CHAPTER 2: LITTLE HELP

1003 Words
Nasa hapag na kami ngayon, katabi ko si Nina at nasa harap ko naman si Ally. Inaabutan ako ni Nina ng pagkain sa tuwing kukuha siya dahil pakiramdam ko'y alam niyang nahihiya ako sa pagkuha rito. Paminsan-minsan din ay nahahagip ko ng paningin ko si Ally na tahimik na kumakain. Napapsulyap pa ito sa akin kapag natatagalan ang titig kk sa kanya. Naalala ko tuloy yung paglalahad niya ng kamay sa akin kanina. Ramdam ko yung init ng kamay niya kahit saglit lang kaming nagkamayan. Napatingin ako sa mukha niya at napansin kong gwapo talaga. Halos magkasingputi lang si Nina at si Ally. Matangkad siya, kaya hanggang baba niya lang si Nina, ako nama'y mas maliit pa kaya halos nasa balikat niya lang. Matangos, makapal ang kilay, kulay brown din ang kanyang mata kaya naman pansin na pansin lalo at maputi siya. Gaya ni Nina, mapupula din ang labi niya, mas manipis lang ito kaysa sa nakababatang kapatid, ngunit tamang-tama lamang ito sa hulma ng kanyang mukha. "Ally and Gab, I hope you will be enjoying your stay here in the province. Your dad can't join us yet, kasi may aasikasuhin pa siya sa Manila. But he will surely be here this week" balita ni Senyora. "I'm actually loving it here! Fresh air tsaka maganda ang tanawin dito Mommy unlike sa Manila" si Nina. "That's good to hear hija. How about you Ally?" si Senyora. "Tahimik dito. I think I'll like it here" sabay tingin sa akin. "I totally agree with that. Since it is your first time here, you may go to Talban Falls bukas. You like that? Ipapasama ko nalang si Cora, Boyet at Nanay Milagring." "Wow! Pwede ko bang isama si Gab bukas Mommy?" si Nina. "Oo naman, Gab, you may join them tomorrow." "Talaga po? Pwede akong sumama Senyora! Lola, sama tayo bukas? "Oo naman, basta ikaw bata ka, wag... ...wag pasaway" pagpapatuloy ko. At nagtawanan kaming lahat, maliban kay Ally na nakatitig lang sa akin. Medyo nailang ako sa pagtitig niya pero binawi niya rin naman agad pagkahuli ko ng tingin niya. Ipinagsawalang-bahala ko nalang ito. Nagpaalam nalang din ako kay Nina na tutulong muna ako kay Lola sa paglilinis ng hapag. Lagi kasi akong sinasabihan ni Lola na wag tamad sa gawaing-bahay, lalo na at dito kami pinapatuloy. Ang sabi pa, hangga't kayang tumulong, tutulong. Kaya hindi din ako nahihiya sa kusina lalo na kila Aling Corazon at Mang Boyet, ang mag-asawa na matagal na ring kasama ni Lola Milagring dito. Mayroon din silang isang anak na nag-aaral na ng kolehiyo sa bayan, si Ate Mikmik. Paminsan minsan lang siyang makauwi dahil magtatapos na rin siya ng pag-aaral nitong taon na ito. Pagkatapos kong tumulong sa kusina, lumabas muna ako ng kusina patungo sa likod ng mansyon. Doon kasi nilalagay ang mga basura at kailangan munang ipunta lahat sa malaking trash bin para sabay-sabay sa pangongolekta kinaumagahan. "Lola ayusin ko lang po ang mga basura, maiwan ko po muna kayo" sabi ko. "Naku Gab, wag ka masyadong magbubuhat ng mabibigat ha. Hayaan mo na si Boyet sa mabibigat mamaya" si Aling Cora. "Oo nga Gab, ako nalang nyan mamaya" si Mang Boyet. "Ako na po, kaya ko naman" sabi ko at nagpaalam na sa kanila, na abala sa paghahanda ng meryenda mamaya. Lumabas na ako at iniayos na ang mga basura. Hawak ko sa magkabilang kamay ang nakabuhol na itim na supot ng basura para ipunta na sa lagayan. Pero bago ko pa maiangat ang mga ito sa malaking at mataas na trash bin, nakuha na ni Ally ang hawak ko at siya na mismo ang naglagay doon, saka kinuha ang nasa kabila ko pang kamay at inilagay muli. "Why are you carrying those. It is heavy" sabi niya nang may pagtataka. "Ah, may ginagawa pa kasi si Mang Boyet sa loob. Kaya nagpresinta na akong gagawa nito para makatulong sa gawain dito, tsaka kaya ko naman." "Just do something else then, ako na ang gagawa nito" "H-huh, uhm, tulungan na kita, nakakahiya naman kung ikaw ang gagawa nito. Uh, hindi mo naman kasi to dapat ginagawa, baka pagalitan ako ni Senyora." "Bakit naman siya magagalit kung tutulong lang ako." Akmang kukunin ko na ang isa pang balot pero dali-dali niyang kinuha iyon bago ko pa makuha kaya nahawakan ko ang kamay niya. Napatigil din siya nang bahagya, pero nagtuloy pa rin sa ginagawa kalaunan. "Let me ... do this. Just stay there." "O-okay sige, uh, salamat ha" nginitian ko siya, pero bigo akong makita ang anumang ekspresyon galing sa kanya kasi nakatalikod na siya. "Walang anuman" sabi niya at hinarap muli ako, tumitig siya nang kaunti saka ngumiti. Napangiti nalang din ako dahil nasilayan ko na muli ang ngiti niya, pati ang maganda at pantay-pantay niyang ipin. Nang natapos nga ang gawain, nagpaalam muna ako kay Lola na pupunta muna ako sa plaza, para makabili ng bulaklak. bibisita kasi ako sa puntod nila mama at papa sa burol. Namili ako ng magaganda at puting rosas. Habang naglalakad ako papunta sa burol, inaalala ko lahat ng kwento ni Lola tungkol sa kanila. Kung paano sila nagkakilala at nagkatuluyan. Puro larawan na lang ang ala-ala ko, kasi kahit tatlong taon na ako noong pumanaw sila, palagi pa rin sila sa Maynila. Pero hindi naman ako nagdamdam, kasi kahit ganon, ikinayod din nila kami ni Lola. Sabi ni Lola, new year nangyari ang aksidente. Pauwi na sila noon kata siksikan na rin sa bus. Sa kasawiang palad, pumutok ang gulong ng bus sa likod na nagsanhi ng pagkawala ng control ng driver at sumalpok sa kasalubong na bus. Umupo muna ako sa harap ng puntod nila, at ibinaba ang mga rosas na dala ko para sa kanila. Naikwento ko sa kanila ang bagong kaibigan na si Nina at kung gaano ito kabait sa akin. Lalo na ngayon, may kaibigan na ako. Ganon din kay Ally, na nahihiwagaan pa rin ako sa kanya at hindi ko rin maikaila na may pagtingin na ako rito kahit sa maikling panahon pa lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD