CHAPTER 3: I will be watching you

1723 Words
Gaya ng sabi ni Senyora, maaga palang nagpunta na kami ng falls kasama sila Lola, Aling Cora at Mang Boyet, Nina, Ally, at ang dalawang driver na sina Mang Pedro at Lito. Hindi na sumama si Senyora dahil may aasikasuhin siya sa kabilang bayan. Kaya kami-kami nalang muna ang magkakasama. Handang-handa na si Nina at mukhang excited sa pagpunta roon. Habang nasa loob na si Nina, tumulong muna ako sa pagpasok ng mga pagkain at mga gamit pangluto sa sasakyan kasama sila Aling Cora, pinauna ko na si Lola sa loob ng sasakyan para hindi na siya mapagod pagkatapos niyang maibaba ang kaldero. Kami nalang ni Aling Cora ang bumalik para kunin ang natitirang mga pagkain. Habang nauna na si Mang Boyet sa Cottage para maibaba na ang ibang inumin at makapagsimula na sa ihaw. Pagbalik namin sa kusina, nakita ko si Ally na may dalang Shoulder bag. Malamang ay ang dala niyang pamalit iyon. Nang hawak na namin ang mga ulam, kukunin ko nalang ang bag ko para makabalik na kami. Tinawag na rin ni Aling Cora si Ally para makasabay na. "Ako na po niyan" si Ally kay Aling Cora. "Sige hijo, at may nakalimutan pa pala ako sa kusina, mauna na kayo ni Gab" "Is that heavy?" tanong sa akin. "Hindi naman. Kaya ko na." Yun lang at hindi na kami nag-usap pa. Pumasok na ako sa sasakyan. Si Nina sa harap na umupo. si Lola at Aling Cora naman ay nasa bulwagan lang ng pinto para daw hindi mahirap bumaba. Ako naman at nasa likod lang nila Lola, si Ally na nasa pinakalikod naman. Dahil nga isa at kalahating oras and biyahe papuntang talon ay minabuti ko munang matulog para makabawi dahil sa sobrang aga naming nagising ni Lola para maghanda ng mga gamit. Ginawa kong unan ang aking backpack sa pagtulog. Naalimpungatan ako nang dumaan ang sasakyan sa mabatong parte ng daan. At laking gulat ko na sa balikat na ni Ally ako nakaunan at hindi na sa aking bag. Sa sobrang gulat ko ay napabangon ako sa balikat niya, na sanhi ng pagkagising niya din. ”Sorry, hindi ko namalayan.” Sabi ko na nahihiyang humarap pa sa kanya. Napatingin din ako sa mga kasamahan na masarap pa ang tulog. “It’s okay.” Tipid niyang sagot, na hindi ko na inusisa pa para hindi na mapahaba ang usapan. Nakarating na nga kami sa registration area. Nagbaba na kami ng gamit. Si Nina na kanina pa excited, kinuhanan niya kami ng pictures ganon din ang lugar. Nagpaalam siya na kukuha muna ng picture sa paligid habang abala pa kaming lahat. Nadatnan din namin si Mang Boyet na abala sap ag iihaw ng BBQ at kung anu-ano pang mga pagkain. Pagkuwa’y napapatingin din ako kay Ally na tumutulong din sa pagbaba ng ibang gamit. Nang natapos kami, lumapit si Nina sa amin. Bakas sa mukha niya ang pagkamangha sa lugar lalo at unang beses pa lamang niya dito. Nakatayo na siya ngayon sa harap ko at nakapagpalit na rin ng kanyang swimwear. Naka-shorts siya nang maikli at naka-see-through na damit at kaya kitang-kita ang kanyang panloob dahil kulay neon pink ito na lalong nadepina ang kaputian niya. “Halika Gab, punta tayo doon sa banda roon, kukunan kita ng picture” nakangiti niyang sabi sa akin. Hindi pa man ako naka-oo ay hinila na niya ang aking kamay papunta sa sinasabi niyang lugar. Maganda nga doon kasi makikita sa likod ang talon, gayundin ang paligid na punong-puno ng mga bulaklak. “Pose here Gab! You look perfect.” Sabi pa niya. Pagkatapos ko ay siya naman din ang kinunan ko. Nagpatuloy pa siya sa pagkuha ng mga litrato. At nakakawili talaga ang paligid dahil tanging ang tunog ng talon ang maririnig. Hinanap ng mata ko kung nasaan si Ally pero hindi ko siya makita, gaya siguro naming ay nag-ikot din siya kaya wala siya ngayon sa cottage. Kami-kami palang ang nadito ngayon dahil 7:30am palang naman. Maaga din kasi kaming gumayak para magkaroon ng sapat na oras doon. Naghanap nalang muna ako ng CR para maayos ko ang damit ko, nang makita ko si Ally na may dalang camera. Kumukuha siya ng mga litrato sa medyo mataas na lugar. Seryosong-seryoso siya habang kumukuha habang hawak ang camera niya. Inabala ko nalang muna ang sarili ko kahit na laman siya isip ko ngayon. Mahilig pala siyang kumuha ng litrato kung ganon. Siguro magaganda ang kuha niya? Siguro sa mga lugar na napuntahan na nila, marami siyang mga nakunan na magagandang tanawin. Hay, sana pagdating ng araw, makapunta rin ako sa maraming lugar gaya nila ni Nina. Pangarap ko rin yun. Mula kasi noon, hindi ako nakakalabas sa amin, lalo at hindi na rin naman ganon kalakas si Lola. Minsan nagpapakwento nalang ako sa kanya kung saan din siya nakapunta noon, o kung anong magandang tanawin ang meron doon. Ni minsan kasi hindi pa ako nakakaalis ng probinsya. Minsan nasasama lang ako sa bayan para mamalengke. Gusto ko rin sana makapunta sa dagat. Pero dahil malayo naman dito sa amin. Ilog at talon ang marami dito sa amin. Kung dagat naman ay aabutin pa ng apat hanggang anim na oras ang biyahe bago makarating. Inaya na ako ni Nina na maligo, kaya naman sumama na ako sa kanya. Inaamin ko hindi ako marunong lumangoy. Kaya sinabi ko kay Nina na sa gilid lang ako. At kung pupunta man ako sa mas malalim ay sa kaya ko lang na lebel para hindi ako malunod. Lumalangoy na siya palayo sa akin at babalik din naman para kausapin ako. Nilubog ko ang sarili ko sa tubig. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng tubig na dumidikit sa balat ko. Naisip ko tuloy kung maliligo din ba si Ally, kasi wala pa naman siya dito. Baka abala pa siya. Habang nag eenjoy si kami ni Nina dito. May mga nagsidatingan na rin na mga turista. Isang pamilya sila kaya naman marami din silang binababa na mga gamit at pagkain. Halos kaedad naming ang kasama nila. Isang babae at dalawang lalaki. Kaya habang naliligo kami, pumunta na rin sila sa talon para makaligo na. Magkatabi na kami ngayon ni Nina nang nakipagkilala ang dalawang lalaki sa amin. “Hi, I’m Jake and this is my cousin, Marco. You are?” tanong ng lalaki kay Nina at naglahad ng kamay, ganon din ang isa sa akin. “Nina, and this is Gab, my friend.” tipid niyang sagot. “Nice meeting you!” Magakasunod nilang sinabi, saka sila lumusong na rin palapit sa amin. “Nice meeting you din” sagot namin ni Nina. At tumabi sa Jake sa gilid ni Nina at ganon din si Marco sa gilid ko. Ngayon ko palang nakita si Ally na palapit na kung nasan kami. “Nina and Gab, let's eat first” sabi niya sa amin, kaya naman sumunod kami agad. “That is my brother Ally” turo ni Nina sa kapatid nang makalapit ito sa amin. “See you around” sabi ni Nina. at nagpatuloy na kami sa pagpunta sa cottage. “O, andyan na pala kayo, halina kayo at nang makakain na kayo. Marami ritong pagkain.” Si Lola. “Oo nga, naku bagong luto lang itong bbq, tikman niyo.” Excited na sabi ni Aling Corazon. Kumain nga kami habang nagku-kwentuhan sila at nakikitawa nalang din ako lalo kapag may mga jokes silang sinasabi. Tumayo muna ako para makapunta sa CR nang makita ko si Marco na nakaupo sa isang bench na madadaanan ko. “Hello Gab.” Ika niya. “Hello din!” Ngiti ko. Nakasunod pala si Ally sa akin nang hindi ko namamalayan. “MagC-CR ka diba Gab, samahan na kita.” Sabi niya na ikinagulat ko, pero tumango pa rin ako sa kanya bilang sagot. “Ah oo, ikaw din ba?” tanong ko. “Oo, halika na.” yun lang at iniwan na naming si Marco na parang hindi man lang niya ito nakita. “Hindi mo na naman ako kailangang samahan.” Sabi ko. “Do you know that guy?” tanong niya. “Ah, si Marco, nakipagkilala siya kanina sa amin ni Nina.” sagot ko. “He’s obviously hitting on you” sabi niya. “Huh, uh, hindi naman siguro. Nakikipagkaibigan lang naman.” Sabi ko at binilisan na ang lakad para makapunta na sa CR. “Tss.” Tanging tugon niya. Mahina pero dinig ko pa rin. Nang nasa loob ako, narinig ko ang babae na kinakausap at nakikipagkilala sa kanya. Yun yung babaeng kasama nila Marco kanina. Maganda siya, matangkad at maputi, matangos ang ilong at chinita. “I’m Shay, you are?” pagpapakilala ng babae. “Ally.” Tipid niyang sagot. At palabas na ako nang may mga tanong pa siya kay Ally na sinasagot niya rin naman kaso tipid nga lang. Nag-uusap pa naman sila kaya nang makalabas ako, lalagpasan ko nalang sana sila. Pero bago pa ako makalagpas, hinawakan na niya ang palapulsuan ko at sinabi sa kaharap, “Sorry, I’m with her, please excuse us.” Yun lang at tuluyan na kaming umalis, kahit pa gusto pa sanang magtanong ng babae sa kanya. Naglalakad na kami pabalik ng cottage ngayon. Pero hanggang ngayon ay hawak pa rin niya ang kamay ko. Kaya naman nang hinigit ko ang kamay ko ay nagulat siya at binitawan din agad ang kamay ko. Kaya napatingin ako sa kanya at ganon din siya. “Sorry.” Sabi niya. “A-ah, okay lang. Hindi mo na sana iniwan yung babae kanina doon, nakikipagkaibigan lang naman.” I said half-heartedly. “Di ko naman siya kilala at ayaw ko din siyang kausap.” Sabi niya nang walang pag-aalinlangan. “Kung ganon, alis na rin ako, baka naaabala na kita.” Sabi ko, kasi baka ako din ay ayaw din niyang kausap. Hinigit niya agad ko. “Siya ang sinabi kong ayaw kausap, hindi ikaw.” Sabi niya na malamang ay nagpapula ng mukha ko ngayon. Hindi lang dahil sa sinabi niya, maging sa kamay kong hawak na ulit niya. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko, kaya naman natigilan ako sa pagkakatayo ko at napahawak sa kanya dahil sa pagkabigla at para makabalanse. “Don’t go away without me. I will be watching you.” Tanging sabi niya na nagpabilis ng t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD