CHAPTER 8: I'm all yours

1260 Words
Paglabas namin ay may nag-aantay na yate sa amin. Inalalayan ako ni Ally papunta roon at ganon din sa kapatid. Maganda ang panahon ngayon kaya magiging exciting ang mga activities na gagawin. Nae-excite din talaga ako, lalo ngayon at unang beses ko ding sumakay sa yate. Putting yate ang sinakyan namin, mayroon itong kwarto sa baba. Medyo maluwang iyon kaya may tatlong kwarto, dalawa para sa amin, at isa para sa mga staffs. Nauna na kami ni Nina sa pagpasok sa tig-isang kwarto habang kausap pa ni Ally ang mga crew. Pinagmasdan ko ang kwarto, maganda ang loob nito, sakto lang ang luwang, may cabinet at higaan. At may maliit na cubicle para sa CR naman. Inaayos ko ang mga gamit ko. Mayroon ding makeup dito na binili din Nina para sakin. Ang sabi niya’y dahil magkasama sila, bibigyan niya ako ng mga regalo. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko pa siya, kaya nagpasalamat ako sa kanya at tinanggap ang mga ito. Sinubukan ko ang isang lipstick na bigay sa akin, brownish pink ang kulay nito kaya sa tingin ko ay tugma sa kulay ng suot ko ngayon. Mayroon salamin doon kaya sakto, habang inaayos ko rin ang buhok ko. Nagulat ako nang may kumatok sa pinto ko. Pagbukas ko ay si Ally ang bumungad sa akin. Nakasummer shorts at tank top siya kaya nangingibabaw ang kagwapuhan niya. Pumasok siya sa kwarto at umupo siya sa kama. Ibinaba niya ang mga gamit niya. “Uh, pwede naman akong lumipat kay Nina para magamit mo tiong kwarto.” “No need. Pwede naman tayong magkasama dito.” Sabi niya na nagpabilis ng t***k ng puso ko. “H-hindi kasi ako magiging komportable pag kasama kita dito eh.” “I am not as bad as you think I am tho.” “Baka kasi mangyari na naman yung … kagabi.” “I will try my best to behave, babe” “Uh, lilipat nalang talaga ako kay Nina.” Kaya akmang kukunin ko na yung mga gamit ko pero hinawakan niya ako sa kamay. “Baby, I will behave, I promise. If I made you uncomfortable last night, I’m sorry.” Tinitigan ko siya para tignan ang reaction niya na nagsusumamo. At unti-unti itong ngumiti para makumbinsi ako. “Kapag may ginawa kang kalokohan, lalabas talaga ako dito.” “No, I promise. Please trust me.” “Sige, sabi mo yan ha. Lalabas muna ako para mapanood ko ang tanawin, halika.” Ngiti ko sa kanya. “Okay, babe.” Naglakad kami papunta sa taas, ramdam na agad ang lamig at presko ng hangin. Umupo muna kami para mapagmasdan ang tanawin. Narating namin ang mga destinations, may mga picture-taking kami at si Ally ang kumukuha non. Kapag minsan ay kinukunan din kami ni Nina, kapag natyempuhan niya kaming dalawa ni Ally tuwing nagpapahinga. Bago kami pumunta sa last na isla, nandito kami ngayon sa isang reef formations para sa snorkelling. May mga snorkelling gear din na gagamitin para makita ang ilalim. Nagtanggal na ako ng coverup ko para maisuot ko na ang life vest ko dahil hindi naman ako marunong lumangoy. Ganon din ang ginawa ni Nina. Namataan ko naman si Ally na nakatitig ngayon sa akin. Pero binawi din agad nang makita niyang nakatingin ako sa kanya. Nakaready na ako para magsnorkel. Papunta na ako kung saan si Nina para hindi ako malayo. Umupo muna ako sa dulo at tinampisaw muna ang mga paa. Natatakot din kasi ako lalo at first time ko ito. Nang maramdaman ko si Ally sa likuran ko para alalayan ako. “You scared?” “Oo eh. Hindi kasi ako marunong lumangoy.” Natatawa kong sabi para lang mapagtakpan ang kaba ko. “Come on, sasamahan kita para hindi ka matakot.” Inalalayan niya ako hanggang sa makatampisaw kami sa dagat. Suot ko ang isang gear para makita ang ilalim habang si Ally naman ay hawak ako sa kamay. Sobrang linaw ng tubig kaya makikita ang iba’t ibang klaseng isda, coral reefs, at mga sea creatures. Hindi ko nga lang makita nang malapitan kasi hindi naman ako marunong sumisid, pero okay na rin ako sa nakikita ko. “I’ll just take a dip, babe. Balik din ako agad ha?” “Okay sige.” At pinanood ko siya sa loob habang sumisisid siya. Topless kasi siya ngayon kaya kitang-kita ang mga muscles niya na. pabalik na siya patungo sa akin kaya iniba ko ang tingin para hindi niya ako mahuli na nakatitig sa kanya kaya nagtungo ako sa ibang direksyon. “I can see my baby checking me out tho.” Nangingiti niyang sambit sa akin. “Hindi ah!” tumalikod ako sa kanya dahil pakiramdam ko tumaas lahat ng dugo sa mukha ko. “I don’t buy that, pero sige, kunwari hindi ko nalang nakita.” Hinarap muli ako. Tinakpan ko ang mukha sa sobrang hiya. “Hindi ko lang mapigilan kasi hindi naman ako marunong lumangoy, kaya pinapanood nalang kita.” Sabi ko na hindi makatingi sa kanya nang diretso. “I don’t mind you looking at me, I actually love the thought of it.” “Huwag mo akong tinititigan ng ganyan.” “Wag ka na mahiya. Okay lang sa akin. Basta ikaw.” Ngiti niya sa akin. Tinalikuran ko pa rin siya sa sobrang hiya para hindi niya makita kung gaano na kapula ang mukha ko. “Really, come on, It’s really fine. I don’t mind it. I’m all yours.” Pagkabi’s napatingin ako sa kanya. “It’s true, I’m all yours.” Ulit pa niya. At pinalapit niya ako sa kanya. “and you are mine.” Saka niya hinawakan ang mga kamay ko at hinalikan ang mga ito. Tinitigan pa niya ako lalo na para bang nakikita niya pati ang kaluluwa ko. Lalo pa noong kinagat niya ang labi niya. Naalala ko ang halikan naming dalawa. Ano ba yan Gab, nagiging manyak ka na yata. “Ahon na tayo.” Sabi ko sa kanya “Not so fast, baby.” At hinapit niya ako para s amabilis na halik. Napaimpit ang sigaw ko dahil sa gulat, lalo at alam kong nakatingin si Nina sa aming dalawa. “OMG! Kayong dalawa ha! Aminin niyo na kasi sa akin na kayo na! Hahaha.” Sigaw ni Nina sa aming dalawa. Nahiya tuloy ako lalo kaya aahon na talaga ako, pero naunahan na ako ni Ally sa pag-ahon para tulungan akong makasampa. “Ikaw kasi Ally, hahalik-halik ka kasi bigla, nakita tuloy ni Nina.” inis kong sabi sa kanya. “haha! Ano naman? I’m being honest with my feelings towards you. Sana ikaw din sa akin.” Napaisip ako sa sinabi niya. Sa nangyayari kasi sa aming dalawa, nagugustuhan ko na rin kasi siya. “Pero hindi mo naman kasi ako kailangang halikan.” “I’m dying to kiss those lips. I just can’t stop myself.” Sabi niya at ibinalot sa akin ang isang tuwalya para hindi ako lamigin. “And please cover your legs.” Tuloy pa niyang sabi kaya nang matuyo ako nang kaunti ay isinuot ko ulit ang coverup ko kanina. May mga nakahain na pagkain doon kaya kumain na muna kami. “Nina, let’s skip the remaining activities and just rest for now. Resume nalang later” “Okay! I’m tired na rin eh. After this, pwede naman magrest sa rooms.” Sabi ni Nina sa kapatid. “Kain na muna tayo. I’m hungry!” reklamo ni Nina. Kumain kami ng tanghalian. Marami ang mga pagkain na nakahanda, kaya naparami rin ako ng kain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD