Pagkatapos namin kumain, bumaba muna ako sa kwarto para makaligo para makapahinga muna, total at mamayang hapon pa naman kami para sa susunod na activity. Napagod din kasi ako sa paglangoy, kaya nagpaalam muna ako sa kanila para makatulog muna.
Dahil may blower na rin dito, ginamit ko na rin para makatulog na mamaya agad. Nahiga na ako sa kama at sa sobrang pagod, nakatulog nalang din ako.
Ang sarap ng pakiramdam kong nakahiga, maliban sa malambot ang unan ko ay pakiramdam ko na-refresh ako. Pero parang may naririnig akong hinga. Nagmulat ako at nabigla dahil nasa harapan ko si Ally, at nakaunan ako… sa braso niya, at nakayakap pa ako sa kanya at ganon din siya. Akmang tatayo na ako nang niyakap niya ako kaya napahiga ulit ako sa bisig niya.
“Let’s stay like this for a while. Gusto ko pang magpahinga.”
“Uhm, pwede ka naman matulog kahit wala ako para maging komportable ka.”
“Matutulog lang tayo. I promise.” Pagkasabi niya ay pumikit na siyang muli.
Pinagmasdan ko naman siyang muli. Sa magulo niyang buhok na lalo lang nagpagwapo sa kanya. Ang mga mata niyang makukurba ang mga pilikmata. Ang kanyang pisngi na namumula dahil sa pagkababad sa araw. At ang labi niya, na ang sarap humalik. Napatitig ako sa labi niya nang matagal.
Napapaisip siya kung paanong ang lalaking nasa harap niya ngayon ay mahal na mahal siya. Ang tanong na hindi niya rin masagot sagot sa ngayon.
Pero ang nararamdaman niya patungo sa binate ang hindi maikakila. Dahil ngayon ay nahuhulog na ang loob nito sa kanya. Sa sobrang pag-iisip ay nakaidlip ang dalaga sa mga bisig niya.
“You don’t know how beautiful you are, do you?” Sabi ni Ally sa dalaga na payapang natutulog sa bisig niya. Hinaplos niya ang mukha ng dalaga, kaya napagalaw siya at siniksik lalo ang kanyang mukha sa leeg ng binate.
“No matter what, I will marry you.” Then he kissed Gab’s forehead.
Nang magising si Gab ay nakatitig lamang ang lalaki sa kanya. Tila pinapanood lamang siya nito mula noong magising siya.
“Hi, baby” hinalikan niya ang tungki ng ilong niya at niyakap.
“Hi. Kanina ka pa ba gising?”
“Yeah” sabi niya at hinagkan ang labi niya.
“Yan ka na naman, bigla-bigla nalang humahalik. Di pa nga tayo, nakarami ka na ha.”
“What can I do? I can’t help it tho, pretty face.”
“Binobola mo na naman ako. Labas na tayo?”
“Ayaw ko pa”
“Halika na. may pupuntahan pa tayo mamaya eh. Last na din naman na yun.” Ngiti ko nalang sa kanya para makumbinsi siya.
“Okay fine.” Tinatamad siyang bumangon.
Alas tres nan ang makalabas kami. Hindi na mainit sa katawan kaya pwede na namin maipagpatuloy ang natitirang activity.
“Sa wakas gising na ang lovebirds! We are on our way to our last stop”
“I’d prefer staying in that room with Gab in it”
Uminit ang pisngi ko sa sinabi.
“Yeah, right!” Pairap na sabi ni Ally.
Maganda ang pinuntahan namin, may zipline at cliff diving doon. Malinaw talaga ang tubig kaya nakakaaliw maligo. Kahit hindi ako marunong, naligo pa rin ako. Nakasunod naman palagi si Ally kaya hindi naman din ako nangangamba na malulunod. Naging masaya ang experience namin kaya natutuwa ako lalo na noong nag zipline. Nakakatakot pero nakaya naman.
5:30pm na noong nagdesisyon na silang uuwi na kami. Naglalakad na kami sa hallway ng resort nang may isang babaeng tumawag kay Ally.
“Allison Buenavista! You’re here! How are you?” sabi ng maputi, maganda at mala-model ang katawan. Para tuloy akong nanliit bigla sa sarili. Kung gaano kayayaman at kagaganda ang mga taong nakakasalamuha niya.
“Lilian Montenegro! I’m good. Actually, we are leaving. This is Gab, my girlfriend, Gab this is Lilian, a business partner”
Bakas sa mukha ng babae ang pagkagulat sa pagpapakilala sa akin.
Girlfriend?? Eh hindi ko pa naman siya sinasagot. Hmm, pero pwede na rin.
“Hi, Nice to meet you Gab” naglahad siya ng kamay sa akin.
“Hello, Lilian. Nice to meet you, too.” At inabot naman ang kamay niya.
“I’ll be going then, see you around, send my regards to Senyora”
“We will.” At umalis na kami patungo sa yate.
Napatingin ako sa kanya habang iginigiya niya ako papunta sa kung saan nakadang ang yate at inalalayan ako.
“Sino siya?”
“Babe, she’s just a business partner and nothing more.”
“Ang ganda niya kasi.”
“Hey, you are far more beautiful.”
”Sinasabi mo lang yan kasi nanliligaw ka sakin. Pero ang totoo wala akong panama sa mga naggagandahang babaeng nakaksalamuha mo.”
“My baby is throwing a fit. I’m not offended tho, I am loving the view.”
Sinipat ko siya at tinalikuran pero niyakap parin niya ako.
“We have to do something about that jealousy of yours.”
“Baka kung anu-ano na naman yang iniisip mong kalokohan.”
“Hindi ako nagloloko. I am serious about you.”
Kaya nang nakasakay na rin si Nina, nagsimula na kaming umalis.
Nakarating na kami sa isang resto malapit sa tinutuluyan namin para sa dinner. Nag-order na rin pala sila ng pagkain bago pa man kami makarating kaya dumiretso na kami sa n-reserve nilang table para sa amin.
Isang eksklusibong restaurant ang pinuntahan namin. Maganda ang ambience doon at napaka-warm ng pagwelcome ng mga staffs.
Habang nag-aantay kami ng pagkain, may kinausap si Ally sa kanyang telepono kaya naman lumabas siya. Importante siguro o tungkol sa trabaho.
Nang mai-serve na ang pagkain, kaunti lamang ang kinain ni Ally.
“Is there a problem?” Napatanong na si Nina sa kanyang kapatid.
“Uh, yeah, I need to fix some things that’s why I have to make some calls. But you don’t have to worry, I can handle it. I will be leaving after this, but I will be back later sa bahay. I have called a driver kapag uuwi na kayo.”
“And Nina, I need you two to go home straight after this.”
“Yes, sure. Pagod na rin ako kaya uuwi na rin talaga kami.”
“Okay, I will be back later.” Humalik siya sa pisngi ko bago umalis.
“Call or text me later when you get home, okay?” bulong niya sa tenga ko, saka ako niyakap.
“Ingat ka” ang tanging nasambit ko.
“I will.”
Nalungkot man ako sa biglang pag-alis niya ay kinabahan naman din ako para sa kaligtasan niya. Sana nga ay maging okay ang problema niya. Kahit hindi na niya nabanggit kung ano bang nangyari. Kaya nagpatuloy kaming kumain ni Nina.
“I’m sure, whatever that problem is, Ally can solve it. He’s really focused on the company since then even at a young age. Kaya nga siya gusto ni Lolo na magmana ng kompanya kasi bata palang kami, nakitaan na siya ng interes dito.”
“Ganoon ba, sana nga matapos niya agad. At sana maging safe siya sa travel niya.”
“Don’t worry too much.”
Pagdating namin, nakapatay ang ilaw kaya akala namin wala si Ally sa loob. Kaya ginamit namin ang susi na binigay sa amin para mabuksan ang pinto.
Pumasok kami sa loob, kahit madilim ay may mga nakasinding kandila kaya sinundan namin iyon. Naglakad ako hanggang sa makita ko ang dulo nito kung nasaan ang mas marami pang kandila na pinalilibutan si Ally sa gitna.
Nang lumapit na ako, nagsimula ang kanta at sa sobrang pagkagulat ko, dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanya, habang siya.. kumakanta!
I wanna make you smile whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do is grow old with you
(Sinalubong niya ako at inabot niya sa akin ang isang bouquet ng red roses, saka niya ako iginiyang umupo sa upuan na pinalilibutan ng mga kandila kung saan siya galling kanina.)
I'll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
Oh, it could be so nice, growing old with you
(Nilagyan niya ng tiara ang ulo ko na tila ba isa akong prinsesa na inaalayan at hinaharana)
I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
(Lumuhod siya sa harapan ko at masuyong hinawakan ang dalawa kong kamay at hinagkan ang likod nito.)
Need you
Feed you
Even let you hold the remote control
Oh, I could be the man who grows old with you
I wanna grow old with you
“Gabrielle Cruz, will you marry me?” Inilahad niya ang maliit na kahon na may laman na sensing at may putting bato sa gitna nito. Gulat na gulat man ay humarap ako sa kanya.
“Yes.” Mangiyak-ngiyak kong sagot sa kanya. At sinuot ito sa daliri ko.
Kaya niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa labi.
Nagsabay-sabay na nagsindi ang mga ilaw sa paigid. At laking gulat ko nang makitang naroon sila Senyora, ang Lolo niya at si Lola Milagring.
“I am so glad for the both of you” ang Mommy niya at dinaluhan kami.
“Gab, hija, congratulations sa inyo.” Si Senyora.
“So, when do you plan to get married?” ang lolo niya.
“I want it sooner Lolo, but we will still talk about the dates.”
“That’s good to hear. Welcome to the family hija.” Baling niya sa akin at niyakap ako.
“I have a gift. Pero saka ko na ibibgay kapag nakauwi na kayo.” Ang lolo niya na ngiting-ngiti sa aming dalawa.
“Apo, masaya ako sa inyng dalawa, sana’y magmahalan kayo nang tapat” Naiyak ako sa sinabi ni Lola at niyakap siya.
This is the happiest day of my life. Wala mapagsidlan ang tuwa sa aking puso. Lalo na ngayon at hindi lang boyfriend kundi fiancé ko na si Allison Buenavista.