CHAPTER 4: The Promise

1729 Words
Pagkatapos ng lunch, magkasama kami ngayon ni Nina sa garden na malapit sa camping site ng lugar. Napakatahimik dito. May mga duyan at mga tiny houses din para sa mga campers. Maluwang ang garden nila dito. Maraming halaman, mga iba’t ibang klaseng bulaklak, puno din ng carpet grass kaya green na green ang paligid. Nakakarelax sa mata. Nakakadagdag pa ang mga cute na cute na designs ng tiny houses. Mayroon din sa di kalayuan ang accommodation para family at group. Mas maluwang ang mga ito at kompleto na sa gamit kumpara sa tiny houses. Habang nakaupo kami sa isang bench ni Nina, nagkwento siya tungkol sa kung bakit sila nandito ngayon sa probinsya. Ayon sa kanya, may sakit na ang kanyang ama at minamadali na ang paglilipat ng mana sa kanila ng kapatid niya at ang majority nito ay ibibigay kay Ally. Sa murang edad ay tinuruan na daw si Ally sa pag-manage nito lalo na at nakalagay na sa will and testament ng kanilang Daddy na sa oras na mawala siya, ang kuya na niya ang tatayo bilang CEO ng company. Sa kalagitnaan ng kwento niya, nasabi niya din na hindi din ito palakaibigan kahit sa school nila. Simula pagkabata nila ay aloof ito at mas gusto ang nag-iisa siya. At kaya naman sila nandito ay para magbakasyon lamang ng kaunti, at saka sila pupunta ng ibang bansa para mag-aral. Si Ally itutuloy ang business course niya at si Nina naman ay sa fashion. May narinig kaming ingay mula sa bulwagan ng garden at nakita nain ang dalawang lalaki na palapit kung nasaan kami. Nang makalapit sila, tumabi si Jake kay Nina at hinarap ito. Lumapit si Marco sa akin na may dalang inumin at biigay sa akin ang isa. Nagpaalam muna si Nina at Jake na magpupunta muna sa Cafeteria upang bumili din ng inumin. Kaya naman naiwan kami ni Marco sa bench. Tumabi siya sa akin kaya naman binigyan ko siya ng sapat na space para maging komportable kami pareho. “Boyfriend mo ba yung kasama mo kanina, yung Ally” tanong niya. “Ah, hindi naman, bakit mo naman nasabi” kunot-noo kong tanong sa kanya. “Kasi iba ang tingin niya sa’yo lalo na noong nakita niyang kinakausap kita.” “Hindi naman, ganon lang talaga siya.” O ganon nga ba talaga? Kasi hindi ko pa naman siya lubos na kilala. “Hey Gab.” Si Ally. “See, he keeps showing up when I’m around” mahina lang pero may ngiti sa kanyang labi. “Seems like I need some time with her” Si Ally pa rin kay Marco. “Last time I checked, she’s not your girlfriend” si Marco kay Ally. Nagtaas ng kilay si Ally. “She’s not your girlfriend either” “Tama na iyan, ako nalang ang aalis.” Sabi ko at iniwan ko na silang dalawa. Nagtaas ng kamay si Marco na parang sumusuko. Nainis man siya sa inasta ni Ally ay natawa pa rin ito. Hindi nalang din siya sumunod, hindi gaya kay Ally na nakabuntot sa akin ngayon. “Bakit ka sumasama sa akin? Hindi mob a kasama yung magandang babae kanina at ako ang sinusundan mo?” “You mean you?” Tanong niya. “Ang ibig kong sabihin si Shay.” “Why would I be with her? I told you I don’t know her” sabi nito “Tsaka bat mo ba ako sinusundan?” Medyo kuryoso kong tanong. “Because you are with some random guy, and I don’t like it.” “Huh? Eh ano naman kung hindi mo gusto? Eh hindi naman kita boyfriend.” “Bakit gusto mo ba?” Nanigas ako sa tanong niya. Nanahimik kaming dalawa. Iniisip ko pa kung anong sasabihin sa kanya. “Ang alin?” “Ang maging girlfriend ko” “Teka nga, ang bata pa natin para dyan, tsaka wala pa sa isip ko ang pagb-bf, at hindi ba dapat manligaw ka man lang?” Diretso kong tanong, na ikinangiti naman niya. “Can I court you then?” “Huh, uhh” napatalikod ako sa kanya dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. “Humarap ka sa akin, tinatanong pa kita.” Hinila niya ako paharap sa kanya kaya naman muntik na akong masubsob sa kanya. Rinig na rinig ko ang hininga niya. “I have never been so aggressive to a girl before” binulong niya sa tenga ko, maalumanay pero may diin. “Never been so jealous, but now...” tuloy pa niya. Hinarap niya ako at inilebel ang mukha niya sa mukha ko. Tinagilid ang kanyang ulo at yumuko kaunti para halikan ako sa labi. Sa sobrang gulat ko ay naitulak ko siya nang bahagya pero nanatili pa rin sa mga bisig niya. “Bakit mo ginawa yon?” “Because you are mine” pagkasabi niya iyon ay inangkin muli ang aking labi, ngayon ay hindi na basta dampi lang, kundi mas malalim pa. Tinulak ko siya para pigilan sia pero nanghihina na ako para pa pigilan siya. Nauudyok lamang ako na tugunan ang halik na yon. Natapos ang halikan namin. Unang halik ko yon. Una. Hindi ko alam kung paano pero Malaki pa rin ang katanungan sa isip ko kung totoo ba ang nangyayari ngayon. Kung hindi bai to panaginip lang. Inalalayan niya ako, dahil kung hindi, kanina pa ako nabuwal sa kinatatayuan ko. Nanghihina pa sa nangyari sa amin. Mga bata pa kami, oo. Naiintindihan ko yun. Pero ang hirap naman kumawala sa kanya, na para bang magnet na hindi ka mahihiwalay agad. Kung iisipin ko lang ang kalagayan namin, napakaimposible nitong nangyayari. Lalo pa’t sabi ni Nina na hindi din naman sila magtatagal dito sa probinya, pupunta din naman sila sa ibang bansa kalaunan. Maiiwan nalang din ako. Pero bakit ko ba iniisip to? Ni hindi ko nga alam kung pinaglalaruan lang ako ni Ally. “Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo. Para kasing pinaglalruan mo lang ako” sabi ko. “I am not fooling around” “Magkaiba tayo ng estado.” “Maybe there is something you’ve forgotten all these years. The years I’ve been away.” “Anong sinasabi mo?” “You are my fiancé. Bata palang tayo noon, naipagkasundo na tayo. No one told you yet, even Nina doesn’t know about this.” “Huh? Paanong nangyari yon?” “I am back now, sooner or later, when that time comes, magkakasama na rin tayo” “Naguguluhan ako. Paano? Hindi kami mayaman, hindi ako para sayo” “Ipinagkasundo tayo ng Lolo ko at Lolo mo, their friendship was so strong that they didn’t want the bond to even break. It was agreed that their first grandchild will be married at the age of 18. That will be the time I will be taking over the company as the new CEO. All the more that I have to protect you. Because whatever agreement that was, I am loving it.” “Pero teka lang, alam ba to ni Lola Milagring?” “Of course. But she kept it. That is why you were staying there all these years. And that your Lola want to stay low-key so she kept all the money with us and let it grow, all for you.” “Saglit lang, kailangan kong kumpirmahin to kay Lola.” At sa wakas ay nakatalikod na ako sa kanya. Naglalakad ako, at siya naman ay nasa likuran ko, nakasunod. Pagbalik namin sa cottage, tinanong ko si Lola kung totoo ba talaga yun. “Oo apo, totoo lahat ang mga narinig mo. Pero hindi namin sinamantala ang pagkakataon na yun para gamitin ang mga Buenavista para sa pera. Dahil noong araw, maliit lamang ang share ng lolo mo sa kanila, kaya’t hindi kami naghahabol para doon. Ang maipagkasundo ka sa unang apo nila ay malaking bagay na.” This is all a rush to me. I have been living a very simple life not until I found out about this. Nina was also shocked just like me. But I can see that she is happy for us. “Now I know why Lolo has been talking about a girl here in the province, a story about an old friend. He is really persistent about this kaya lagi niyang pinagsasabihan si kuya. But I didn’t know that it was you, I just got the hint when we arrived here.” Ngumiti siya sa akin pagkatapos. “Ako hindi ko nalaman, si Ally pa ang nagsabi nito lahat.” “You don’t have to worry, it was all settled, and in time, everything will be done as planned.” Si Nina. Natapos nga ang araw na iyon, pero parang napakaimposibleng mangyari sakin to. Tumulong na kami sa pag aayos ng mga gamit at nilagay sa sasakyan lahat. Habang nakasakay na ang lahat sa van, kami naman ni Ally ay nagpaiwan muna upang makapag-usap pa. Magkatabi kami ngayon, pero tahimik pa rin. Pinakikiramdaman niya ako. “What are you thinking?” tanong niya sa akin nang mapansin nito ang katahimikan ko. “Lahat ng sinabi mo. Hindi ko pa rin lubos na maisip na may ganitong pangyayari.” “In time, you will understand, but for now, take this as my promise ring” lumuhod siya at nilabas niya ang maliit na box at nakapaloob doon ang isang magandang singsing na may diamond na bato. Kinuha niya ang kamay ko para mailagay ito. Tila ba nakalutang ako sa ere habang hinahawakan niya ang kamay ko. “A promise that I will take care of you, not because of our ancestors but because I genuinely want you to be mine.” Hindi ako makapagsalita kaya nang tumayo siya, nangilid ang luha ko. Pakiramdam ko sobrang espesyal ko. “Happy birthday, baby” at nagbukas ang napakaraming ilaw sa paligid namin, at niyakap ako ni Ally saka hinalikan sa noo. Oo nga at 12:00am na nga pala. June 8 na. “I have always loved you even before, hindi mo lang alam, pero matagal ko nang alam ang tungkol sa atin.” “Hindi mo manlang ba ako tatanungin kung gusto ko lahat ng mga to?” “Do you want this? Do you want us?” Tumango ako bilang sagot. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at saka niya ako siniil muli ng halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD