CHAPTER 5:

1397 Words
The night was so magical that I feel like I am literally floating. Habang hawak ni Ally ang kamay ko, itinaas niya ito at hinalikan. Hindi ko lubos maisip na ganito ang agos ng buhay ko. Pero paano naman kapag aalis na sila? Iiwan niya nalang ba ako nang ganun-ganon nalang? “Nasabi sa akin ni Nina na maninirahan kayo sa ibang bansa pagkatapos dito, paano tayo? Pagbasag ko sakatahimikan namin. “You don’t have to worry. I can visit you once in a while. I will always call you.” “Pero magtatagal ba kayo doon?” “Isang taon. Mahihintay mo ba ako?” “Wala naman akong magagawa kundi ang mag antay, hindi ba?” “You will always have my heart even if I am away. You may doubt it, but I am true to my words.” “Paano ako makakasiguro na ako lang ba talaga, I barely even know you.” “I have 2 months to prove myself before we leave for US.” “2 months nalang?” “Yes. We can spend time na tayo lang if you want, travel perhaps.” “Talaga? Kahit saan?” “Oo, name it.” “Gusto ko lang naman mag-dagat. Pero hindi ko alam kung saan maganda magpunta,” sabi ko. “We can go to Boracay tomorrow if you want.” Paghahamon niya. “Talaga? Sinong kasama natin? “Dalawa tayo.” Tipid niyang sagot. “Paano si Senyora? Paano kung ayaw niya sa akin?” “She knows my plan even before we got here. No need to worry about that. Do you really think she will be mad at you? All these years?” Saka ko palang napagtanto na tama siya. Mula pa man noon, hindi ko nakitaan si Senyora ng pangmamaliit sa akin at sa Lola. Ang tanging naaalala ko lang ay ang kabaitan niya sa amin. “Nagtataka pa rin ako kung paanong nangyari na gusto mo ako, hindi naman tayo nagkakasama palagi.” “You really think that this is the first time we saw each other? We met… 10 years ago.” “Huh? H-hindi ko maalala, ano bang nangyari?” “You were playing outside, while I was watching you from the mansion. Lolo showed you to me. He said, you were destined to be my wife when we get older. So I went outside and introduced myself to you.” ______ Flashback… “Hi, I’m Ally.” “Hello, ako si Gab.” “I have a gift for you.” “Ano naman?” “Turn around, and close your eyes.” Nang nagmulat si Gab, hinawakan niya ang gintong kwintas sa kanyang leeg. Medyo mahaba iyon kaya naman kitang-kita niya ang pendant na hugis puso na may diamond sa gitna at sa likod nito ay may nakaukit ang letrang ‘GB’. “Someday, when we get older, we will get married, remember that." Tuwang-tuwa na tumakbo si Gabna sa kanyang Lola para ipakita ang bigay sa kanyang kwintas. End of Flashback… _______ Kinapa ko ang kwintas na suot ko. Bata pa man ako ay suut-suot ko na ito. Hindi ko mawari kung bakit hindi ko matanggal-tanggal sa akin na para bang parte ito ng pagkatao ko. Nawala sa isip ko ang pangyayaring iyon, ngunit ngayon, nagiging maliwanag na ang lahat. Hinawakan niya ang kwintas ko at sinabing “The ‘GB’ in this necklace stands for Gabrielle Buenavista. Clearly means that you are mine.” Hinagkan niya ako sa aking noo. Natahimik si Gab sa ginawa ng lalaki. “Kung ganon nga, bakit kahit kasunduan lang ng mga Lolo natin ay gusto mo pa rin ako. Baka napipilitan ka lang? Kung hindi man, baka dahil sa mana na makukuha mo?” “I have reserved myself, like it’s the only thing that keeps me alive. Not out of responsibility nor burden. But because I have fallen, you are my love at first sight, if you understand what I mean. I will still love you even without the inheritance.” “Bakit ngayon ka lang bumalik? Bakit hindi ka nagpakita sa akin ng ilang taon?” “Because I am bound to inherit the compan and I have to learn everything I could learn, but I want to have you first before anything else.” “Bakit kailangang ako?” “I guess, because you really are meant for me. If you still have doubts, I have forever to prove that to you.” Katahimikan ang bumalot sa amin. Hawak ni Ally ang kamay ko at marahang pinipiga habang naglalakad kami papunta sa sasakyan. Uuwi na kami ngayon sa mansion. Maraming katanungan pa rin sa isip ko. Pero gusto kong isantabi lahat. Kanina pa niya ako pinipilit na matulog nalang sa mansion. Pero malamang ay nakauwi na si Lola at madaling araw na rin. Ngunit wala rin siyang nagawa kundi ang ihatid ako, para may kasama din si Lola at baka mag-alala pa siya sa akin. “I will pick you up later. Pack your things.” Hinalikan niya ako sa noo at hinintay makapasok sa bago siya umalis. Pinoproseso ko pa lahat ang mga nangyari ngayong araw at inaalala lahat ng mga nalaman ko. Malaking palaisipan, pero hindi ko naman maikailang hindi mahirap mahalin si Ally. Napahawak ako sa labi ko, at inalala rin ang halik niya sa akin. Napangiti ako sa iniisip. Kung totoo man ang pakikitungo niya sa akin, sana ay hindi magbago. Sana ay hindi niya ako pinaglalaruan lang. Maaga niya akong sinundo. Hinintay niya akong matapos sa ginagawa at siya na rin ang bumuhat sa bag na dala ko. “You two are going to Bora?” Nangingiting tanong ni Nina sa amin ni Ally nang “Yes.” Tipid niyang sagot sa kapatid. “And you didn’t even bother to ask me if I want to come?” “Pwede ka naman sumama sa amin Nina” sabi ko, kaya napatingin sa akin si Ally. Nginitian ko nalang siya kahit tingin ko’y ayaw isama ang kapatid. “If that’s what she wants, I don’t have a say anymore.” “Really? I will pack my things.” Si Nina at umalis na agad. “I want us alone, but if that’s you want, and as long as you are with me, then it’s fine.” “Gusto ko rin namang may kasama tayong pupunta.” “Gusto ko, kasama lang kita.” “I am here!! let’s go?” Pumasok na kami sa kotse, si Nina sa harap at kami ni Ally ang magkatabi sa likod. Ihahatid kami ng driver ngayon papuntang airport. Hawak-hawak ni Ally ang kamay ko, at dinala sa labi para mahalikan ito. Tumataba ang puso ko tuwing ginagawa niya yan sa akin. Napapatingin si Nina sa amin sa amin, at pagkuwa’y nangingiti. Habang nag-aantay kami ng flight, kumain muna kami sa isang fastfood dito. Naglalakad na kami papunta sa eroplano. Sa totoo lang, unang beses ko ito. Hindi pa ako nakakasakay nito kaya mabilis ang t***k ng puso ko. “You okay?” si Ally na hawak ang kamay ko. “Uh, kinakabahan lang ako.” “Don’t worry, I am here.” Inalalayan niya ako pagpasok ng eroplano. Siya na rin ang naglagay ng bag namin sa cabinet na nasa taas. Nakaupo na kami, ako sa tabi ng bintana, Ally at si Nina naman sa tabi nito. Inabot niya ang kamay ko, malamang ay naramdaman niya ang kaba ko. Ang init ng kamay niya ay nagbibigay gaan sa nararamdaman kong kaba. Kahit papaano ay naiibsan ang takot ko. Nang nasa ere na kami ay namangha ako sa tanawin mula sa bintana. Natuwa ako sa dagat ng ulap at ang sikat ng araw sa dulo nito. Napatingin ako sa katabi at nakita kong nakatingin din siya sa akin, tila inoobserbahan ang reaksyon ko. “One day, I will take you to places. We will travel as far as you want.” Ngiti niya at masuyong hinalikan ang kamay ko. Pinanood ko ang tanawin mula dito, ang mga isla na pinapalibutan ng karagatan, ang mga kabahayan na maliit na sa oaningin sa sobrang layo, at ang mga barko na naglalayag sa dagat. Hanggang sa makarating kami, ay hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko. “Salamat Ally.” Ngiti ko sa kanya. “All for you, baby.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD