyon para kahit tulog na siya o may pinuntahan ay mabubuksan pa rin nito ang pinto ng apartment nila.
Sa isipin na kanila ang tinutuluyan ay may hatid na init iyon sa puso ng dalaga.
"Goodevening Bimbi!"Sabay ng pagyakap ni Rachelle sa nobyo. Tumingkayad siya upang gawaran ng halik ang labi nito ng tuluyan bumungad sa kaniya ng nobyo.
Agad naman siyang kinabig lalo ng binata upang mas lumalim pa ang pinagsasaluhan nilang halik.
Agad humayon ang mga mata ni Rachelle sa mga biniling beer ni Bimbi na bit-bit nito at ilang take out foods.
"Mukhang masarap ang niluto mo baby,"si Bimbi na inilalagay na sa may ref ang ilang beer na dala nito nag-iwan lamang ito ng tatlong pares sa lamesita sa harapan ng sofa sa may sala.
"Nilagang baboy ang niluto ko for dinner baby, iyon nakasalang sa stove. Maghahain na ba ako o gusto mong pag-usapan natin ang problema mo."tugon ng dalaga. Kahit hindi kasi magsalita ito'y agad ng natukoy ni Rachelle na may mabigat na naman itong dala-dalahin sa mga sandaling iyon.
Sa maiksing panahon na nagkasama sila ng nobyo'y agad na nitong nakabisado ang ilan nitong ugali. Katulad na nga lang ngayon.
Nang tumango si Bendledict ay agad nang kumuha ng dalawang baso ang dalaga at ilang ice cubes sa ref.
"Mukhang okay ngayon ang ipinipinta mo ah Ellechar. . ."agaw-pansin ni Bimbi habang pinagmamasdan nito ang kasalukuyang ipinipinta ng nobya.
Isang babae at lalaki na nakatanaw sa malawak na karagatan sa isang tulay.
"Parang pamilyar sa akin ang place na 'tu?"nakakunot-noo na sabi ng binata sa dalaga na natigil din sa pagbaba ng mga baso sa harapan niya.
"Ang alin, iyan ba? Paano mo naman nasabi, eh sa Tarlac kaya iyan. . . "Naiiling na sagot ni Rachelle na naupo na sa tabi ni Benedict.
Ipinagkibit-balikat naman iyon ni Benedict at nagpatuloy lamang ito sa pagtungga.
"So ano, ano na naman ba ang problema? Sa QUIDYSABE ba? Kung hindi ay tungkol na naman ba sa parents mo?"Sunod-sunod na tanong ni Rachelle na bahagiyang napapikit dahil sa mapait na lasa ng beer na rumaan sa lalamunan niya.
"Ano bang bago, kainis na eh! Lagi na lang Ellechar. . . Sa tuwing nakakaharap ko sila ay nag-aaway sila. Alam mo iyon kahit naroon ako walang pakialam ang sarili kong mga magulang. Kaya mas gusto ko pang hindi na lang kami magkita-kita!"Mabigat na sambit ni Benedict.
"Ano ba Baby, magulang mo pa rin sila. Ikaw na ang umintindi okay ba iyon. "pangche-cheer up ni Rachelle sa binata.
"Madali kasing sabihin sa'yo na hayaan sila pero alam mo iyong pakiramdam sobrang bigat. Hindi ko alam kung hanggang kailan magiging ganito kami ng pamilya ko. Alam mo bang kinuwestyon ko isang beses ang Diyos bakit sila pa ang ibinigay na magulang sa 'kin, kung deserved ko bang magkaroon ng parents na katulad nila!"Himuntok nu Bimbi. Kitang-kita ni Rachelle ang mahigpit na paghawak ng binata sa lata na tangan nito na tuluyang napit-pit dahil sa higpit ng pagkakahawak ng lalaki doon.
Agad na hinawakan ni Rachelle ang kamay nito at masuyong hinawakan lamang iyon.
"A-Ano ba relax B-Baby, a-andito ako para pakinggan ka. S-Saka tulad mo pinagdadaanan ko rin naman iyan eh. Hindi mo naitatanong na galing din naman ako sa isang broken family. Marami rin akong katanungan sa Diyos, kung bakit naranasan ko ang mga paghihirap noong musmos pa alamng ako, magpahanggang ngayon pa rin naman. Iyong tipo na susukuan ko na ang lahat, lalo na sitwayon namin mag-ina. Hindi ko alam kung minahal ba niya ako, dahil ang totoo ayaw niya sa akin. Dahil sa tuwing nakikita niya ako naalala niya ang tatay kong umiwan sa kaniya. . ."madamdamin sabi ni Rachelle. Agad pinunasan ng dalaga ang pumuslit na luha sa magkabila niyang mata.
"C'mon Ellechar, kung ayaw mong pag-usapan ang parents mo i-it's okay I understand. . ."pagiintindi naman ni Benedict na yinapos pa ang likuran ng nobya.
"Okay lang Bimbi, gusto ko lang din ilabas ang lahat ng hinanakit sa loob ko. Para masabayan na kita sa pagsesenti mo!"
"Loka ka talaga!"Kasabay niyon ang pagpisil ng binata sa ilong niya. Isang nakaw na halik ang ibinigay ng binata sa labi ng nobya.
"Pero atleast, kahit paano proud ako sa'yo Ellechar. Dahil kahit ganiyan ang nangyari sa'yo mahal na mahal mo si Nanay Mercedes. Anak na willing gawin ang lahat para sa kaniya. I'll pray soon sa fast recovery niya na sana makilala mo rin ang Papa mo at makita niya kung gaano klaseng anak ang iniwan niya. I think if he meet you sooner, honestly. . . he will be proud of you baby I'm sure of that!"Nagniningning na bigkas ni Benedict.
"Kaya? ikaw tama na iyan! Tara ng matulog inaantok na ako eh!"si Rachelle na hila-hila na ang isang braso ng nobyo.
"Teka Rachelle! lasing ka na ba, patapos na ito. . .wait lang!"Tatawa-tawang iling ni Bimbi.
Dahil sa pangungulit ni Rachelle ay inisang lagok na niya ang binuksang lata.
"Ano ba kaya ko naman maglakad eh, ang lapit-lapit ng kwarto natin!"nakangusong sabi ni Rachelle sa namumungay na mata.
"Shut up! kung ayaw mong kainin kita ngayon!"pambibiro ni Benedict na inaayos na sa pagkakahiga ang nobya.
"Puro ka biro eh! Bakit hindi mo totohanin huh!"pangangantiyaw ni Rachelle dito.
"Uy bunganga mo!"
Tawang-tawa naman si Rachelle matapos na kilitiin siya ng binata.
Pumuwesto na ng higa ang babae. Naiiling na lang na nagbalik sa may sala si Benedict at nag-ayos roon. Matapos niyang masinop lahat ay agad na siyang nagshower.
Halos magkakalahating-oras din siya, bago nahiga sa tabi ng nobya na panay ang hilik na ng mga sandaling iyon.
Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nito na tumabing sa mukha ng babae. Tuwing pinagmamasdan niya itong payapang natutulog ay napapangiti na lang din siya. Sa araw na lumilipas ay walang ibang hiniling ang binata kung hindi ay makasama niya lamang matulog sa tabi niya ito.
Para sa kaniya, ano man maging araw niya ay nanaisin niyang makita si Rachelle.
"Seryuso Baby, kung papipiliin ako sa susunod kong buhay. Gusto ko andun ka, ikaw lang sapat na, mawala man ang lahat ng mayroon ako ngayon huwag lang ikaw. . ."bulong ni Benedict rito. Isang masuyong halik muli ang iginawad niya sa noo ng babae.
Naramdaman niya ang pagreact ng ibabang bahagi ng katawan niya ng maramdaman niya ang kalambutan ng katawan ni Rachelle.
"Not now jr. next time na lang, maaga pa ako bukas!"saway ng binata sa isip. Mabilis na siyang nagtalukbong ng kumot pagkatapos niyang mapayapa ang nangangalit niyang pag-aari. Kung hindi niya pipigilan ang sarili ay uumagahin na naman siyang makakatulog nito.