CHAPTER 7: KISS

1203 Words
Pwede pala yung ganon no? yung may isang taong mag eeffort para sayo para mapasaya ka, para maramdaman mo yung sincerity nila, at para mdama mong sa buhay hindi ka nag-iisa. College na ako ngayon at nasa third year college na ako. Isang taon nalang at matatapos ko na rin ang kurso kong business management. Pero NBSB – no boyfriend since birth. Kaya hindi ko naranasan ang maligawan. Maliban kasi sa hindi naman ako mayaman gaya ng mga classmates ko, hindi rin ako maporma dahil wala naman akong sapat na pambili ng magagandang damit. Pero kahit ganon, naisip ko, hindi naman batayan yun ng pagkatao. Sa school kasi, tahimik lang ako, walang kaibigan at walang gusting kumaibigan sa akin. Hindi naman kasi lingid sa kanilang lahat na katulong lang kami sa mga Buenavista. Kung mayroon mang makikipagkilala, yun ay para makahingi ng mga sagot sa mga assignments. Kaya simula noon, hindi ko nalang din ininda kung wala akong kaibigan. Sapat na sa akin yung nakakag-aral ako, at tumutulong kay Lola sa mga gawain pag-uwi. Sa ganon lang umikot ang mundo ko. Kaya nabigla din talaga ako sa mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Pero natuwa na rin ako, kasi kahit papaano pala ay may halaga din pala ako. Gayunpaman, hindi naman ako nagrereklamo na maagang nawala ang mga magulang ko. Hindi naging madali ang buhay, pero kinakaya naman. Mabuti nga at nandyan si Lola para alalayan ako. Paano nalang kung wala na siya, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ganito talaga ang naiisip ko palagi kada matutulog na. Buti ngayon at kahit papaano ay naiibsan ang lungkot ng puso ko mula noong dumating sina Nina at Ally sa mansion. Naalala ko tuloy ang pagluluto niya kanina habang nakatalikod siya. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi siya gwapo. Kahit nakatalikod siya, mapapansin pa rin ang magandang hubog ng katawan niya. Madalas lang talagang seryoso ang mukha niya pero kapag ngumiti, panalo! Paano naman ako hindi mahuhulog sa kanya nyan? Nagpresinta na akong maghugas ng plato, total si Ally naman na ang nagluto kanina, tsaka mas gamay ko na ang mga ganitong trabaho kaysa sa kanila. “Nagustuhan mo ba yung luto ko para sayo?” tanong ni Ally sa akin na tinutuungan ako sa paghuhugas. “Oo naman, masarap ka palang magluto. Daig mo pa ako” tumatawa kong sambit sa kanya. “I can cook whatever you want, may gusto ka bang matikman, maliban sakin?” Seryoso pero pinipilit itago ang ngiti. “Kung anu-ano ang sinasabi mo dyan!” hinampas ko siya sa kamay, at natawa nalang din kami pareho. “Binibiro lang naman kita eh.” “Ikaw, anong paborito mong ulam o pagkain, yun nalang.” “That’s easy!” Naging mabilis ang paghuhugas namin kasi habang nagsasabon ako, binabanlawan na ito agad ni Ally. “You need to rest, maaga pa tayo bukas.” Naglalakad na kami papunta sa kwarto ko. “Ikaw din, salamat sa pagluluto kanina. Nagustuhan ko” “We’re just getting started, baby.” Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Tila pinoproseso pa ang ibig niyang sabihin. “Uh-uhm, sige, uh, matulog na tayo.” Nauutal kong sabi. “Get used to it Gabrielle Buenavista, sasanayin kita araw-araw hanggang mahalin mo na rin ako. Good night baby, I Love You.” At hinagkan niya ako sa noo, saka pinagdikit ang noo namin. Nanigas ako sa kinatatyuan ko dahil sa ginawa niya, parang lalong nag-init ang pakiramdam ko. Lalo pa at niyayakap na niya ako ngayon. Kakaiba talaga ang hatid sa akin na comfort ng mga yakap niya sa akin. Para akong hinahalina tuwing naglalapit kami, maging ang marinig ko ang pintig ng puso niya tuwing niyayakap niya ako. “Good night Allison Buenavista” niyakap ko na din siya. “I love you so much... It’s not a question, so you don’t need to answer.. yet. But if in case you feel that you love me too, feel free, I’d love to hear it.” Bulong niya sa tenga ko na nagpataas ng balahibo ko. Kumalas na ako sa yakap namin, para sana makapasok na ako sa kwarto pero hawak pa rin niya ang beywang ko. Nakatitig siya sa akin saka bumaba sa labi ko. Bago pa ako makatalikod, hinakbang na niya ang distansya namin at hinagkan ako… sa labi. Malambot ang mga labi niya na dumadampi sa labi ko. Paunti-unti niya ako inihahakbang papasok ng kwarto ko, saka niya ito isinara. Marahan niya rin akong inihahakbang hanggang sa maisandal niya ako sa pader. Banayad ang mga halik niya. Nagpupumiglas ako pero dinala niya lang ang mga kamay ko sa batok niya. Sa tingin ko rin ay kailangan ko nga iyon para sa suporta. Parang biglang lumambot ang mga tuhod ko sa ginagawa niya. Ang mga banayad na halik niya, ngayon ay mas dumidiin. Sinuklian ko ang mga halik at ginagaya kung paano niya ito ginagawa. Sa gitna ng halikan nila, may ngiti sa labi ni Ally. Nang tumigil kami, pareho kaming naghahabol ng hangin. Ngunit ginawaran pa rin niya ako ng mumunting halik. “As much as I want you so bad, I’ll have to reserve this for later. You need to sleep, tho I don’t think I could still sleep after this. Good night, baby.” “Good night.” Lumabas na siya saka isinara na ang pinto. Napahawak ako sa labi ko. Ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa dibdib ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Parang nagkakarera sa bilis. Ninanamnam ko pa ang nangyari kanina, na para bang konting konti nalang ay bibigay na ako sa kanya at magpapaubaya nalang. The way he makes my heart skip a beat when he’s around, those moments when our skin touches, the way his kisses make me go crazy and yearn for more. In love na nga talaga ako. Nakahiga na ako ngayon pero hindi ako makatulog. Para akong nakalutang. Ipinikit ko ang mga mata ko, pero siya ang nakikita ko. Parang nauulit ang mga nangyari kanina. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog. Antok na antok pa rin kasi ako ngayon. Maaga pa naman kaming ginising ni Nina. Kaya dali-dali na akong naligo at nag-ayos para mamaya. Suot ko ngayon ang binili ni Nina para sakin. Pink na two-piece ang suot ko at nagsuot ako ng summer dress hanggang lagpas tuhod, at may slit hanggang hita. Paglabas ko ng kwarto, nakahanda na ang umagahan namin, “Good morning, babe” sabi ni Ally at hinagkan ako sa pisngi. “Good morning” mahina ko naming sagot sa kanya. “Hey guys, kayo na ba??” tanong ni Nina sa amin na ikinagulat ko. “Hindi.. hindi Nina.” gulat kong sabi. “Not yet, don’t be in a rush Nina baka sagutin ako agad” ngiti niya sa kapatid. “Hahaha. Okay! Fine! Kain na nga muna tayo.” Naglakad na kami papuntang dining table. Nag-offer ng upuan sa akin si Ally at umupo na rin siya sa tabi ko. Si Nina naman ay nasa tapat ko. Diniscuss niya ang mga mangyayari sa araw na ito, at kung sinu-sino ang mga kasama. Pagkatapos nga naming kumain, gumayak na kaming lahat para sa island hopping.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD