CHAPTER TEN

1297 Words
PAGKATAPOS maihatid ni Bimbi ang kaniyang Lola ay dali-dali na siyang bumalik sa QUIDYSABE. Saktong pagka-park pa lamang niya sa dalang kotse ay ang pagdating naman ni Sancho. Kasunod nito si Dyson sakay ng Ferrari naman nito. Hinintay na muna niyang makalapit si Sancho bago siya magsalita. "Mag-usap nga tayo,"agad niyang bigkas. Tinantiya niya ang boses dahil ayaw niyang magkainitan sila nitong muli ng dahil kay Rachelle. Naglakad na siyal papasok, muli hindi na naman niya pinagkaabalahan na sagutin ang pagbati ng security guard. "Goodmorning Sir, mukhang badtrip si sir Castellejo."panimula ni Mang Danilo. "Mukha nga manong, tiyak tinamaan na naman ng toyo ang utak niyan paano ba kasi. . ."agad naman siniko ni Sancho si Dyson. Baka kung ano pang masabi nito sa matanda. Lalo silang malintikan kay Bimbi. "Sige po pasok na kami,"paalam ni Sancho sa security. Tumango na lamang si Mang Danilo, matapos silang pagbuksan ng sliding door. Dumiretso na sa second floor si Dyson. Habang si Sancho naman ay pumunta sa office. Nakita niyang nakaupo sa may pwesto nito si Bimbi. Mukhang malalim ang iniisip nito kaya hindi man lang nito napuna ang pagpasok niya. Isang tikhim ang ginawa ni Sancho kaya upang mabaling ang titig nito sa kaniya. Agad naupo si Sancho sa upuan na nasa harap ng desk ni Benedict. Hindi pa nag-iinit ang pang-upo ng una ng magsimulang magsalita ito. "Let me go to the point Sancho, bakit mo ini-hired uli si Rachelle?"direktang tanong ng binata rito. "He call me, she need a job. What's the matter kung bibigyan ko siya ng trabaho. In fact ay parang charity work na ang ginawa kong favor pre. . ."paliwanag niya. Nang hindi umimik si Benedict ay tumayo na siya, baka may kung ano pang matanong ito at masabi pa niya ang totoong dahilan kung bakit pinabalik niya si Rachelle sa Restaurant nila. "Panhik muna ako sa itaas, may hihintayin pa akong client roon." Nang tumango si Bimbi ay tuloy-tuloy na sa paglabas si Sancho. Imbes na dumiretso sa second floor ay sa pantry siya nagpunta. Agad niyang hinanap si Rachelle. Pinalabas na muna nito ang ibang mga staff, bago niya kausapin ang babae. "Hey Rachelle, maliwanag naman ang usapan natin okay."walang-ligoy niyang sabi. Tumango naman si Rachelle bilang tugon. Marahan niyang pinagmasdan ang kabuuan nito, nagtataka siya kung bakit madaling nahulog ang loob ni Benedict dito. Simple lang naman ito at wala naman espesyal dito. Napatutok din ang pansin nito sa hinaharap ni Rachelle. Hindi rin naman kasi kalakihan ang dibdib ng kaharap na hilig naman ng kaibigan nilang si Benedict. Isang pilyong ideya tuloy ang sumagi sa isip niya. "Kung magiging okay ang kahihinatnan ng ipinapagawa ko, maybe dadagdagan ko ang bayad sa iyo. . ."pagkasabi niyon ay tila nangislap ang mga mata ng babae. Naawa siya sa kaibigan, dahil mukhang maling babae ang kinahuhumalingan nito. Gusto niyang gisingin si Bimbi sa fantasy nito rito, dahil kahit hindi ito magsabi ay kitang-kita naman nila sa aksyon nito ang pagkahumaling kay Rachelle. Paano ba kasi, kagabi, lasing na lasing ito at panay pa ang tawag sa pangalan ng babae. Kaya nagtaka na sila ni Dyson. Tuluyan kinumpirna niyon ang matagal na nilang sapantaha sa kabigan. "Sige po sir masusunod."maikling sagot ni Rachelle. "Bibigyan din kita ng bonus kapag pumayag kang lumabas kasama ako pagkatapos ng assignment mo sa kaniya. Don't worry you will gonna enjoy my company. . ."nang-aakit niyang sabi. "S-Sir?"nautal at tila nagulat ito sa sinabi niya. Agad ang pagdampi ng palad ni Sancho sa braso ni Rachelle na tuluyan ng nangunot ang noo. "Pasensya na sir, pero hindi po ako pumapayag sa kung ano man ang tinutukoy niyo. . . "nakasimangot na sagot ni Rachelle. "C'mon, huwag kang kj tiyak na. . ."ngunit hindi na itinuloy ni Sancho ang sinasabi ng isang tikhim ang umagaw sa pansin nila. "Man your here!"masiglang bati ni Sancho kay Bimbi. Hindi niya alam kung may narinig ba ito sa pinag-uusapan nila ni Rachelle. Wala na siyang pakialam doon, pero sa itsura pa lamang ni Benedict ay tama ang kutob niya na naangkop naman sa gusto niya. "Kanina ka pa hinihintay ni Mr. Foster sa itaas. . ."walang anu-anong sabi nito kay Sancho. Ngunit nanatiling nakatitig ito sa likuran ni Rachelle. Tumango naman si Sancho at naglakad na. Naiwan naman sa may bungad ng pinto si Bimbi, mataman lamang sinusundan nito ang bawat galaw ng babae. Dinig na dinig niya ang lahat ng usapan ng dalawa, pakiramdam niya para siyang sinuntok sa sikmura sa kaalaman na binayaran ito ng kaibigan. Para ipamukha sa kaniya na mukhang pera lang naman ang babaeng nagustuhan niya! Pero bakit parang ayaw pa rin niyang maniwala? Hindi pa sana siya aalis sa kinatatayuan ng mag-umpisa ng magsipasukan at gumawa ang mga ibang staff sa loob. Kaya upang tuluyan umalis roon si Benedict. Hindi na nito tuloy napansin ang malungkot na pagsulyap sa kaniyang direksyon ni Rachelle. MAG-A-ALASIYETE na ng gabi, kanina pa umuwi ang mga kasama niya. Patapos na rin sa ginagawang pagma-mop si Rachelle. Nang biglang mag-ring ang dala niyang de keypad na cellphone. Agad niyang sinagot iyon ng mapag-alaman niyang si Tiya Minang niya ang nasa kabilang linya. Kapatid ito ng Mama niya sa may Tarlac, matandang dalaga. Alam niyang importante ang sasabihin nito. "Hello Tiya?" "Nasiyaat mit ta inawat mon balasang, tattay ak paylang tumatawag,"(Mabuti naman at sinagot muna iha, kanina pa kasi ako tumatawag) sagot nito. "Pakawanin nak Tiya, adu gamin obra. Umuna na aldaw ko gamin ittuy trabaho."(Pasensiya na po Tiya, busy lang po kasi ako. First day ko po kasi rito sa bago kong trabaho)paliwanag ni Rachelle. "First day mo iha? (eh, apay nagdakkel ajay patulod mo na kwarta?)eh bakit anglaki yata niyong huling ipinadala mong pera."Usisa ng tiyahin niya. "K-Kuwan gamin Tiyang, nag-advance salary ak iti boss ko."(K-Kasi Tiya, nag-advance salary ako sa boss ko)"utal niyang palusot. Bigla naman natahimik ito sa kabilang linya. "Hello Tiyang ki agbiyahe ak pay pagawid,"(Hello Tiya eh magbiya-byahe pa ako pauuwi)mayamaya'y nasabi ni Rachelle. "Okay balasang, agannad ka ah lanang, ki agyaman ak ta adda balasang ni Mercedes na kasla kaniyam. Na uray madi na ka inturing na anak kit nasiyaat latta sangum kaniyana.( Okay iha, mag-iingat ka lagi, nagpapasalamat ako na may anak si Mercedes na tulad mo. Na kahit hindi ka niya itinuring na anak ay maayos pa rin ang pakikiharap mo sa kaniya)nahimigan niya ang labis na concern sa kaniya. Sa isip ng dalaga'y mabuti pa ang tiyahin, napakabait nito at inaalala siya. Habang ang kapatid nito na ina niya'y hindi man lamang siya kinikilalang anak. Actually kahit na kailan ay hindi nito ipinaramdam sa kaniya na mahalaga siya. Dahil ang totoo ay bunga lamang siya kapusukan ng ina sa boyfriend nito na hindi nanindigan rito. At sa tuwing nagkakaharap silang mag-ina ay puro panunumbat ang naririnig niya sa bunganga ng Mama niya. Dahil sa tuwing makikita siya nito ay naalala lamang nito ang Tatay niyang nang-iwan dito. Kaya nga wala siyang tiwala sa kahit na sinong lalaki. "Sige Naneng, iddipik atuyin baka mais-isturbo kan. Basta iti bilin ko lang kaniyam, madi ka agar-aramid palsu tapnu makapagpadala ka lang iti kwarta na dakkel ana,para iti Dialysis ni inang mo." (Sige anak, patayin ko na ito baka nakaka-abala na ako sa iyo. Ang bilin ko lang huwag kang gagawa ng mali para makapagpadala ka lang ng malaki-laking pera ano para sa Dialysis ng Mama mo),bilin pa nito. Nakagat na lamang niya ang ibabang labi, hindi na siya nakasagot dahil sa huling nasabi nito. Huli na ang pagpapaalala nito, Dahil tuluyan na niyang naibenta ang puri niya--- kay Benedict Castellejo isang gabing nagkasama sila nito. Kung saan isinuko niya ang lahat-lahat dito para sa pagpapagamot ng nanay niya. Ayaw niyang manggamit ng ibang tao, pero iyon ang hinihingi ng sitwasyon niya sa ngayon. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD